Kabanata 24

179 1 0
                                    

"Huwag mo na lang akong kausapin .." sagot nya habang nakatalikod parin. Hindi ko gusto ang naging kasagutan. Naiinis na ako.

Kaya naglakad na ako at hinarap ko sya. Straight lang ang kanyang mukhang nakatingin sakin.

"Look, Celsius. Sorry and Pasensya ka na. Kasalanan ko ang lahat. Sana pinansin kita at sana ---"

"Mahirap ba ang hinihingi ko sayo?"

"Hinihingi? Anong?" napakunot na ako ng noo. Hindi ko alam ang sinasabi nya.

"Mahirap ba na layuan mo na lang si Asul? Mahirap bang gawin 'yon?"

Nakaramdam na ako ng inis. Hindi ko gusto ang ganitong usapan.

"Sabihin mo nga sakin, Bakit ba kailangan kong layuan si Asul? Ano bang problema mo sa kanya? Ano bang dahilan at galit na galit ka sa kanya? Bakit ba sobrang--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ng bigla na lang syang lumapit sakin hanggang sa naramdam ko na lang na nilapat na sya ang kanyang labi sa labi ko. Naramdaman ko ring nagkulay asul ang mga mata ko pero pinagwalang bahala ko na lang 'yon.

Gusto ko syang itulak papalayo pero sa hindi ko malamang kadahilanan ay parang nagugustuhan ko na rin ang halik kaya tinugon ko ito. Wala sa sariling nilagay ko na rin ang mga kamay ko sa batok nya samantalang sya ay nilagay na rin sa bewang ko ang kanyang mga kamay.

At pagkatapos ng ilang segundo ay bumitaw na rin sya. Unti unti kong minulat ang aking mga mata at nananatili parin itong kulay asul, maging ang mga mata ni Asul ay kulay asul din.

Magtatanong na sana ako tungkol dito ng muli nya akong hinalikan pero this time ay sandali lang at dampi lang.

Natulala akong nakatingin sa kanya ng bumitaw na sya. Imbis na sagot ang makuha ko ay nakita ko syang ngumiti. Isang ngiti na ngayon ko lang nakita. At sa hindi ko inaasahan ay naging maganda ang lagay ng panahon na kanina lamang ay makulimlim.

"Celsius , bakit mo ba ako hinalikan?"

"Simula ngayon, girlfriend na kita" at nabigla na lang nyang hinawakan nyang kamay ko hanggang sa punan nya ang pagitan nito at naglakad na sya kaya no choice na ako kundi maglakad na rin.

Hindi ko inaasahan 'to. Kinikilig ako. Ang saya, pakiramdam ko ngayon lang ako nagkaboyfriend. Nakakatuwa.

----

Celsius

I takes a lot of courage para halikan sya ng hindi lang isa kundi dalawang beses. Sa dalawang linggong nagdaanan, tuluyan ng nawala ang nararamdam ko kay Mandee na totoo nga ang sabi nila Mama at Papa na hindi totoong pag-ibig ang nararamdaman ko para sa kanya.

Sa dalawang linggong lumipas, lalo akong nahuhulog sa kanya. Lalo ko syang minamahal idagdag mo pa ang katotohanang kaagaw ko si Asul sa atensyon nya.

Pero ang lahat ng inis at galit na naramdaman ko ng nagdaanang dalawang linggong 'yon ay nawala ng halikan ko sya. I even see our future together and I must say na I will have a wonderful future with her.

Hanggang sa makasakay kami ng jeep ay hindi parin nawawala ang ngiti sa aking mga labi. Magkatabi kami sa upuan at pagkiramdam ko ay pwedeng pwede na akong umuwi ng Adetram at ipakilala na si Scarffe kina Mama at Papa.

Malapit na nilang makilala ang Cong Chua ng Adetram.

Itutuloy ...

The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon