Kabanata 25

176 1 0
                                    

A F F A E L

"Are you out of your mind? Hindi mo ba naisip na ang bawat tovenaar ay may kanya kanyang Ku Liefde Deva na nakalaan para sa isa't isa--"  hindi ko na pinatapos sa pagsasalita ang aking ina ng basta na lang ako nagsalita.

"Yeah, Mom. Naiintindihan ko. Pero hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko. Mahal na mahal ko sya at nung una ay balak ko lamang na agawin sya kay Celsius pero iba na ang nararamdaman ko. Mahal na mahal ko sya."

Alam kong galit na galit na sa akin ang aking mga magulang pero wala silang magagawa. Hindi man nila gusto ang ginagawa ko pero wala silang magagawa.

"Affael,  tumigil ka na sa kahibangan mo. Hindi sya nakalaan para sa 'yo, ang dapat mong gawin ay hanapin ang Ku Liefde Deva mo at hindi 'yung aagawin mo--"

Hindi ko na pinatapos ang sinabi nya at nagteleport na ako papaalis.

---
C E L S I U S

Masaya kaming pumasok sa karinderya na hawak hawak ko ang mga kamay nya. Ayaw ko itong bitiwan kung hindi lang talaga kami magtatrabaho.

Napatingin naman sa amin ang mga kasamahan namin dito at nakikita ko ang ngiti sa kanilang mga mata maging ang mga pagtataka dito.

"Diba dapat si Asul ang maging boyfriend ni Scarffe? Bakit si Celsius ang kasama nya at magkahawak kamay pa silang dalawa?"

"Yun na nga rin ang pinagtataka ko. Nakakainis, botong boto pa naman ako kay Asul tapos magugulat na lang tayo na mage-eksenang Celsius?"

Hindi ko na lamang pinansin ang mga bulong bulungan na naririnig ko sa paligid. Hindi makakatulong sakin at kay Scarffe ang mga sinasabi nila. Kaya mas lalo ko na lang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Scarffe dahilan para mapalingon sya dito at pagkatapos ay mag-angat sya ng tingin sakin.

Puno ng pagtataka ang kanyang mga mata pero hindi ko na lang pinansin yon at hinalikan ko na lang ang noo nya.

Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang ingatan ka. Darating ang panahon makikilala ka na rin ng aking ama at ina.

----

S C A R F F E

Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Celsius ang ka-sweetan nyang yan pero hindi na mahalaga yun dahil ngayon gustong gusto ko ang ganito.

Pakiramdam ko ay napakahalaga ko. Pakiramdam ko ngayon ko lang muli naramdaman ang ganitong kasiyahan, kahit pa nagkaroon ako ng mga boyfriend ay hindi ako naging masaya dahil niloloko at iniiwan lang nila ako.

Akala ko non tanging mga magulang ko lang ang magpapasaya sakin ng ganito pero nagkamali ako dahil mukhang biyaya nga si Celsius na mula sa Diyos na nandyan para muli akong ngumiti ng ganitong kasaya.

"Scarffe ..." napalingon ako dun sa tumawag sa pangalan ko.

Si Asul.

Nakikita ko sa mga mata nyang malungkot sya. Bakit problema ba sya?

Nilapitan ko sya at tinanong pero nananatiling malungkot ang mukha nya at nakatingin lang sya sakin.

"Asul, may problema ka ba? Kanina pa kita nakikitang umaga na ganyan. May nangyari bang hindi maganda?"

"Scarffe, totoo ba?"

Itutuloy ...

The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon