Chapter 3

413 47 11
                                    

Chapter 3: Prinsesa?

"Ako? Isang prinsesa? Paano? Bakit?"

Halwina's Point of View

Ako? Isang prinsesa? Hindi ako naniniwala sa munting isdang ito.

"Anak ako ng isang pinuno dito sa Isla Halwi! Kaya kailanman ay hindi ako magiging prinsesa!" Sigaw ko sa munting isda.

Anak nga naman ako ng isang pinuno pero di ako isang prinsesa.

"Tila'y wala ka pang nalalaman tungkol sa iyong sarili, prinsesa~" Sambit nito saakin ng mahinahon.

Anong ibig niyang sabihin? Ako? Wala pang nalalaman tungkol sa aking sarili?

"At bakit mo naman nasabing wala akong nalalaman tungkol saakin? Ako si Halwi ang anak ng pinuno sa aming isla." Sambit ko sa kaniya upang iklaro ang lahat at upang itama ang kaniyang mga pinagsasasabi.

"Si Hulyo? Siya ba ang iyong ama? Si Pinunong Hulyo?" Patanong na sinabi niya saakin.

Bakit kilala niya si ama? Uhhh! Nakakainis na talaga! Maraming tanong ang tila'y gumugulo sa aking isipan.

"Kilala mo si ama?" Tanong kong sinabi sa kaniya habang nakakapit balikat.

"Oo! Bata ka palang ng ibinigay ka namin sa kaniya---" Sambit nito na bigla kong pinutol.

"Ibinigay? Ibig mo bang sabihing ampon lamang ako ni ama?" Sambit ko sa kaniya ng patanong habang naka kunot ang aking noo.

"Patapusin niyo po muna ako prinsesa. Opo tama kayo di mo tunay na ama si Hulyo ang inyong pinuno. Anak ka ng aming Hara ang Reyna ng Karagatan si Reyna Haliya~" Sambit ng munting isda saakin.

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Nagulat ako ng sinabi niyang isa lamang akong ampon pero mas nagulat ako ng malaman na anak ako ng isang reyna ng karagatan.

Reyna ng karagatan? Ibig sabibin ba nitong~ Serena ang aking ina?

"Tama ang iyong iniisip Prinsesa Halwi. Ang iyong ina ay isang serena ang reyna ng karagatan." Sambit nito saakin.

"Bakit mo nalalaman ang aking iniisip?" Tanong ko sa kaniya.

"Pinadala ako ng iyong ina upang bantayan ka at binigyan niya ako ng kapangyarihang malaman ang iyong iniisip upang mas mabantayan ko ang iyong mga kilos Prinsesa." Sambit nito saakin na kadahilanan upang mas kumunot ang aking noo.

Seryoso ba tong isdang ito? Pero mukha nga siyang seryoso.

Paano ko sasabihin ito kanila ama at ina. Siguro sa tamang panahon ko nalang sasabihin ang lahat ng ito at aalamin ko muna ang katotohanan, pawang katotohanan lamang.

"Kung anak nga ako ng reyna niyo ? Eh bakit wala akong buntot kung serena siya." Tanong kong sinambit sa kaniya.

"Prinsesa Halwina~ Sa tamang edad. Sa iyong ika labing walong kaarawan ay magkakaroon kana ng sariling buntot." Sambit nito saakin.

Buntot? Sa aking nalalapit na kaarawan? Jusko ayaw kong magkabuntot lalo na't sigurado akong kamumuhian lamang nila ako dito.

"Prinsesa? At ngayong nalalapit na ang iyong kaarawan ay kailangan mo ng sumama saakin upang ipagtanggol ang ating kaharian." Sambit niya saakin.

Sasama ako? Sa kaniya? Para ipagtanggol ang kaharian nila? Pero mayroon na akong responsibilidad dito sa isla at di ko maaaring iwan sila dito pero di ko parin pwedeng balewalain ang kaharian.

Uhhhh! Punong puno na talaga ako! Ang rami kong nalaman ngayong araw na ito. Di ko na kaya. Kailangan ko na munang ipagpahinga ang aking sarili.

"Munting isda? Maaari ba kitang dalhin sa bahay? Upang kahit anong oras ay makausap kita, kung maaari?" Sambit ko sa munting isda at lumuhod ulit sa harapan niya.

"Kung iyon po ang iyong desisyon ay handa po akong sundin ang iyong kagustuhan aking prinsesa." Sambit ng munting isda.

Dali dali akong tumayo at naghanap ng malalagyan niya.

Sa aking pag iikot sa baybayin ay nakakita rin ako ng malalagyan niya. Sa wakas! Dali dali ko itong dinampot at muling pumwesto saaking pagkaluhod kanina.

Linagyan ko ito ng tubig dagat at kinuha ko siya at inilagay sa loob ng lagyanang nakuha ko.

"Oh ayan! Ok ka lang?" Sambit ko ng patanong sa kaniya.

"Ok lang po ako prinsesa Halwi." Sambit niya saakin ng mahinahon.

Habang naglalakad ako patungo sa aking bahay ay may biglang nagsalita galing sa aking kilid.

"Ikaw nanaman? Ikaw na lang ang palaging bukang bibig nila.~"

Alam ko kung kaninong boses to. Ang anak ng isa sa mga nakakataas dito sa Isla, si Deyua.

"Anong kailangan mo?" Sambit ko sa kaniya ng nakakunot ang noo.

"Nagbubulag bulagan na naman ang nag bibidabidahan dito sa isla." Tugon nito na parang nang aasar.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kaniya atcdahan dahang hinarap ang kaniyang mukha sabay tago sa aking likod ang aking kinuhang lalagyan kung saan naroroon ang munting isda.

"Nagpulong pulong ang mga nakakataas kasama si Pinunong Hulyo, ang iyong ama. Napag usapan nilang ikaw na ang susunod sa yapak ng ating pinuno." Sambit nito sabay talikod. "Balang araw ako ang magiging pinuno ng Islang ito." Sambit nito ng pabulong habang dahan dahang naglakad at naglaho.

Nagtungo si ama kanina sa silid ng nakakataas upang mag pulong? Tungkol saakin?

"Tama ka prinsesa, itinakda kang maging pinuno ng islang ito kaya't dapat mo itong pangalagaan." Sambit ng munting isda saakin.

Dali dali akong nagtungo ng bahay at pumasok saaking silid. Totoo nga bang ako'y isang prinsesa? Pero kung totoo nga panibagong responsibilidad nanaman ito para saakin.

Isa akong anak ng pinuno at itinakdang sumunod sa yapak nito ngunit mayroon rin akong responsibilidad sa kalaliman ng karagatan.

Ang ipagtanggol ang aking kaharian at ang aking nasasakupan.

~

Please vote and leave a comment para pang motivate po at maipagpatuloy ko ang aking kwento.

Media: Halwina

Halwina: Prinsesa ng KaragatanWhere stories live. Discover now