Fifteen "Hallway to Hell"

37.5K 1K 86
                                    

DAMON

Ayoko talaga sa lalaking iyon, there is something in his na ayaw ko. Maybe his presence? His dangerous. Hell is my other half, kahit na alam kong kaya niya ang sarili niya ay hindi ako pwede pakampante at ayokong mapalapit siya sa lalaking 'yon.

Aish! Ewan ko nalang!

"TABBBIIII!!"

Damn!

Napatalon ako ng wala sa oras. Isa pa 'to, parang kabute lang na biglang lumilitaw kung saan.

"Hindi ba't sinabi ko na huwag kang mag-skate board sa hallway?" Sabi ko at nilingon siya.

Eh? Wala siyang skateboard.

Bigla naman siyang tumawa. "Taas ng lipad ng isip natin ha, saan ang punta niyan?" Natatawang sabi nito.

Tsk, hindi ko pinansin ang sinabi niya at nag-lakad na ulit. Naramdaman kong sumubod ito sa'kin.

"Ui, 'to naman di mabiro. Alam mo para kang siya." Napatingin naman ako sa kanya. "Sinong siya?" Kunot-noo kong tanong.

Umiling iling naman siya. "Uh-uh, I won't tell you."

"Tsk."

"Don't worry, pareho naman kayong cool." Sabi pa niya. Kung sino man iyon mas cool ako sa kanya. Pero teka nga...

"Why are you following me?"

Binigyan niya naman ako ng pilyong ngiti. "Wala lang." Sagot niya.

Pinanliitan ko siya ng tingin. "Siguro may gusto ka sa'kin."

Bigla siyang tumango, "maybe." Is her answer. Bigla naman akong naistatwa sa kinatatayuan ko.

"Uuiiii~ are you flattered?" Pang-aasar niya. "Aminin mo kinilig ka no?"

"I- Im not!" Sabi ko at iniwan siya don.

"Hey, wait up!"

Bahala siya diyan.

HELL

Pakiramdam ko magiging masaya ang araw na 'to. Siguraduhin lang nila na mag-ienjoy ako.

Pag-tapak ko palang sa entrance ng building B ay agad kong naramdaman ang tingin ng mga stupidents. Palalagpasin ko 'yan, sa susunod na may tumingin sa akin ng ganyan ay alam na nila kung saan sila pupulutin.

Napahinto ako sa pag-lalakad dahil sa sign na nasa gitna ng hallway.

"HALLWAY TO HELL." Basa ko at sinundan ng tingin kung saan nakaturo ang arrow nito.

Nakaturo ito sa isang madilim na hallway. Napataas ang kilay ko, kailan pa nagkaroon ng ganitong hallway dito? Pero hindi ko rin maiwasang mapangisi. Not bad, mukang hindi magiging boring ang araw ko ngayon.

Ramdam ko parin ang mga tingin ng stupidents sa'kin pati narin ang mga bulungan nila. Bumulong pa sila, nahiya ako sana sinigaw nalang nila ng harapan sa mukha ko. Nag-kibit balikat nalang ako at sinunod ang sign.

For once in a while, susunod ako.

"Kumagat siya!"

"Haist, I pity her."

The Enigmatic TwinsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora