[fifteen] 十五

1.9K 92 24
                                    

Aila's POV

Agad akong hinila paalis ni Kiel. Kung saan man kami papunta ay hindi ko alam. Napaka hilig talaga manghila ng isang to. Naka yuko lang ako at hinayaan ang sarili kong umiyak.

Ang sakit pala pag ikaw na mismo ang naka-kita. Sya, nagagawa nyang isama sa mall yung Yumi ng walang disguise. Samantalang ako, ni minsan hindi ko pa sya nakasamang mag mall.

Huminto si Kiel sa pag hila sakin at mas naiyak ako nang yakapin nya ako. Yung yakap na parang punung-puno ng comfort. Ganun ang pagkakayakap sakin ni Kiel.

" Shh don't cry "- Bulong nya habang hinahaplos ang buhok ko.

" Masakit Kiel "- Sagot ko at hinayaan ang sarili na umiyak sa dibdib nya.

Mukha akong ewan na umiiyak ng malakas. As in hagulgol sa may dibdib nya.

" Uhm... Aila ? "- Tawag nya sakin.

" Pinagtitinginan na tayo ng mga tao "- Dagdag nya kaya napa silip ako.

Nasa gitna pala kami ng mall at oo nga. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. May iilang kinikilig dahil akala siguro ay kami at may ilan namang di maganda ang tingin dahil siguro sa paningin nila ay PDA masyado.

Humiwalay ako kay Kiel pero naka-yuko parin ako.

" Bat naman kasi dito ka huminto "- Medyo iritang tanong ko sa kanya.

" Eh feeling ko kailangan mo na ng comfort eh "- Sagot nya at kinamot ang batok.

" Tara na nga. Kumain na tayo "- Sabi nya at nag simula ng mag lakad kaya sumunod ako.

Nauuna syang mag lakad sakin kasi nga nagmomoment pa ako. Medyo masakit parin eh.

" Ang bagal "- Reklamo nya kaya lumapit sya sakin ang hinawakan ang wrist ko.

Basta dinala lang nya ako sa isang fast food chain at nalaman ko lang na chinese restaurant ito nang ibigay ang menu samin. Medyo madilim dito sa lugar namin kaya inangat ko ang tingin ko.

" Go and order anything. You've been crying all day "- Seryosong sabi nya habang nasa menu ang atensyon.

" I-i'm not in the mood "- Mahinang sagot ko pero sapat na para marinig nya at nilapag ang menu.

" I-i'm not hungry "- Dagdag ko

" No. Kailangan mong kumain Aila "- Madiin na sabi nya.

" Kung ayaw mo pumili. Ako nalang ang pipili ng pagkain mo "- Dagdag nya. Bago pa man ako makapag reklamo eh itinaas na nya ang kamay nya at agad namang may lumapit samin na waiter.

" Kiel you don't need to- "- Hindi ko na natapos ang protesta ko dahil pinanlakihan nya ako ng mata.

Umorder na sya at seryoso, napanganga ako sa dami ng pinili nya.

" Ubusin mo lahat yun ah ? "- Naka ngiting sabi nya at tinilt pa ang ulo. Parang nang-aasar sya.

" Paano ko naman mauubos yun !? Wala nga akong gana kumain ! "- Asik ko sa kanya at nakita kong nagpipigil sya ng tawa kaya napa-kagat naman ako sa pang-ibabang labi ko.

Napaka traydor ng tyan ko. Bigla banamang tumunog. Bastos.

" Hindi ka pala gutom "- Natatawang sabi nya habang tumatango-tango pa.

" Bwisit "- Galit na ani ko at umirap pa.

" Do you like sweets ? "- Biglang tanong nya.

RelationshitWhere stories live. Discover now