Eleven "G.O.D.S v.s B.M"

44.5K 1.1K 31
                                    

HELL

Ipinatong ko na ang malaki kong hood sa aking ulo bago naunang pumasok sa lima, hindi ako lalaban ngayon kaya hindi dapat nila malaman na nandito ako. Ipinatika ko sa isang cctv ang hawak kong brown card na ibig sabihin ay isa lang akong ordinaryong gangster.

Pag-pasok na pag-pasok ko palang ay naanoy ko na agad ang usok sa paligid at ang matapang na amoy ng mga alak. Underground Bar, konektado ito sa UG Arena at ang tanging daan papunta sa private car park ng lugar. Hindi na nag-bago ang lugar na ito hindi katulad sa Korea ay malinis naman ito kahit papaano. May nakita rin akong halos mag-sex na sila, gosh get a room people. Meron ring mga babaeng halos hubad na. Tsk.

Lumapit ako sa isang counter at umorder ng inumin. Walang nakakakilala sa akin ngayon— ginawa kong kwintas ang singsing ko at itinago ito sa loob ng aking shirt. Nakasuot rin ako ng shades sakaling matanggal ang hood ko, baka makita nila ang aking mga mata.

Saktong pagkaabot ko ng bayad ay nakita kong nagsipasukan narin ang lima. Napatigil naman ang lahat at natahimik, malakas na tunog lang ng musika ang naririnig ko. I won't blame them, masyadong malakas ang presensiya ng lima at nakakatakot. Napangisi nalang ako. Go, guys!

Tinanaw ko lang sila na mag-lakad papunta sa arena. Halos lahat ay nag-tatabihan sa kanilang dadaanan at napapatungo. Halos natigil narin sila sa kanilang pag-hinga. Gusto ko tuloy tumawa ng malakas. Nang tuluyan na silang mawala sa paningin namin ay muling umingay ang paligid, nag-sihingahan narin sila. Sayang di pa natuluyan.

"G- grabe, hindi ko namalayan na hindi pala ako h- humihinga kanina."

"Nakakatakot!"

"Sila ang no.1 rank diba?"

Matapos kong marinig iyon ay lalong lumakas ang bulungan. Nakita ko rin na nag-sialisan ang iba at pumunta sa arena. Nakaamoy siguro ng magandang laban.

"Hindi ko akalain na makikita ko sila sa personal."

"Bakit kaya sila nandito?"

"Oo nga, akala ko nasa ibang bansa sila."

"Pero wala si Zues, ang leader nila."

"Minsan lang naman daw talaga magpakita ang leader nila."

"Okay kang 'yan. Tara sa arena baka maghamon sila."

Pagkatapos noon ay hindi ko na sila narinig. Salamat naman at natahimik rin.

"Hindi ka ba interesado sa nakita at narinig mo?" tanong bigla ng bar tender.

Tinignan ko ito. "Kailangan ba?" Malamig kong sabi, nakita kong bigla itong napalunok.

"S- sila ang kasalukuyan na pi- pinakamalakas na gangster sa ngayon." Nauutal na sabi pa nito.

"Alam ko, that's why I'm here." sabi ko at iniwan na siyang nakatulala. Wala akong balak na makipag-usap sa kanya.

Pag-pasok ko ng arena ay sigawan ng nga tao agad ang sumalubong sa akin. Nakita ko sina Hades, my twin's codename, na nasa gitna ng arena habang kaharap ang grupo ng mga lalaki– meron itong labing tatlong myembro. Nice, buti may nagtangkang kalabanin sila.

The Enigmatic TwinsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora