[forty five] 四十五

1.3K 71 17
                                    

Aila's POV

Natahimik kaming lahat dahil sa tanong ni Sky kay Jungkook.

Nakita ko ang pag ngisi ni Sky bago nya tanungin si Jungkook.

" Kung papipiliin ka, sinong pakakawalan mo ? Si Shana o si Yanna ? "- Tanong ni Sky.

Halos lahat kami eh parang nabitin ang hininga dahil sa tanong ni Sky.

Lahat kami gulat dahil sa tanong ni Sky at inaantay ang sagot ni Jungkook.

Damn you Sky ! Of all questions bakit yan pa !? Alam na alam naman ng lahat ang isasagot ni Jungkook pero kasi naman Sky ! Sinasaktan mo lang ang kaibigan ko dahil sa tanong mo na yan !

" Kukuha lang ako ng tubig "- Nag mamadaling sabi ni Shana at tumayo.

Hindi pa man nakaka hakbang palayo si Shana ay sumagot na si Jungkook.

" Willing akong bitawan ang lahat pati si Shana para kay Yanna "- Sagot ni Jungkook at dali-daling inihakbang ni Shana ang paa nya papuntang kusina.

Lahat kami natahimik dahil sa sinagot ni Jungkook. Ang sarap tanggalan ng bibig si Yanna. Kung maka ngiti sya akala mo panalong panalo na sya.

Sky's fuming mad. Halatang halata sa expression nya ang galit. Well, who wouldn't hate Jungkook right ? Sino banaman ang hindi magagalit diba ? I reached for Sky's fist and smiled at him weakly at doon na tumayo si Jungkook.

" Magiging okay din sya "- I assured him and smiled again at him faintly

All eyes were on Jungkook nang tumayo sya at mukhang susundan si Shana.

I know this is not the right time for this pero napa ngisi talaga ako dahil sa ginawang iyon ni Jungkook. Kung kanina ngiting-ngiti si Yanna, ngayon eh halos hindi na maipinta ang mukha nya dahil sa gulat at inis nang iwan sya ng boyfriend nya.

Seems like the table's turning now.

Tumayo si Sky at nagulat kaming lahat ng pag susuntukin nya ang pader.

Akmang lalapitan ko na sana sya nang hawakan ni Kiel ang balikat ko at umiling.

" Just let him Aila. Baka kung ano din ang magawa nya sayo "- Nag-aalalang sambit ni Kiel sakin.

" TAMA NA ! "- Lahat kami ay napa lingon sa may bintana nang marinig ang sigaw na yun ni Shana.

Akmang lalabas na ako nang pigilan ako ni Kiel at napa lingon kami kay Namjoon nang mag salita ito.

" Hayaan mo muna silang mag-usap "- Seryosong sabi nito kay Sky. Mukhang balak din ni Sky na puntahan si Shana.

Kitang-kita ang inis at galit sa mukha ni Sky at mas nadagdagan pa ito nang marinig namin ang pag sigaw ni Jungkook sa pangalan ni Shana.

Hindi na nagpa-pigil si Sky at agad na lumabas at pumunta sa kinalulugaran nila Jungkook.

Agad naman kaming sumunod na lahat dahil kung hindi kami pupunta ay isang malaking gulo talaga ito.

At mukhang medyo nahuli na kami dahil nag susuntukan na silang dalawa.

" Hindi mo ba alam kung gaan ka ka-swerte sa kanya ? Tapos gagaguhin mo lang !? "- Sigaw ni Sky habang hawak-hawak sya nina Namjoon at Kiel.

" Ano bang alam mo !? WALA KANG ALAM ! "- Galit na bwelta rin pabalik ni Jungkook kay Sky.

" Gago may alam ako ! At yun ay nasasaktan si Shana dahil sayo ! "- Sabi ni Sky at tuluyan nang kumawala sa hawak nina Namjoon sa kanya.

" Hindi ka nya deserve "- Punung-puno ng galit na ani ni Sky at agad na bumalik sa loob.

Agad naman kaming sumunod ni Kiel sa kanya.

" Sky, saan ka pupunta ? "- Narinig kong tanong ni Kiel nang maabutan namin syang nag susuot ng jacket.

" Hahanapin ko si Shana. Hindi kasi ako gago na hahayaan syang umalis lalo na't hindi nya alam itong lugar at gabi na "- Matigas na sabi ni Sky habang nakina Jungkook ang atensyon na ngayon ay kasama si Yanna.

Agad akong umakyat sa taas nang marinig ko iyon. Gabi na at medyo malamig. Baka mapaano si Shana.

Agad ko namang nakita ang jacket ni Shana at dali-daling bumaba at naabutan ko silang paalis na ni Jimin.

" Teka ! Dalhin nyo to para kay Shana. Baka kasi lamigin yun "- Nag aalalang sabi ko at iniabot kay Sky ang jacket ni Shana.

" Paki hanap agad sya please ? Baka mapaano na sya "- Nag aalalang dagdag ko. Tumango naman si Sky at Jimin at tuluyan ng umalis.

Natahimik ang lahat nang umalis na sina Sky.

" Hey, don't stress yourself too much. Okay lang si Shana "- Malumanay na sabi ni Kiel saakin habang naka hawak sa balikat ko.

I smiled at him weakly at umupo na sa sofa na nandoon.

" Kasalanan naman kasi to ni Shana eh "- Napa lingon kaming lahat nang mag salita ang hipon na itago nalang natin sa pangalang Yanna.

" Alam naman kasi nyang hindi sya mahal ni Jungkook eh. Alam naman nyang hindi sya kayang mahalin ni Jungkook but here she is, pinipilit parin nya ang sarili nya kay Jungkook "- Litanya nya habang ginagamot si Jungkook.

" Stop it "- Narinig kong sabi ni Jungkook kay Yanna.

" Why ? Tama naman ako diba ? Kung ititigil na nya itong ginagawa nya hindi na sya masasaktan pa- "- And i can't take it anymore. Tumayo ako at tinignan ng masama si Yanna.

" Oh shut up ! "- Inis na sabi ko at lahat sila napa tingin sakin.

" Wala kang alam sa nararamdaman ng kaibigan ko, so you better shut the fuck up bitch bago kita ibalik sa pinanggalingan mo. Sa tingin mo ba aakto ng ganun si Shana kung hindi nag bibigay ng motibo yang boyfriend mo ? "- Galit na tanong ko at tinignan si Jungkook. Iniwas naman nya ang tingin nya sakin at yumuko.

" Alam kong tanga yung kaibigan ko kasi alam na alam naman nya na hindi sya mamahalin ni Jungkook. Tanggap naman nya ang sinagot ni Jungkook eh. Tanggap nya if he's not messing with her feelings "- Madiin na dagdag ko.

" Mag kaibigan nga kayo ni Shana "- Napa tingin ako kay Yanna nang sabihin nya yan.

Napa taas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya.

" Pareho kayong tanga "- Naka ngising ani nya.

" Atleast sa pag-ibig lang kami tanga. Unlike you pati sa acads tanga "- Pambabara ko naman sa kanya.

Aba, mukhang nagalit kasi tumayo sya at akmang lalapit na sakin pero pinigilan sya ni Jungkook.

" Tama na Yanna "- Saway ni Jungkook kay Yanna.

" You know what ? I pity you and Shana. Why ? Kasi habol kayo ng habol sa mga taong imposible namang magustuhan kayo. Alam naman ni Shana na hindi sya mamahalin ni Jungkook pero ano ? Ayan, akala nya sardinas sya na ipinag sisiksikan ang sarili kay Jungkook. At ikaw, never ka namang mapapansin ni Yoongi pero anong ginagawa mo ? Ginagaya mo yung bestfriend mo at nagpapaka-sardinas din at isinisiksik ang sarili kay Yoongi "- Bwelta nya and i puffed a mocking laugh.

" Bitch please, you know nothing so better shut the fuck up. Ano naiinggit ka ba ? Magpaka-tanga ka din. Ipinag pipilitan mo pa yang sarili mo sa taong mukhang nawawalan na ng pag-ibig sayo "- Taas kilay kong sagot sa kanya.

Mukhang may sasabihin pa sya pero mukhang wala na syang mabebwelta pabalik sakin at padabog na umalis paakyat.

Napa ngisi naman ako dahil doon.

" That's my girl "- Puri ni Kiel saakin at inakbayan ako.

Napa ngisi pa ako lalo dahil sa puri sakin ni Kiel.

What the hell. He just called me his girl. Kinikilig ako.

RelationshitWhere stories live. Discover now