59 : In Danger

23.5K 573 92
                                    

Add me on FB: Genie WP 


***



Isang malakas na tunog ng bell ang umingay sa loob ng paaralan hudyat na tapos na ang klase. Agad nag sitayuan ang mga estudyante at nag madaling maglabasan ng kani-kanilang klase.

"Hindi pa ba tayo lalabas?" tanong ni Kleid kay Danger.

Tumingin naman si Danger kay Kleid ng may pag tataka tsaka tumingin sa paligid, "Uwian na?" wala sa loob ng sabi nito.

Napabuntong-hininga naman ng malalim si Kleid. Ito na naman sila. Muling nawala si Hell matapos nang nangyari sa loob ng cafeteria isang linggo ang nakaraan at alam ng kaibigan na sinisisi ni Danger ang sarili niya marahil alam niya na maaaring siya ang isa sa dahilan kung bakit.

"Tara na, tayo nalang ang naiwan dito." aya ni Kleid dito.

Napabuntong hininga rin si Danger at tumayo na. Ngunit hindi pa sila nakakalabas ng klase nang pumasok sa loob ng silid ang hindi nila inaasahan na tao. Nawala rin ito nang hindi na nagpakita si Hell isang linggo ang nakaraan.

Napahinto silang dalawa at napatingin ang taong iyon na hinihingal ngunit masama ang tingin sa kanilang dalawa— mali, kay Danger lang pala. Nagulat ang dalawa nang patakbo itong lumapit kay Danger at inambagan ng malakas na suntok. Hindi naman agad nakagalaw ang dalawa sa gulat.

"Yah! What the fck do you think you're doing, dude?!" galit na sigaw ni Kleid at pinigilan muli ang pagsuntok nito ngunit sadyang malakas ang lalaki at hindi nag paawat.

Hindi naman lumaban o gumalaw manlang si Danger at hinayaan itong suntukin siya. Bumagsak na ito sa sunod-sunod na suntok ng lalaki ngunit hindi manlang siya lumaban pabalik. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya tama lang na matanggap niya ang mga suntok na 'yon.

"BLAKE!" napatingin naman si Kleid sa sumigaw na iyon at napahinto siya sa pag-awat sa lalaki dahil ang mga ito na ang pumigil dito.

"Pwede ba, Blake?! Wala rin namang mangyayari kung paiiralin mo 'yun galit mo!" sigaw ng isa dito. Ngunit hindi parin nag paawat ang lalaki at muling sumuntok ng malakas.

"BLAKE!"

"NO!" sigaw nito, "Huwag niyo kong pigilan! Wala pa dito ang sakit na nararamdaman niya ngayon!" galit na sigaw nito at muling sinuntok si Danger.

"STOP BLAKE!"

"NO! HE MUST FEEL THE PAIN THAT SHE'S FEELING RIGHT NOW!"

"PLEASE BLAKE! Hindi rin siya matutuwa kung malalaman niya 'to." awat ng isa at doon napahinto si Blake. "Please Blake, walang mangyayari kung ganito ka lang din."

Natahimik naman ang paligid. Dahan-dahan ibinaba ni Blake ang braso niya at tinapunan ng masamang tingin si Danger na bug-bog sarado na.

"You... Do you know that I envied you?" nanggigigil na tanong nito dito habang hawak ang kwelyo nito. "I envied you because she chose you. She chose to protect you even if that will hurt her. Pinili ka niya kahit pa buhay niya ang kapalit! PINILI KA NIYA KASI MAHAL KA NG TAO PERO ANONG GINAWA MO?!"

Natulala naman si Danger sa sinabi nito, "What do you mean?" he barely said.

Mahina namang napatawa si Blake at binitawan ang kwelyo nito. "Hindi mo kailanga malaman" malamig na saad nito at tumayo na. Muli nitong tinignan si Danger at ikinuyom ang kamay niya, "You don't deserve her." he said one last time and left them dumb-founded.

Tumingin naman ang mga kaibigan ni Blake sa dalawa. "Pasenya na sa kanya." sabi ng isa at sumunod na kay Blake.

Hindi alam ni Danger kung bakit pero alam niyang tinamaan siya sa mga sinabi ni Blake.

The Enigmatic TwinsWhere stories live. Discover now