Thirty "Taken"

35.4K 871 80
                                    

HAZEL

Tinaasan ko lang ng kilay ang babaeng mukhang aso na tumingin sa'kin ng masama. Binangga ko kasi ang balikat niya. Nakaharang sa daan e. I flipped my hair and rolled my eyes at her and her friends. Sino ba kasi ang nagsabing pakawalan sila sa kulungan? Ang dami tuloy pagala-gala sa daan.

Binuksan ko ang locker ko at inilagay ang bag ko doon. Ayoko kasi ng abala. Ayoko rin ng magigat at ayokong nagbibitbit ng gamit maliban sa skateboard ko. Tinanggal ko rin ang suot kong sumblero at tsaka isinara ang locker.

Aalis na sana ako dala ang skateboard ko nang maalala ko siya. Napahipan nalang ako ng bangs at naiiling na ibilak ito sa loob ng locker.

Nag-simula na akong mag-lakad papalabas ng building. Wala ako sa mood para makinig sa turo ng mga boring na teacher. Aantukin lang ako. Mas maganda pang tumambay nalang ako sa ilalim ng puno kesa matulog sa loob ng classroom na puno ng brats at maiingay.

Biglang kumulo ang tiyan ko kaya naisipan kong patagong lumabas ng school at pumunta sa pinakamalapit na street food. Bawal na kasi lumabas ng school kapag oras na ng klase.

"Hi, manong." Bati ko sa tindero.

"O tumakas ka na naman?" Natatawang tanong niya.

"Syempre hindi ko kayang tiisin ang mga tinda niyo, manong. Gutom na yun mga alaga ko sa tiyan." Pabirong sabi ko.

"Nakooo~ ikaw talaga bata ka. O sya kumuha ka na."

"Yown! Sampu nga po nito at lima dito tsaka bente pesos po nito." Sabi ko at tinuro ang bituka ng manok, tenga ng baboy at yun kwek-kwek.

Agad niya namang inihaw yun isaw at tenga. Ako naman ay masayang nagsimula na kumain ng kwek-kwek. Mamaya pa matatapos ang pag-iihaw kaya ito muna ang uubusin ko. Hoho.

"Gulaman nga rin, Hana."

"Coming!" Nakangising sagot niya. Apo siya ni manong, pitong taong gulang palang. Suki nila ako kaya malapit na ang loob ko sa kanila. Minsan nga ang anak niya pa ang nag-titinda dito. "Ito na po gulaman!" Abot niya sa'kin. "Grabe ka ate ganda, hindi ka manlang tumataba kahit minsan ikaw ang umuubos ng tinda namin." Natawa nalang ako sa sinabi niya.

Nag-abot ako ng buong 200 kay Hana kahit na wala pa sa isang daan ang kinain ko. Hindi na siya nag-bigay ng sukli dahil hindi ko narin naman tatanggapin. Sanay na sila sa'kin.

"Thank you po." Nakangiting tinanguan ko lang siya at sumubo ang isaw. Sarap, beh.

Kakainin ko na ang pang-pitong isaw ko nag biglang may mga bakulaw na dumating.

"Sabi na dito ka lang namin makikita." Siga nitong sabi.

Hindi ko sila nilingon at uminom nalang ng gulaman. Sino sila para guluhin nila ang masarap na pag-kain ko. Mga walang hiya! Nakita ko naman na natahimik ang mag-lolo. I sighed. Tsk.

"Ano na naman ang kailangan niyo?" Walang gana kong tanong at hinarap sila.

Nag-katinginan naman sila at nag-ngisian. "Baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka sa leader namin."

I sighed. Oo nga pala. Sinira ko nga pala ang kotse ng leader nila. Hindi ko na kasalan yon. May gusto sa'kin ang leader nila pero masyado kasing sakit sa mata ang leader nila. Hindi ko na natiis, sa inis ko sa kanya sinira ko ang kotse niya pero dahil makulit parin siya ang mukha niya na ang binasag ko. Ayaw ako tigilan e edi patulugin natin para huminto.

Napahipan naman ako ng bangs. "Magkano ba yun kotse ng leader niyo?"

"Sabi ni leader hindi mo na kailangan bayaran, ikaw lang daw sapat na." Napairap nalang ako.

"Pakisabi sa leader niyo "no at pakyu siya"." Sabi ko at bumalik na sa pagkain.

Nakaramdam ako bigla ng paggalaw sa likod ko kaya mabilis akong humarap at sinipa ang taong iyon sa where-it-hurts-the-most. Agad naman itong napaluhod habang hawak iyon. Ako naman ay kinain ang natitirang bituka sa stick at tinignan ang iba niya pang kasama na napaatras nalang.

"Get lost." Seryoso kong sabi.

Agad naman silang nag-takbuhan at naiwan ang isa habang hawak parin ang precious niya. "O, ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang siya naman ay maluha-luha na. May bumalik naman na dalawa niyang kasama at tinulungan siyang bitbitin at nag-mamadaling umalis sa harap ko. Mabuti naman.

"Hoho, sorry for that." Nakangiti kong sabi kayna manong at uminom ng gulaman.

Kakain nasa ulit ako nang makaramdam na naman akong papalapit sa'kin.

"Hindi ba talaga kayo nadala ano? Hindi ba't sabi ko ay tigilan-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang humarap ako sa kanila. Agad sumalubong sa'kin ang panyo at tinakpan ang ilong ko.

Nabitawan ko ang hawak ko at nag-pumiglas sa pag-kakahawak nila sa'kin. The fck! Ang lakas nila. Sinubukan kong tuhurin ang may hawak sa'kin pero napigilan niya ito. Hindi nag-tagal ay nakaramdam na ako ng hilo at unti-unting nanghina. Naramdaman ko pang isinakay nila ako sa sasakyan.

"ATE!" sigaw ng umiiyak na si Hana ang huli kong narinig bago tuluyang mawalan ng malay.

~ • ~

DAMON

"Sabay tayo ng lunch." sabi ko kay Hell bago kami mag-hiwalay ng daan. Tumango lang siya.

Nag-lalakad kami nina Jaren nang biglang mag-ring ang phone ko. Napakunot ang noo ko. Sino naman ang tatawag sa'kin? Tinignan ko ito at nakitang unregisterd no. Napatingin ako kayna Jaren at pinauna na sila.

I don't know. I feel like kailangan kong sagutin ang tawag na 'to, if not, may masamang mangyayari.

"Who's this?" Seryoso kong tanong.

Matagal na tahimik ang kabilang linya. I sighed. Maybe this is a prank. Bababa ko na sana nang biglang may mag-salita sa kabilang linya.

"Hawak namin ang girlfriend mo."

Napataas ang kilay ko nang sabihin niya iyon. Girlfriend? I don't have-

"Hmm!!!...." Mula sa kabilang linya.

"Kung gusto mo pang makita ng buhay ang girlfriend mo puntahan mo siya dito." Sabi ng lalaki sa kabilang linya pagkatapos ay binabaan na ako.

Gago ba siya? Wala akong girlfriend at imposibleng si Hell 'to dahil kasama ko lang siya kani-kanina. Biglang nag-vibrate ang phone ko.

Napahawak nalang ako nag mahigpit sa cellphone ko nang makita ang sinend nila.

*Nasa abandunadong lugar kami sa *** street.

May labin-limang minuto ka pang natitira. Kapag hindi ka dumating alam mo na ang mangyayari sa kanya.*

Basa ko dito at tinitigan ang litratong kasunod niyang isinend.

"Skateboard."

The Enigmatic TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon