Kabanata 7

199 1 0
                                    


Celsius' Pov

Masama ang loob kong umuwi sa palasyo. Hindi ko na rin pinapansin ang mga pagbati sakin ng mga tovenaar na aking nakakasalamuha. Pero sila ay patuloy lang sa pagbati at pagbow nila, hindi ko sila tiningnan at pinagpatuloy lang ang aking paglalakad hanggang sa makapasok ako sa aking silid.

Umupo ako sa aking higaan at parang ayaw paring tanggapin ng aking puso ang buong pangyayari, ang mga masasaya namang panahong magkasama, ang mga tawanan, ang mga habulan, lahat ng 'yon ay nawalang kagaya ng bula.

Napalingon ako sa pader at pinagmasdan ko ang picture namin ni Mandee, isa itong picture kung saan palihim kasing lumabas ng Crea at sekretong pumunta sa mundo ng mga Ihmisen. Masayang masaya ako nung panahon 'yon at nakita ko rin sa kanyang mga mata na masayang masaya rin sya.

Kaso .. kagaya nga ng sinabi ni Mandee kanina lahat ng bagay ay kailangang matapos.

Hindi ko na napansin na muli na namang nagsibagsakan ang mga luha ko habang malungkot na nakangiti sa picture namin ni Mandee sa nakadikit sa pader. Alam ko namang ganito ang mangyayari pero hindi ko naman inaasahan na magiging ganito kabilis at kasakit ang kahihinatnan.

"Celsius ..." napalingon ako sa aking likuran at nakita ko ang mukha ng aking mga magulang. Nandito sila sa loob ng aking silid, marahil ay hindi ko naisara ng mabuti ang aking pinto kanina.

Kita ko ang lungkot sa kanilang mga mata. "Patawarin mo kami ng Papa mo, anak. Nangyari ang bagay na ito dahil sinabihan namin si Mandee na makipaghiwalay na sa'yo. Alam na namin ang lahat, anak, hinihintay lang namin ng Papa mo na gumawa ka ng paraan para hiwalayan si Mandee pero hindi mo ginawa ang tama at pinagpatuloy mo parin ang relasyon nyo" malumanay na saad ni Mama.

Nilingon ko si Papa at nakita ko ang pagkaseryoso ng kanyang mukha. Hindi sya nagsasalita pero alam kong masama ang loob nya sa akin.

"Ma, mahal ko po si Mandee kahit hindi sya ang sinasabi nyong Ku Liefde Deva ko--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng basta na lang lumipad ang palad ni Mama sa pisngi ko. Nabigla ako sa ginawa ni Mama at napahawak sa pisngi ko.

"Hindi tunay na pagmamahal ang tawag dyan, anak. Gusto mo lang sya, attracted ka lang sa kanya dahil sa kanyang panlabas na kaanyuan. Hindi mo sya tunay na minamahal" medyo tumataas na ang boses ni Mama.

Hindi ko na rin nagugustuhan ang sinasabi ni Mama, dahil sa sitwasyon ko ngayon, iniwan at sinaktan lang naman ako ng babaeng gusto ko.

"Ma, hindi mo naiintindihan ang sinasabi mo. Mahal ko sya ..." hindi ko na natapos ang sinasasabi ng tingnan na ako ni Papa at sa hindi ko maintindihan ay parang unti unti ng umiikot ang buong paligid at unti unting dumidilim ang lahat, nakakaramdam na rin ako ng pagkaubos ng aking hininga. Gustong gusto kong sumigaw ngunit walang boses ang lumalabas mula sa bibig ko.

"Pa-p-pa ... Ma-mama ..."

Akala ko ay katapusan ko ng narinig ko ang boses ni Mama na pinapatigil na si Papa. Hindi ko na napansin na nakahinga na pala ako sa sahig ng kwarto ko at naghahabol ako ng aking hininga at unti unting hinahanap kung saan ang liwanag kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at binuka ang aking kamay at lumabas duon ang apoy. Umaasa kasi akong makakatulong ito para makaaninag ako ng liwanag.

"Celsius ..." saad ni Papa at muli nya akong tiningan at sa isang iglap napatigil nya ang apoy sa aking palad.

At dahil sa pagkabigla ay hindi ko na napansin na maingat na pala akong itinayo ni Mama. Masyado kasi akong natigilan dahil nagawa ni Papa na patayin ng kanyang mahika ang aking apoy.

"Kahit anong pilit mo, kahit lahat ng kaalaman sa buong Adetram ay alam mo pero kung hindi ka naman susunod sa panukala ay hinding hindi mo mararating ang destinasyon mo."

Itutuloy ...


The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon