Chapter 10

272 30 21
                                    

Chapter 10: Gintong Espada

"Simula ngayon wala ng lalabang mag isa dahil kasama mo na ako."

Halwina's Point of View

Bakit ang tagal niya? Kanina pako dito nakapikit sa takot at naghihintay lamang sa kaniya.

Ano na kayang nangyari sa kaniya? Baka... baka may masamang nangyari sa kaniya.

Hindi ko siya pwedeng iwan na lamang doong lumalaban mag isa. Kailangan niya ako kaya Halwina maging matatag ka.

"Ravena, hintayin moko dahil sasamahan kitang lumaban sa kaniya." Bulong ko sa aking sarili.

Halwina kayanin mo to maging matatag ka. Linangoy ko pabalik kung saan ako tinulak ni Ravena kung saan siya naroon at ang higanteng halimaw.

Binilisan ko ang paglangoy, wala na akong ibang inisip kundi ang lumaban kasama si Ravena di ko kayang maghintay na lamang habang siya naman ay naghihirap.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay narating ko na ang kinarooonan nung halimaw. Laking gulat ko ng makita ko si Ravena na walang malay.

"Ravena!" Sigaw ko habang naka kuyom ang aking palad sa galit.

"Ikaw! Bakit ka nandirito? Tao ka lang kaya umuwi kana kung ayaw mong makatulad sa kaniya." Tugon niya habang tumatawang naka tingin kay Ravena.

Kitang kita ng aking mga mata si Ravena na pinipilipit sa galamay ng mokong na halimaw na ito.

"Huwag na huwag mokong babantaaan dahil di mo ako kilala!" Sigaw ko sa kaniya at dahan dahang lumapit sa kaniya. "Ibaba mo na siya at magtuos tayo!" Dugtong ko pa sa kaniya habang nakatitig ng masama sa kaniya.

"Bakit? Ko susundin ang sinasabi mo sino kaba?" Tugon niya saakin na parang nang aasar.

"Gusto mo ako makilala? Pwes ibaba mo siya at nagpapakilala ako." Sambit ko sa kaniya sabay turo kay Ravena simbolo upang ibaba siya.

"Aba! Kung yun ang gusto mo!" Dahan dahan niyang ibinabi sa kaniyang likod si Ravena at umiikot ikot papunta saakin.

"Ngayon, sino ka?" Tanong niya saakin ng naka ngiti.

"Gusto mo talagang malaman kung sino ako?" Tugon ko sa kaniya habang unti unti lumapit sa kaniya.

"O--" Sambit niya ng bigla kong pinutol.

"Ako ang prinsesa ng Karagatan ang anak ng Reyna bg katubigan, Si Halwina." Sambit ko ng mahinahon sa kaniya at pagktapos nito ay nginitian siya ng masama.

Ewan ko kung anong pumasok sa aking isipan kung bakit bigla kong itinaas ang aking kamay ng biglang may lumabas na napagandang espada. Kulay ginto ngunit may kulay puting umiikot dito.

"Pasensya na ngunit kailangan mo ng tumahik at mawala." Sambit ko sa kaniya sabay saksak sa gitnang bahagi ng kaniyang katawan.

Kitang kita sa kaniyang mukha ang pagkagulat na tila'y kahit magsalita ay di niya magawa.

Bigla siyang umilaw na kulay ginto at agad siyang nawasak na parang abo.

Ramdam ko ang aking pagkahina. Siguro dahil sa lakas na aking ginamit upang mapatay ko siya. Baguhan lamang ako kaya di ko pa kayang gamitin ito ng masyado.

Nanlabo ang aking mga mata. Tumingin ako sa harapan ko kitang kita ng aking mga mata si Ravena na walang malay.

Dahan dahan akong lumangoy patungo sa kaniya kahit alam kong nanghihina ako.

"Ravena? Ravena!" Sambit ko sabay sampal sa kaniyang mukha.

Bigla siyang nagising at sumigaw ng napakalas.

"Patawad! Prin---" Sigaw niya ng bigla niya itong pinutol.

Patawad? Saakin bakit naman siya magpaoatawad dahil tinulak niya ako papalayo sa kaniya? Siya pa tong hihingi ng tawad? Siya na nga yung nasaktan siya pa talaga?

"Ravena? Huwag ka humingi ng patawad sa akin." Sambit ko sabay hawak ng kaniyang pisngi.

Agad niyang kinuha ang aking kamay sa kaniyang mukha at hinawakan ito ng mahigpit.

"Pri-prinsesa? Bakit ka naririto?" Tanong niya saakin na nakakunot ang noo habang nakahawak sa aking mga kamay.

"Nandito ako para samahan kang lumaban Ravena." Tugon ko sa kaniya at kasabay nito ang pagtanggal ng aking kamay sa kaniyang pagkakahawak.

Magsasalita sana siya ng bigla kong inunahan.

"Huwag kanang umangal! Ako ang prinsesa ako ang masusunod." Sambit ko sa kaniya sabay yakap ng mahigpit sa kaniya.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya. Nag alala talaga ako sa kaniya, ewan ko kung bakit basta alam kong ayaw ko siyang iwan at lumaban mag isa.

"Simula ngayon lalaban tayo ng kasama, walang mang iiwan." Bulong ko sa kaniya sabay kawala sa pagkakayakap ko sa kaniya.

Hindi siya umimik. Dahil ba yinakap ko siya? Dahil ba oa ako?

"Bakit di ka umiimik?" Tanong ko habang lumalangoy paikot ikot sa kaniya.

"Wala nagulat lang ako sa sinabi mo prinsesa. Teka nga lang nasaan na yung halimaw?" Tanong niya saakin sabay langoy kung saan naroroon kanina yung Higanteng halimaw.

"Pinatay ko siya." Tugon ko sa kaniya at sabay langoy papunta sa kaniyang harapan.

"Paano?" Maikling tanong niya saakin.

"Itinaas ko ang aking kamay at biglang lumabas ang gintong espada na may puting ilaw na umiikot dito at sinaksak ko siya." Sambit ko sa kaniya.

"Tila ay unti unti ng lumalabas ang iyong pagiging prinsesa." Sambit niya saakin sabay hawak sa aking mga kamay.

"Prinsesa? Tayo na?" Tanong niya saakin na akin namang ikinagulat.

Tayo na? Kami na? Huh? Diko siya maintindihan. Ano bang pinagsasasabi niya.

"Tayo na?" Sambiit ko habang nakakunot ang aking noo sa pagtataka.

"Tayo na sa Mermania." Sambit nito sabay ngiti saakin.

Yun. Yun pala ang ibig niyang sabihin. Halwina masyado kang oa gumising ka nga!

"Yun nga! Tayo na?" Tugon ko sa kaniya ng mabilis.

Sabay kaming lumangoy ulit habang hawak hawak niya ang aking kamay. Ramdam ko ulit na ligtas ako dahil sa pagkakahawak niya saaking kamay at alam kong nadito siya sa akin tabi, alam kong ligtas ako sa kamay niya.

Mabilis naming tinungo at patuloy lang kami sa paglanggoy upang maabot at masilayan ko na ang kinaroroonan ng Kaharian ng Mermania at ang aking ina, si reyna Haliya.

Unting tiis nalang Hawlina. Malapit kana malapit mo na silang makita.

~

Please hit vote and feel free to leave a comment for me to know if may nagbabasa pa salamat poo sa pagsuporta niyo saakin.

Media: Gintong Espada

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Halwina: Prinsesa ng KaragatanWhere stories live. Discover now