[five] 五

2.3K 102 19
                                    

Aila's POV

Naiinis ako. Sobrang naiinis ako.

Lagi nalang. Lagi nalang ganito.

Don't tell me nalimutan nanaman nya ? Bullshit ! Lagi nalang !

Dahil sa sobrang irita ko, idagdag mo pa ang patuloy na pag tunog ng phone ko pinatay ko ito at nag kulong sa kwarto.

Ayokong kumausap ng kahit sino. Baka sumabog ako at sa kanila ko mabaling galit ko.

Kinuha ko ang notebook ko at ginawa lahat ng assignment at nang tapos na ako, nag advance study nalang ako.

Mas mabuti ng ma-divert ko sa pag aaral tong galit ko atleast may natututunan pa ako.

At nang matapos ako, sakto naman na tinawag ako ni mama para kumain.

Bumaba na ako at sumalo sa kanila pero tahimik lang ako. Wala ako sa mood makipag-usap kung kanino.

" Anak ? Okay ka lang ? "- Nag aalalang tanong ni mama.

" Opo. Masakit lang ulo ko "- Pagdadahilan ko

Nag aalalang lumapit sakin si mama at hinawakan ang noo ko.

" Wala ka namang lagnat. Inuman mo na ng gamot yan para mawala "- Sabi ni mama at bumalik na sa upuan nya.

Kahit wala talaga akong gana kumain, pinilit ko kasi ayaw na ayaw ni mama na nag sasayang kami ng pagkain at ayaw nyang hindi kumakain ng maayos.

" Matutulog na po ako "- Paalam ko at umakyat na sa kwarto ko matapos kong ilagay sa lababo ang plato ko.

Pumasok ako sa banyo para mag linis ng katawan at nag handa na para matulog.

Kasalukuyan akong nag susuklay ng buhok nang marinig ko na may tao sa labas. Sumilip ako sa veranda ko at agad na napa tago nang makita si Yoongi.

Medyo naririnig ko ang usapan nila sa labas dahil halos katapat lang ng kwarto ko ang lugar nila.

" Anong kailangan mo iho ? "- Tanong ni mama

" Good evening Mrs. Lucas. Gising pa po ba si Aila ? "- Magalang na sabi ni Yoongi.

Medyo nilapit ko pa ang tenga ko sa may veranda.

Mukha akong ewan dito na naka-upo sa sahig na parang nag tatago.

" Ay nako palagay ko tulog na yun. Masakit kasi ang ulo nya kanina. Bakit anong kailangan mo sa kanya ? "- Tanong ni mama. Medyo tanaw ko sila sa maliit na butas. Nakita ko ang pag buntong hininga ni Yoongi.

" Gusto ko lang po sana syang maka-usap "- Parang dismayadong sabi ni Yoongi.

" Sige po. Pasensya na po sa abala "- Sabi nya at nakita ko ang pag bow ni Yoongi kay mama.

" Dapat medyo inagahan mo baka naabutan mo pa sya. Ka-ano ano mo ba ang anak ko ? "- Tanong ni mama. Nakita ko naman ang pag kamot sa batok ni Yoongi.

Aamin kaya sya kay mama ?

Kung sakali man, alam ko naman na hindi magagalit yang si mama. Sure pa nga ako na matutuwa yan eh.

" Kaibigan nya lang po ako "- Napa buntong hininga ako sa sagot nya.

Ano pa nga bang ieexpect ko ? Malamang di aamin yan.

" Osige sasabihin ko nalang sa kanya bukas na pumunta ka dito "- Sabi ni mama at sinarado na ang gate.

Tumayo na ako at sinarado ang sliding door ko at tinanggal na ang pagkakatali ng kurtina para matakpan ito.

RelationshitWhere stories live. Discover now