[two] 二

3.7K 146 40
                                    

Aila's POV

Kanina ko pa iniintay si Yoongi dito sa may likod ng building. Sabi nya kasi magkikita kami bago kami umuwe. Pero punyeta halos kalahating oras na ko dito.

Umupo ako sa may damuhan at nilaro yung mga damo. Maya-maya lang may narinig akong papalapit kaya agad akong napa tayo at ngumiti.

Agad ding nawala ang ngiti ko nang hindi si Yoongi ang dumating.

" Oh iha ? Anong ginagawa mo dito ? "- Tanong nung janitor sakin.

" Wala po, may nalaglag kasi ako dito kanina hinahanap ko lang po "- Sagot ko at nag panggap na naghahanap.

" Ano ba yung nahulog mo ineng ? "- Tanong ulit nya at tinulungan akong mag hanap.

" Basta ho manong, ako nalang po maghahanap "- Wala naman na akong narinig na sinabi ni manong at umalis na sya.

Nang wala na si manong umayos na ako ng tayo at kinuha ang phone ko sa bulsa at tinext si Yoongi.

To: Yoongi ko ♡

Asan ka na ?

Nang masend ko na ang text, binalik ko sa bulsa ko ang phone at inintay ulit sya. Maya-maya lang nag vibrate ang phone ko kaya agad-agad ko itong kinuha.

From: Yoongi ko ♡

Sorry Aila, may meeting kami. Akala ko naman kasi saglit lang to. Sorry talaga

Agad kong binalik ang phone ko sa bulsa at umalis na.

Nag-intay lang ako sa wala. Ang nakakainis pa, hindi nya agad sinabi sakin para hindi sana ako nag-intay.

Masama ang loob akong umalis ng school at naglakad pauwe.

" Girl, magkaiba ang priority sa importante. Oo importante ka sa kanya pero hindi ikaw ang priority nya "

Napa-irap ako sa narinig kong usapan ng dalawang babaeng nasa harap ko.

Mas binilisan ko nalang ang paglalakad at agad na pumasok sa bahay. As usual, ako lang ang tao. Si ate ewan ko kung nasaan, sila mama naman wala.

Agad akong umakyat sa kwarto ko at nag bihis ng pambahay at bumaba para kumain.

Nasa kalagitnaan ako ng pag kain nang tumunog ang phone ko. Si Yoongi tumatawag.

Umirap ako at tinuloy nalang ang pag kain ko. Nagtatampo ako sa kanya. Bahala sya dyan.

Maya-maya lang tumigil na ang pag-tunog ng phone ko. Nag eexpect ako na kukulitin nya ako at tatawagan ng tatawagan hanggang sagutin ko, pero ano pa nga bang aasahan ko ?

Ayan, assume pa kasi Aila. Edi mas lalong sumama loob mong gaga ka ?

Agad kong inilagay sa sink yung pinagkainan ko at hinugasan at nang matapos ako, kinuha ko ang phone ko at nanood nalang ng tv.

Nice one. Wala manlang text o kahit anong galing sa kanya. Nice Yoongi, very nice.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng tv nang mag ring ang phone ko. Si Shana, tumatawag. Agad ko namang sinagot.

[ He-Hello, Aila ]- Napa kunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Shana.

" Ikaw pala Shana, ano yun ? Teka umiyak ka ? "- Paanong hindi ko malalaman na umiyak tong babae na to ? Nako ! Malaman ko lang na si Jungkook nanaman may kasalanan nito lagot na talaga sya sakin !

[ Pwede ba ko makitulog dyan sa inyo mamaya ? May interview kase si Jungkook eh ]- Mas napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Bat kailangan nya pang umalis ? Eh noon naman hindi na nya kailangan umalis.

RelationshitWhere stories live. Discover now