[twenty-six] 二十六

1.9K 91 14
                                    

Aila's POV

It's been a week. One fucking week since he broke up with me. Isang linggo na pero ang sakit parin. Ang sakit sakit parin. 

" Aila "- Narinig kong tawag ni mama at kasunod nun ang pag katok nya sa pinto. Pinahid ko ang luha na pumatak sa mata ko.

Tumayo ako sa kama at binuksan ang pintuan.

" Po ? "- Tanong ko habang naka silip sa maliit na uwang ng pintuan ko.

" Pwede ka bang makausap ni mama ? "- Tanong nya. Tumango naman ako at binuksan na ng tuluyan ang pintuan.

Umupo ako sa kama at tumabi naman sakin si mama.

" May problema ka ba anak ? "- Malumanay na tanong nya saakin at inilagay sa likod ng tenga ang iilang buhok na naka takip sa mukha ko.

Umiling ako bilang sagot sa kanya and she heaved a sigh.

" Anak, mama mo ako. Come on, tell me what's wrong "- Sabi nya. Hindi ko napigilan ang luha na pumatak sa mata ko. Agad ko itong pinahid.

" Wa-wala ma. Okay lang ako "- Ani ko at nginitian ang mama ko.

Ang sakit lang na hindi ko masabi sa mama ko ang problema ko. Ayaw ko lang kasi maka-dagdag sa burden na kinakaharap nila ngayon. Atsaka kaya ko pa naman. Akin nalang muna siguro itong sakit na nararamdaman ko.

Niyakap ako ni mama at hindi ko napigilan ang ilang luha na kanina ko pa kinikimkim.

" Kung ano man yan anak, alam kong kaya mo yan. Kung ayaw mong sabihin kay mama okay lang pero kapag hindi mo na kaya, willing makinig si mama okay ? "- Aniya habang hinahaplos ang buhok ko.

Ibinaon ko lang ang ulo ko sa dibdib ni mama at palihim na umiyak.

Maya-maya lang ay humiwalay na si mama sa yakap.

" Aalis na si mama. Babalik lang kami ng papa mo sa office. May pagkain naman na sa baba kung nagugutom ka "- Naka ngiting ani ng mama ko at  hinalikan ang noo ko. Nginitian ko sya ng malungkot bago sya tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Ako nanaman ang naiwan mag-isa sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at pumikit ng madiin. Napa tingin ako sa orasan at ngayon ko lang napansin na pagabi na pala.

Ngayon nga pala ang araw na sasabihin ni Shana kay Kiel ang totoo. I wonder kung kumusta ang napagusapan nila. Tatanungin ko nalang si Kiel mamaya.

Kung nagtataka kayo, naging maayos naman ang pag confess ni Kiel kay Shana, nakakaloka lang na sabay pa sila ni Sky. Ewan ko ba kay Sky bakit nya pinush yung confession at ligaw thingy eh alam naman nya ang kalagayan ng kaibigan ko. Bahala na si Sky dun. Well, hindi ko naman masisisi si Sky. Gusto nya talaga si Shana eh.

Nag muni-muni muna ako saglit at maya-maya lang ay nakaramdam na ako ng gutom. Wala pa nga pala akong agahan at tanghalian. Ewan ko ba pero wala kasi akong gana. Halos isang linggo na rin akong ganyan kaya siguro nahalata na ni mama.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at bumaba. Ngayon ko nalang ulit naramdaman na mag-isa ako.

Nang maka-baba ako ay napa tingin ako sa sofa namin. Ewan ko ba pero bigla kong naalala yung mga panahon na walang tao sa bahay tapos kasama ko si Yoongi. Malimit nga kaming mag kilitian habang nanonood ng TV. Napa ngiti ako ng malungkot at nag lakad na papunta ng kusina.

Agad kong nakita ang mga pagkain na may takip kaya isa-isa ko itong binuksan. Umupo na ako at nag simulang kumain.

Napa tingin ako sa upuan at naalala ko nanaman yung mga panahon na nasa secret apartment kami ni Yoongi at ako ang nag-luluto. Kung hindi sya naka-upo habang iniintay ako matapos mag luto ay nasa likod ko sya habang naka yakap sakin ng mahigpit at pinapanood ako sa ginagawa ko.

RelationshitWhere stories live. Discover now