[twenty-two] 二十二

1.8K 86 20
                                    

Aila's POV

Nasa garden ako ng school ngayon. Kasi wala lang. Ang aga ko pumasok eh. Napa tingin ako sa phone ko na nasa bench at pina-ilaw ito. Hanggang ngayon wala parin akong text na natatanggap sa kanya. Napa buntong hininga nalang ako at sumandal sa bench.

Biglang may nag takip sa mata ko.

" Sino tooooo~ ? "- Tanong nya.

Sa lalim palang ng boses ng nilalang na to kilala ko na.

" Taehyung. Alam kong ikaw yan kaya tigilan mo ko "- Simpleng ani ko at tinanggal na nya ang pagkakatakip nya sa mata ko.

" Anong ginagawa mo dito ? Bat ikaw lang mag-isa ? "- Tanong nya habang tumitingin sa paligid at umupo sa tabi ko.

" Wala lang. Napa aga lang pasok ko "- Kibit balikat kong sagot sa kanya.

" Kumain ka na ba ? "- Tanong nya kaya napa tingin ako sa kanya.

" Oo bakit ? "- Simpleng sagot ko naman sa kanya.

" Ako kasi hindi pa eh hehehe "- Naka ngiting ani naman nya. 

Pinansingkitan ko sya ng mata at hinampas sa braso.

" How many times do i have to tell you na kakain ka bago pumasok sa school ? "- Galit na sabi ko. Napa kamot naman sya sa batok nya.

" Hehehe sorry po boss "- Paumanhin nya. Napa buntong hininga naman ako.

" I'm sure bukas na yung canteen. Kumain ka muna "- Sabi ko at tumayo na. Napa ngiti naman si Taehyung at tumayo na din.

Napa taas ang kilay ko nang akbayan nya ako. Wala namang malisya sakin to kasi lagi nya akong inaakbayan.

" Libre mo ko ah ? "- Malokong sabi nya habang tinataas baba ang kilay. 

Padabog kong tinanggal ang kamay nya sa balikat ko at tinignan sya ng masama.

" Joke lang ! Ikaw naman "- Natatawang sabi nya at pinagpatuloy na ulit ang paglalakad papuntang canteen.

Agad akong umupo sa bakanteng table nang maka-rating kami ni Taehyung sa canteen.

" May gusto ka bang kainin ? "- Tanong nya sakin habang tinitignan ang mga stall na bukas na.

" Ililibre mo ba ako ? "- Naka ngiti kong tanong sa kanya.

" Oo. Sinamahan mo ako sa canteen eh "- Simpleng sagot naman nya. Napa ngiti ako.

" Naks ! Manlilibre sya ! Kahit noodles lang okay na atsaka chocolate cake "- Sweet na ani ko. Minsan lang naman kasi manlibre si Taehyung kaya lulubus-lubusin ko na.

" Sige "- Nagulat ako nang pumayag sya. 

" Mag kanin ka ah ! "- Paalala ko sa kanya. Hindi naman nya ako nilingon pero nag okay sign sya sakin.

Habang iniintay si Taehyung, nilabas ko ulit ang phone ko at pina-ilaw ito. Umaasa na sana may text manlang si Yoongi.

Napa buntong hininga ako nang makitang wala. Simula kahapon, wala ni isang text o tawag akong natanggap sa kanya. Baka nag eenjoy kasi sya sa date nila ni Yumi, nakakahiya naman kung eepal ako diba ?

Napa buntong hininga ulit ako. Kakaayos lang naming dalawa pero ito nanaman. Mukhang may misunderstanding nanaman kami. Kelan ba mauubos tong away namin ?

" Ang lalim ng iniisip mo ah "- Natatawang sabi ni Taehyung kaya napa angat ako ng tingin sa kanya. Ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa.

Inilapag nya ang tray sa lamesa at tinulungan ko naman syang tanggalin ang mga pagkain na nasa tray.

RelationshitWhere stories live. Discover now