Thirty Eight "Regrets?"

27.6K 745 17
                                    


BLAKE

Unti-unti kong buniksan ang mata ko at puting kisame agad ang bumungad sa akin. Where am I? Dahan-dahan akong umupo at pakiramdam ko ang bigat-bigat ng katawan ko. Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid. Napakunot ang noo ko nang makita na nandito rin ang iba pa pero agad rin iyon nawala nang may maalala ako.

The forest! Kailan pa kami nakalabas doon?

"Huh? Finally awake?" Napalingon ako sa kaliwa nang marinig ko ang boses na iyon.

"Hell."

Walang emosyon siyang nag-lakad papasok ng kwarto at umupo sa puting sofa hindi kalayuan sa pwesto namin. Tumingin ako muli ako sa paligid. Kumpleto naman kami at mukang hindi naman malala ang kalagayan nila.

"Where are we? What happened?" 

"Inside the medical room of the mansion. What happened? You just finished the third test. I'm amuse that all of you survived." she said and crossed her arms.

Hindi ko alam pero bigla akong nainis sa sinabi niya. "You find it amusing? Bullsh*t! We barely survive and almost died out there and yet you found it amusing?" naikuyom ko nalang ang kamay ko para pigilan ang sarili na sumabog. Nginisian niya lang ako na lalong ikinakulo ng dugo ko. 

"At least you survived." Hah! This woman is impossible. Does she even have mercy? She really is a monster.

Biglang pumasok ang tatlong human robot at isa isang tiningnan ang kalagayan namin. Nakita ko na nagising narin si Zyren at Jhonel. I sighed. Walang magagawa kung uunahin ko ang galit ko.

"How long we've been sleeping?" Zyren.

"You've all been sleeping for 2 days." sagot ni 31.

2 days?! 

"Lahat ng pagod at stess niyo nitong mga nagdaang araw ay ngayon palang umaatake. You should rest a little longer to regain your strength back." sabi ni 47. Natahimik naman kami nang sabihin niya iyon.

He's right. Hindi ako ganoong nakakaramdam ng pagod noong nasa loob ako ng Hell Forest, maybe because there's no time to be tired and we were all busy surviving. Ngayon lang din ako nakaramdam ng sobrang pagod. Hanggang ngayon, kahit nakabawi na kami ng tulog at nakapagpahinga pakiramdam ko kulang parin ang dalawang araw. Ramdam ko pa ang sakit at bigat ng katawan ko.

"How 'bout Lay and Mitsuo? Bakit hindi pa sila gising?" napatingin kami bigla sa nag-tanong. It's Renji. Hindi ko naramdaman na gising narin pala sila ni Paul. Si Lay at Mitsuo nalang ang wala pang malay.

"Oh, about that. It will take a little longer before they wake up." tumingin kami kay 25 nang magsalita ito. Huh? Bakit naman? "Lay accidentally ate poisonous fruits on your last day inside the forest."

"WHAT?!"

"He ate elderberries. Maybe he mistaken it as a blueberry since they look similar." He explained.

"H- how about Mitsuo?" I asked.

"Oh, he just put some great show and did a very dangerous stunt." Lahat kami napatingin kay Hell nang sabihin niya iyon.

"What do you mean?" Jhonel asked.

Hell shrugged. "He was being chased by a wild bear and then he jumped." walang emosyon niyang sabi. Onti nalang talaga masusugod ko na ang babaing 'to. Wala kaming maintindihan sa sinabi niya!

"So, what if he jumped?" mukang inis narin si Zyren sa tono ng pananalita niya.

Ngumisi bigla si Hell. "He just jumped from the mountain that is more than 100 feet above the ground. How is that?" Nanlaki naman ang mata namin doon.

"The fuck?!"

"No way!"

"Are you effin' serious?"

"Do I look like someone who would joke around?" she seriously asked.

Lahat kami natahimik nang sabihin niya iyon. Naikuyom ko naman ang kamay ko at tumingin sa gawi ni Mitsuo at Lay. Huminga ako ng malalim. This is my fault. Kung siguro hindi ako pumayag sa inalok ni Hell edi sana... 

"Blake."

 Edi sana hindi kami nag-hihirap ngayon. Wala sana sa ganyang sitwasyon ang dalawa kong kaibigan. I clenched my teeth.  

"Blake!"

Napalingon ako bigla kay Zyren sa biglang pag-tawag niya sa akin. Nawala bigla ang pagkakahigpit ko ng kuyom sa kamay ko nang makita ko ang mga mukha nila. They're worried.

"Blake, I know what you're thinking. It's not your fault. Walang may gusto ng nangyari at higit sa lahat... Pinili mo lang ang alam mong mas makakabuti sa atin. Mas pinili mo lang na mabuhay pa tayo ng matagal." sabi ni Zyren.

"We know the risk, Blake. And we already accepted it." Renji.

Bahagya akong natigilan sa sinabi nila. Right, we were supposed to be dead by now but I chose not to. Napayuko nalang ako. Pero bakit ganon? I felt like I chose the wrong way. Hindi dapat namin 'to nararanasan. Hindi dapat nila 'to nararanasan. Wala akong kwentang leader.

"Ehh? What's this?" We all turned to Hell when she suddenly spoke. I'm too down that I forgot that she's here. "What's that face, Blake? I can clearly read what's on your mind right now." She seriously said.

Bigla namang nagsalubong ang mata naming dalawa. Suddenly, I got chills. Her eyes... wala siyang suot na lenses kaya nakikita ko ngayon ang totoong kulay ng mata niya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko bigla akong pinalibutan ng yelo sa lamig ng mga tingin niya. 

"Did I lose the BLAKE I knew? Did you really think that you made a wrong choice? Is that so, BLADE?" Bigla naman akong naistatwa sa kinauupuan ko. Her voice, ngayon ko lang ulit narinig ang malamig na boses na iyon. I looked away. Hindi ko kayang salubungin ang malalamig na matang iyon at higit sa lahat, she just called me Blade. 

She's mad.

Biglang bumigat ang atmosphere sa paligid. Lalong tumahimik at tunog ng aircon lang ang naririnig namin. Lalo naman akong kinilabutan. Damn. Her presence alone could get wolves shaking. I can barely breathe right now.

Naramdaman ko bigla na tumayo si Hell mula sa kinauupuan niya. I can tell kahit hindi ko nakikita. I bet, kahit sila Zyren rin ay hindi makagalaw dahil sa bigat ng atmosphere at ramdam na ramdam namin ang nakakatakot na aura ni Hell. Right now this is not Hell that we knew. This is Hell of Thanatos Twins.

Naramdaman ko na nagsimula na siyang mag-lakad papalabas. Pero bago siya tuluyang makalabas ay bigla siyang huminto ngunit hindi kami nilingon.

"Did you really think that I am doing this for nothing?" Napadiretso ako ng upo nang magsalita siya. Mukang kalmado na siya pero malamig parin ito.

"If you're thinking that you all gonna die right here in this place, then think why you are all still alive right now." I gulped. "I'm giving you all a second chance to choose whatever you want, continue or just leave. I won't hunt you if you chose to leave so you don't have to worry." she said, then started to walk again.

We went silent.

"I will be in TR1 starting tomorrow." The last word we heard on her before she left us dumbfounded.

Napahawak nalang ako sa ulo ko. What should I do now?


***

The Enigmatic TwinsWhere stories live. Discover now