[twenty-four] 二十四

1.8K 83 20
                                    

Aila's POV

30 minutes... 1 hour... 1 hour and a half... hindi ko na alam kung ilang oras o minuto na akong andito. Nag iintay kay Yoongi.

30 minutes pa Aila

Pang ilang beses ko na ba sinabi yan sa sarili ko ? Ewan, di ko na mabilang.

Darating sya. Kasi kung hindi naman sya darating edi sana sinabi nya sakin.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at pinailaw ito. Wala naman akong text na natatanggap galing sa kanya. 

Napa tingala ako nang may pumatak na tubig sa screen ng phone ko at doon bumuhos ang ulan.

Inilagay ko sa bulsa ang phone ko at hinayaang mabasa ako ng ulan. Ayaw kong umalis dito kasi baka dumating na si Yoongi. Darating sya.

Ewan ko pero bigla akong naiyak. Kaya yumuko ako. Hindi naman mahahalata na umiiyak ako dahil sa ulan.

Napa hinto ako nang maramdaman na wala ng ulan na bumabasa sakin pero umuulan parin at kasunod nun ay may nakita akong pares ng sapatos sa harap ko. Masigla kong ini-angat ang tingin ko pero nawala rin ito nang makita na si Kiel ang nasa harap ko.

" Napagod na akong mag-intay dun na bumalik si Yoongi pero ni-anino nya hindi ko nakita. Ikaw ba di ka mapapagod mag-intay sa taong wala ng balak dumating ? "- Seryosong sabi ni Kiel sakin.

" Tapos umulan na't lahat-lahat eh wala ka paring balak umalis. At talagang nagpa-basa ka pa sa ulan "- Dagdag na sermon nya.

" Ayokong umalis. Baka dumating na si Yoongi "- Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nya at iniwas ang tingin.

" Text him "- Napa tingin ako sa kanya sa sinabi nya.

" Text him para malaman mo kung babalik ba sya "- Pagpapatuloy nya. Para naman akong ewan na kinuha ang phone sa bulsa at medyo nanginginig na pina-ilaw ito.

Agad kong tinext si Yoongi.

To: Yoongi ko <3

Nasaan ka na ? Kanina pa kita iniintay.

Agad kong pinindot ang send button at tinignan si Kiel. 

Seryoso lang rin syang naka tingin sakin, dahil hindi ko matagalan ang tingin nya eh iniwas ko ang tingin ko.

Bahagya akong napa talon sa kinauupuan ko nang mag vibrate ang phone ko. Napa tingin ako kay Kiel. He jerked his chin kaya ibinalik ko ang tingin ko sa phone ko and clicked the message button.

Biglang nawasak ang puso ko sa nabasa ko.

From: Yoongi ko <3

Anong nag-iintay ? May usapan ba tayong mag kita ngayon ?

Bigla akong napa takip sa mukha ko at doon ulit umiyak. Kinuha ni Kiel ang phone ko at mukhang binasa nya ang text. 

Napa angat ako ng tingin nang hawakan nya nag braso ko.

" Get up. Baka magkasakit ka na "- Sabi nya kaya napa tayo na ako. Hindi ko mapigilan ang pag hikbi ko. Niyakap ko ang sarili ko habang naglalakad kami papuntang parking lot.

" I'll drive you home pero bago yun, kailangan mo muna magpalit ng damit. Basang basa ka "- Sabi nya habag naglalakad kami papalapit sa sasakyan nya. 

Nang nasa tapat na kami, binuksan nya ang passenger's seat at doon ko nakita ang isang jogging pants at white t-shirt. Kinuha nya ito at binigay sakin.

" Mag palit ka muna "- Sabi nya at kinuha ang bag ko na nasa likod ko at inilagay sa likod.

" Aantayin nalang kita dito "- Sabi nya at nag lakad kami papuntang driver's side atsaka nya binuksan ang pinto. Akmang uupo na sya nang makita kong kinuha nya ang kanyang jersey jacket at ipinatong sa balikat ko.

Binigyan nya ako ng isang tipid na ngiti tsaka tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.

Nag simula na akong mag lakad papunta sa pinaka malapit na CR at nag palit ng damit na binigay ni Kiel.

After kong mag bihis, agad din akong bumalik sa parking lot at sumakay sa sasakyan ni Kiel.

" Gusto mo bang mag coffee muna saglit ? "- Tanong nya habang papalabas kami ng school. Isang tango lang ang sinagot ko sa kanya at tahimik na ulit syang nag drive.

Isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Hindi naman na nag-salita pa ulit si Kiel at tahimik nalang na nag drive.

Maya-maya lang ay ihininto nya ang sasakyan kaya napa mulat ako. Nasa coffee shop na kami at hindi na ganun kalakas ang ulan.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang pigilan ako ni Kiel. Napa tingin ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. Hindi sya sakin naka tingin, kundi sa coffee shop kaya tinignan ko ang tinitignan nya at para bang na-estatwa ako sa nakita ko.

Si Yoongi at Yumi. Magkasama

" Isarado mo yang pinto. Sa iba nalang tayo mag kape "- Seryosong sabi nya sakin.

" Hindi "- Sagot ko sa kanya habang nasa coffee shop parin ang tingin.

" Di-dito tayo "- Pagpapatuloy ko tsaka ko sya tinignan.

Tinaasan nya muna ako ng kilay at wala rin syang nagawa kundi ang bumuntong hininga.

" You sure you're gonna be okay ? "- Nag-aalalang tanong nya sakin.

Tumango ako at nginitian sya ng kaunti.

" Okay "- Tanging sagot nya at binuksan na ang pintuan ng sasakyan kaya bumaba na din ako.

Naka tingin lang ako kina Yoongi at Yumi na masayang nag-uusap. Tumunog ang bell. Hudyat na may pumasok, pero wala parin silang pake.

Nag hanap kami ng bakanteng table pero wala. Maya-maya ay may couple na tumayo at ewan ko ba kung nananadya ang tadhana kasi ang table na bakante ay yung nasa tabi nila Yoongi.

" Pwede naman tayong lumipat ng ibang coffee shop if you want "- Bulong sakin ni Kiel. Umiling ako at nag simulang mag lakad papunta sa bakanteng table.

Naka harap sakin si Yoongi sa dereksyon ko, samantalang naka talikod naman si Yumi.

Kay Yoongi lang ako naka tingin habang naglalakad ako papunta sa table. Kung titignan sya parang ang saya-saya nya na kausap si Yumi. Paano banaman, kitang kita yung gilagid nya habang nag sasalita sya kay Yumi.

Maya-maya lang ay mukhang napansin nya na naka tingin ako sa kanya kaya tinignan nya ako at nahinto sya sa pag sasalita. 

Nag snap ng fingers si Yumi at tinatawag ang atensyon ni Yoongi, hanggang sa napa tingin na rin sya sa dereksyon ko. Base on my peripheral view ay ngumiti si Yumi sakin.

" Aila ! "- Masiglang bati nya at kumaway pa. Wala naman akong nagawa kundi ngitian ng tipid si Yumi at umupo sa table na nasa tapat nila.

" Anong nangyare sayo Aila ? Kanina pa uwian nyo diba ? Pauwe ka palang ? "- Sunud-sunod na tanong ni Yumi.

" Bibili lang ako ng makakain natin "- Paalam ni Kiel kaya tumango naman ako. Umalis na sya kaya nilingon ko si Yumi.

" Ah, nabasa kasi ako ng ulan. May inintay kasi ako kaso hindi dumating "- Sagot ko sa kanya at nginitian pa sya. Base on my peripheral view ay naka kunot ang noo ni Yoongi.

" Ay ? Grabe naman yun ! Pinag intay ka nya ng sobrang tagal tapos hindi sya darating "- Galit na kumento ni Yumi.

" Kaya ikaw Yoongi-oppa, pag may usapan kayo ng girlfriend mo wag mong ididitch ah ! Ayaw ko pa namang nag-iintay "- Sabi ni Yumi na naging dahilan ng pagkasamid ni Yoongi. Umiinom kasi sya nang bigla iyong sabihin ni Yumi.

" Okay ka lang oppa ? "- Nag aalalang tanong ni Yumi kay Yoongi. Tumango naman si Yoongi bilang sagot.

" Washroom muna ako oppa bago tayo umalis "- Paalam ni Yumi at tumayo na tsaka pumunta sa CR.

Hindi ko na tinignan si Yoongi at inintay nalang na dumating si Kiel. Napa angat ako ng tingin nang maramdaman na may taong naka tayo sa gilid ko at doon ko nakita si Yoongi.

" Mag-usap tayo "- Seryosong sabi nya sakin. Sakto naman ang pag dating ni Kiel. Mukhang narinig nya ang sinabi ni Yoongi kaya tumango sya.

Tumayo ako at sinundan si Yoongi papunta sa medyo walang taong lugar ng coffee shop.

RelationshitWhere stories live. Discover now