[forty-two] 四十二

1.7K 87 16
                                    

Aila's POV

To be honest ang ganda dito sa Busan. After a few minutes of walking and site seeing, napag pasyahan namin na mag pahinga muna.

" You think nililigawan talaga ni Sky si Shana ? "- Tanong ni Kiel sakin.

" You asked the wrong question. "- Sabi ko sa kanya at bahagya syang tinignan.

" Ang tamang tanong ay pinayagan ba talaga ni Shana si Sky na manligaw "- Pag cocorrect ko sa kanya at tinignan namin si Shana at Sky.

" Knowing Sky, kahit naman na pinatigil na sya ni Shana, hindi parin titigil yan. Masyado nyang mahal si Shana eh "- Sabi ko habang nakina Sky ang tingin.

" Kung sabagay. Tama ka "- Narinig ko namang kumento ni Kiel at narinig ko ang pag bukas ng isang cola kaya napa tingin ako sa kanya.

" Here "- Sabi nya sabay abot sakin ng binuksan nyang cola.

" Salamat "- Pasasalamat ko at kinuha ito at uminom.

" So, tingin mo ? Totoo kaya ? "- Tanong ni Kiel.

" Sa tingin ko hindi. Knowing Shana, never syang mag eentertain ng taong hindi naman nya mahal. Hindi sya yung tipo ng ganyan na may asawa na, magpapaligaw pa "- Sabi ko habang nakila Shana ulit ang atensyon.

Shana's the type of girl na hindi mahihiyang ipakita sa lahat ng tao kung gaano nya kamahal ang isang tao. Wala naman syang pakielam sa sasabihin ng iba sa kanya, ang kanya lang is nasasabi o napapakita nya sa taong mahal nya na mahal nya to.

To be honest, ang swerte ni Jungkook sa kaibigan ko. Oo, sabihin na nating isa syang brat at spoiled, pero sya yung tipo ng tao na alam kung hanggang saan lang ang kaya nyang makuha. Kung alam lang kasi ni Jungkook ang lahat. Sapat naman na kay Shana yung makita sya eh, hindi naman ginusto ni Shana ang makasal sa kanya- well masaya sya of course pero hindi nya ginusto yun. Ang akala ng dad ni Shana, sasaya sya kapag nakasal sya kay Jungkook but he was wrong.

" Hey "- Napa kurap ako nang biglang may sumiko sakin at napa lingon ako kay Kiel.

" May problema ka ba ? "- Nag aalalang tanong nya sakin. Umiling naman ako bilang sagot.

" Wala, may naalala lang "- Naka ngiting sabi ko kay Kiel.

" Aalis na "- Napa angat kami ng tingin ni Kiel sa nag salita at nakitang si Yoongi iyon.

" Oh, okay "- Sabi ko at inubos ang cola na bigay ni Kiel.

Nauna ng naka tayo si Kiel at nang maubos ko na ang cola ko, Kiel extended his arm.

Tinanggap ko naman ito at tinulungan nya akong maka tayo.

Gaya ng sabi ni Yoongi ay agad din kaming umalis.

As usual, nasa likod kaming dalawa ni Kiel nang maya-maya ay uminda si Shana na masakit na ang paa nya. Agad naman syang binuhat ni Sky.

" Alam mo, kung titignan silang dalawa. Bagay sila "- Narinig kong bulong ni Kiel saakin habang pinapanood namin ang nangyayare.

" Kung hindi lang mahal ng sobra ni Shana si Jungkook, mas gugustuhin ko pang mapunta sya kay Sky "- Sabi ko habang pinapanood ang ngayon ay nauunang sina Shana.

Simula palang naman ayaw ko na kay Jungkook para kay Shana, kaso syempre bilang kaibigan susuportahan ko sya sa desisyon nya. Atsaka kahit naman anong sabi mo dyan hindi makikinig yan.

" Alam mo ? Minsan hindi ko na maintindihan ang pag-ibig "- Sabi ni Kiel kaya naman agad akong napa lingon sa kanya.

" Bakit kung sino yung mga taong minamahal natin, hindi natin makuha ? Bakit yung mga taong mahal tayo hindi natin kayang mahalin pabalik "- Mahabang litanya habang naka tingin kina Shana na ngayon ay palayo na ng palayo at nauuna na sa lahat.

" Woooooah deeeeep "- Pang aasar ko sa kanya. Napa ngiti naman sya dahil sa sinabi ko at umiling.

" Ang drama mo ! Saan mo naman nahugot yan "- Natatawang sabi ko sa kanya at umiling.

" Tch tara na nga ! Naiwan na tayo "- Natatawang sagot nalang ni Kiel at hinila na ako para maka sunod kami sa kanila.

" Lagi naman tayong iniiwan. Bat hindi ka pa nasanay "- Mahinang sabi ko pero mukhang narinig ni Kiel because he snorted.

" Bakit ba ang drama mo "- Natatawang sabi nya.

" Aba ! Ikaw kaya ang unang nag drama sating dalawa ! Gumaya lang ako "- Depensa ko naman sa kanya.

" So nauna akong mahalin ka, edi gagaya ka rin at mamahalin ako pabalik ? "- Banat nya na nakapag-pahinto sa pag function ng utak ko at pag akyat ng dugo ko sa mukha na naging sanhi ng pag yuko ko.

Bwisit na Kiel to ! Hindi manlang ako pinag ready ! Susko yung puso ko nag wawala na !

Napa pitlag ako nang may bahagyang sumiko saakin at napa balik ako sa realidad.

" Ayiiiie kinilig sya ! "- Pang aasar nya habang sinusundot ang tagiliran ko.

Agad ko namang pinalo ang kamay nya at ginawa ang lahat para mag mukhang naiinis o nag tataray.

" Che ! Ewan ko sayo "- Kunyare ay mataray na ani ko sabay iwas ng tingin dahil alam kong namumula parin ako.

Wala na akong narinig na responde kay Kiel at tahimik nalang kaming nag lakad hanggang sa maka-rating kami sa nirerentahan naming bahay.

Pagka-dating naming dalawa ay nasa kusina na si Shana at mukhang mag luluto na ng lunch. Agad naman kaming umupo ni Kiel sa couch since napagod kami sa pag lalakad.

" Halata naman sila masyado "- Narinig kong sabi ni Sky kaya naman agad akong napa tingin sa kanya.

" Huh ? Anong sinasabi mo ? "- Kunot noong tanong ko sa kanya.

" Look "- Sabi nya as he jerk his chin towards the kitchen. Agad ko namang tinignan ang tinuro nya at nanlaki ang mata sa nakita.

Nasa kusina kasi si Shana and she's with Sky at aba ! Ang buong bangtan ay nandun at mukhang binabantayan ito.

" Alam mo minsan mas gusto ko pa sila para kay Shana. Kahit sino sa kanila kasi nakikita kong pinahahalagahan at inaalagaan nila si Shana na supposedly ay trabaho ni Jungkook bilang asawa "- Litanya ni Kiel.

" Pero sa kanilang lahat sino ang mas gusto mo kay Shana ? "- Tanong ko sa kanya.

" Kung hindi si Sky ang pick ko. It's Namjoon "- Seryosong sabi nya na nakapagpa-kunot ng noo ko.

" Bakit naman sya ? "- Tanong ko sa kanya.

" Hindi mo lang kasi napapansin pero may iba sa tingin ni Namjoon kay Shana. A look that looks like admiration ? "- Kibit balikat na sagot naman ni Kiel.

Well, kung sabagay, may nasesense din ako kay Namjoon pag dating kay Shana. Pero hindi ko naman malalagyan ng malisya ang ginagawa nya dahil leader sya ng Bangtan at parang tatay na sya nito; that's what i believe in his actions towards Shana. He's just protective to Shana at parang kapatid na ang tingin nya dito.

Nag kibit balikat lang ako bilang sagot. Nakita kong nilabas ni Kiel ang phone nya at doon ko lang naalala na i-text ang parents ko na nasa Busan na kami. Dali-dali kong kinuha ang phone ko pero pag tingin ko ay lowbat na ito.

" Mag chacharge lang ako "- Paalam ko kay Kiel at umakyat sa kwarto namin.

Hindi pa man ako tuluyang nakaka akyat ay may narinig akong boses na nakapagpa-hinto sakin. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin at nakitang naka tayo doon si Yoongi, as if he's waiting for me. Napa lunok ako nang mag tama ang mga mata namin. Bakit parang kinakabahan ako ?

RelationshitWhere stories live. Discover now