Kabanata 26

174 1 0
                                    

"Scarffe, totoo ba?"

"Totoo ang ano?" Hindi nya sinagot ang tanong ko at basta na lang nya akong niyakap at sandaling bumulong sa tenga ko.

"Nag-aalala ako para sayo, Scarffe. Kaibigan kita at mahal kita, alam mo yan" naguluhan ako sa sinabi nya kaya sandali akong lumayo sa kanya upang matingnan sya ng maayos.

"Hindi kita maintindihan .."

"Sumama ka sakin, may mahalaga akong sasabihin." Kahit naguguluhan ay sumama ako kay Asul. Nagtitiwala ako sa kanya dahil sya ang bestfriend ko at alam kong hindi nya ako lolokohin at papabayaan.

Binitawan nya ang kamay ko at basta na lang syang umupo sa bench na nandito sa park. Madaming tao ang nandito, may mga naglalaro, may naghahabulan at may mga tumatambay lang.

Napalingon ako kay Asul na nakaupo sa bench. "Bakit mo ako dinala dito? Diba sabi mo, may sasabihin ka sakin?"

Hindi nya ako sinagot bagkus at pinat nya ang bakanteng space ng bench at sinabihan akong umupo dun habang pinapanuod ang mga batang naglalaro. Nagdadalawang isip man ay sinunod ko ang sinabi nya at umupo nga ako sa bench kalapit nya.

Tahimik lang kaming nakaupo dun, ako hinihintay kong magsalita sya habang sya naman ay parang walang balak magsalita at busy sa panunuod sa mga batang nagbi-bike. Napapikit pa sya ng mariin ng humangin ng malakas na masarap sa pakiramdam.

"Asul .." panimula ko.

"Hindi bat napakagandang pagmasdan ang nature? Hindi gaanong kainit ang araw, malakas ang hangin, ano pa bang mahihiling--"

Hindi ko na napigilang tumayo sa harapan nya. Mukhang hindi naman sya nabigla sa ginawa ko pero pinagwalang bahala ko na lang yon.

"Sinabi mong may sasabihin ka sakin tapos ngayon ikaw itong hindi nagsasalita at talagang ine-enjoy ang --"

"Dahil ba sa lalaking yon kaya hindi mo na ako gustong makasama?" Tumayo na sya at sumeryoso ang mukha. Wala na rin ang relax at chill nyang mukha kanina at napalitan ito ng pagkaseryoso.

Natigilan ako.

"Dahil ba sa Celsius na yon kaya atat na atat lang umalis at ayaw na akong makasama?" Hindi ako nakapagsalita sa tanong nya at napatungo na lang. Napapahiya ako sa sarili ko . Alam kong may kasalanan ako , ako ang may kasalanan kung hindi siguro ako nagmamadali para makita si Celsius at hindi magagalit ng ganito si Asul.

"Ganyan na ba ang ginawa nya sayo kaya kulang na lang ay kalimutan mo ang friendship na meron tayo bago pa dumating ang Celsius na yan sa buhay mo?"

"Scarffe, mahal kita. Concern ako sayo , naaalala lang ako sayo dahil pumayag kang maging kayo ni Celsius kahit hindi mo pa sya gaanong kakilala? Sa sandaling panahon pumayag kang maging girlfriend nya at alam mo anong masakit? Nalaman ko na sa bahay mo pa sya nakatira!" Nabigla ako sa sinabi nya at nag angat ng tingin sa kanya.

Punong puno ng lungkot ang kanyang mga mata na kasalanan ko. Ako ang may kasalanan. Naluluha na rin sya. Gusto ko syang yakapin ngunit mahihiya ako.

"Scarffe, simula nung magkakilala tayo, tinuring na kitang kapatid. Mahalaga ka sakin, mahal kita"

Itutuloy ...

The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon