[twenty-nine] 二十九

1.9K 93 6
                                    

Aila's POV

Kiel keeps me company these past few days. Sya ang lagi kong kasama. Lagi nya akong niyayaya lumabas.

Masasabi ko na somehow nakakalimutan ko yung sakit, yung pang-iiwan ni Yoongi sakin.

Okay naman sya na wala na ako, na wala ng kami kaya dapat ako din. Dapat ako din kaya ko ng ngumiti ng hindi peke, kaya ko ng maki tawa ng hindi napipilitan at mag panggap o umakto na parang walang nangyare.

Napa hinto ako sa pag mumuni-muni ko nang may mag takip ng mata ko.

" Shino to ? Hulaan mo~ "- Sabi nya at nag effort pa talaga syang paliitin yung boses nya.

" Nakakasuka Taehyung. Tigilan mo nga yan "- Sabi ko, agad naman nyang tinanggal ang kamay nya at umupo sa tabi ko ng naka nguso.

" Wag mo akong ngusuan dyan, baka ingud-ngod kita "- Pagtataray ko sa kanya.

After nya kasi akong iwan ngayon ko nalang ulit sya nakita kaya kunyare galit ako.

" Akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mong pang-iiwan sakin ? "- Dagdag ko at inirapan sya.

" Hala, sorry na Aila "- Sabi naman nya at hinawakan ang kamay ko.

" Akala ko naman matutuwa ka kasi si Yoongi-hyung yun "- Pagpapatuloy nya.

Oo Taehyung, natuwa ako ! Natuwa akong panoorin syang masaya samantalang ako nagdurusa. Natuwa akong panoorin na magkasama sila ni Yumi. Oo ! Natuwa talaga ako !

" So ano ako ? Third wheeling ganun ? "- Mataray na sabi ko sa kanya.

" Sorry na nga eh "- Naka ngusong sabi nya ulit.

" Babawi ako sayo promise ! "- Pagpapatuloy nya.

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

" Mamaya, ano game ka ? Labas tayo "- Naka ngiting sabi nya.

" Siguraduhin mo muna na wala kang gagawin mamaya "- Ani ko.

" Promise ! Wala akong gagawin mamaya ano game ? "- Tanong nya habang tinataas baba ang kilay.

" Sige mamaya "- Pag sang ayon ko.

Para naman syang ewan na tuwang-tuwa.

" Anong oras ? "- Tanong ko.

" Mamayang uwian mo. Dadalhan nalang kita ng pampalit na damit "- Naka ngiting sabi nya sakin.

" Gagi wag na, uwi nalang muna ako sa bahay "- Sabi ko sa kanya.

" Wag mo na akong bilhan ng damit, uuwi nalang muna ako para mag bihis tapos kita nalang tayo "- Paglilinaw ko. Tumango naman sya na parang isang masunuring bata.

" Sige ! Pero mamayang uwian aantayin na kita. Hihiramin ko sasakyan ni manager-nim "- Sabi nya habang winiwiggle ang kilay. Napa iling nalang ako.

" Nako Taehyung, ayaw ko pa mamatay ah "- Natatawang sabi ko at tumayo na.

Nag first bell na kasi kaya kailangan ko ng pumunta sa classroom.

" Marunong ako mag drive wag ka nga "- Sabi nya habang naka sunod sakin mag lakad.

Napa tawa naman ako ng bahagya sa sinabi nya.

" Basta mamaya Aila ah ? "- Pangungulit nya sakin.

Naglalakad kasi sya ng naka talikod at napa tawa ako ng malakas nang bumangga sya sa isang poste.

Relationshitحيث تعيش القصص. اكتشف الآن