Seven "Bitch"

47.4K 1.1K 90
                                    

SOMEONE

"Hyung," tawag niya sa'kin, "ang dami yatang nag-transfer this month."

Napatingin ako sa kanya, "nakita ko kasi sa file ni tita may dalawang nag-trasfer last week tas meron na naman this week. Apat yata?" sabi niya pa.

Bakit ako tinatanong niya? Hindi naman ako ang anak ng may ari ng school.

Na-hack niya nga pala ang system ng school pati ang kay tita na may mga private files nakikita niya. Kaya alam niya ang nga ganyang bagay.

"May chicks ba?" sabay naman kami napatingin sa nag-salita.

"Raven, babae na naman...." sabi ko at nailing. Kailan ba siya titigil?

"Ahm, hindi ko nakita ang mismong file dahil may passcode pero nabuksan ko yun isa," sabi naman ng katabi ko. "Maganda siya na cute. Ano ba name.... Ah! Rhianna.... something... hindi ko maalala basta! Nakakapag-taka lang kasi nasa private files sila ni tita at wala sa school files kung saan doon naman dapat nakalagay. What's special about them?" tanong niya.

Interesting....

"Anong section?" biglang basag ni Raven.

"Yah! / Hyung!" we said in chorus.

"Woah~ chill!" Raven at tumawa.

HELL

Naputol sa kalagitnaan ng ka-boringan na subject na ito nang biglang may kumatok malamang mula sa labas ng pinto.

"Yes?" tanong ng tao sa unahan.

Napalingon ako sa unahan nang makarinig ako ng ingay mula sa mga kaklase ko lalo na ang mga lalaki.

Kaya naman pala.

"They are gonna be your classmate from now on. Please introduce yourself."

"I'm Rhianna Walter, transfer from Korea. Nice to meet you." sabi niya at slight na ngumiti.

"Wooohhh!"

"Ang cute niya."

"Ang ganda niya."

"I'm Princess Smith. Nice to meet you." then she smiled.

Lalo namang lumakas ang hiyawan mula sa mga lalaki. Napangisi ako ng wala sa oras. Kahit kailan talaga, muka siyang mabait pero nah... Kung alam niyo lang.

"You may take your seat. Maraming vacant pero wag sa pinakalikod." sabi ni Ma'am.

"Dito, dito!"

"Ms. Ganda dito ka nalang."

"Sa likod namin!"

"Oh my god."

Lalong lumaki ang ngisi ko nang maupo si Cess (short for Princess) sa tabi ko dahil wala naman akong katabi (walang nag-balak pa) at pumwesto naman si Rhian sa harap ko, katabi niya ang babaing hindi ko kilala. Wala naman akong kinakausap dito maliban kay Damon.

The Enigmatic TwinsWhere stories live. Discover now