Chapter 5

315 33 1
                                    

Chapter 5: Corpse

"Isang bangkay ang nakita sa karagatan. Si Halwina nga ba ito?"


Hulyo's Point of View

Hindi ako makapaniwala bakit ganito? Bakit nangyayari ito sa akin?

Ampon ko nga si Halwina ngunit itinuring ko siyang totoong anak ko.

Diko mapigilang umiyak sa mga pangyayari. Labis ko itong ikinabigla.

"Patawad ama ngunit kailangan ko munang umalis."

Nanlaki ang aking mga mata ng ma alala ang sinambit saakin ng aking anak na si Halwina.

Dali dali kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at kumaripas ng takbo ng naka daan ako ng isang lalake.

"Ikaw? Ngayon din ay magtungo ka sa baybayin at bilangin ang mga bangka. Hanapin mo lang ako sa aking bahay." Sambit ko sa lalake at nagpatuloy sa pagtakbo patungo sa silid ni Halwina.

Nakasarado ang kaniyang pintuan.

"Anak? Lumabas kana diyaan anak." Sambit ko mula sa labas ng silid ni Halwina.

Bakit di siya nagsasalita? Di kaya'y umalis na nga siya ng tuluyan? Pinihit ko ang pintuhan at binuksan ito ngunit walang Halwina ang nandirito.

Ramdam ko ang pagtulo ng aking luha. Hindi maaari! Hindi siya maaaring umalis!

Dali dali kong hinanap si Taliwa ang aking asawa. Kumaripas ako ng takbo patungo sa likod ng aming kubo di naman ako nabigo dahil naroroon nga si Taliwa na nagtatanim ng mga halaman.

"Taliwa? Nakita mo ba si Halwina?" Tanong ko sa kaniya habang tumutulo ang aking luha.

"Hindi ko siya nakita pero narinig ko siyang pumasok ng kaniyang silid kanina. Bakit?" Tugon niya saakin habang dahan dahang tumayo mula sa kaniyang pagkaupo.

"Nalaman niya na ang katotohanang di natin siya tunay na anak kaya't naglayas." Sambit ko sa kaniya habang napaluhod sa lupa at iniyuko ang aking ulo ng bahagya.

"Ano!? Paano niya nalaman? Hindi maaari! Anak ko." Sigaw saakin ni Taliwa na gulat na gulat at napaluhod rin kagaya ko.

Naramdaman ko ang kaniyang pag iyak kaya't lumapit ako sa kinaroroonan niya at inilalayan siyang tumayo.

"Hanapin natin ang ating anak." Sambit ko sa kaniya habang tinulungan siyang maglakad papunta sa loob ng kubo ng biglang umulan.

Napakalakas na ulan. Napa tingin ako sa ulap at napaisip. Kamusta na kaya si Halwina. Nasaan na kaya siya? Ramdam ko ang pagtulo ng aking luha kasabay ng pagtulo ng ulan sa aking mukha.

Nagpatuloy na kaming naglakad papasok ng aming kubo ng biglang nakarinig ako ng sigaw mula sa harap ng aming kubo.

"Pinunong Hulyo!"

Dali dali akong lumabas ng kubo at hinarap ang taong sumisigaw mula sa labas.

Nakita ko ulit yung lalakeng nadaanan ko kanina. Yung inutusan kong magbilang ng bangka.

"Pinunong Hulyo, Kulang ng isa ang ating mga bangka." Sambit niya saakin.

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Di kaya si Halwina ang nagkuha nito upang maglayas at mapalayo sa isla?

Hindi maaari! Dali dali akong nagtungo sa baybayin Kung saan naka linya ang mga bangka. Kulang nga ito ng isa.

"Halwina! Bakit? Bakit mo to ginawa?" Sigaw ko sa harap ng karagatan at lumuhod sa buhangin at napaiyak habang umuulan ng napaka lakas.

Hindi ako makapaniwala pano kung napaano na siya doon sa dagat? Paano kung mamatay siya at di makayanan ang lakas ng ulan at alon. Ano ba tong iniisip ko!

"Nag aalala na ako Halwina." Bulong ko sa aking sarili habang patuloy sa pag iyak.

Ilang minuto narin ako ditong nakaluhod habang umiiyak. Umaasang bumalik na siya ng ligtas.

"Hulyo? Ano na? Nasaan na si Halwina?" Sambit saakin ni Taliwa habang naglalakad patungo saakin.

Dahan dahan akong tumayo at linapitan siya. Wala na akong masabi kaya ay napayakap na lamang ako sa kaniya. Ramdam ko ang kaniyang pagkatakot at ang kaniyang pag iyak.

Nakatayo kaming dalawa sa harap ng karagatan. Sabay naming hihintayin ang pagbabalik ni Halwina.

"Hulyo? Paano kung----" Sambit sa akin ni Taliwa na bigla kong pinutol.

"Huwag kang mag isip ng ganyan." Sambit ko sa kaniya habang naka tingin sa mga mata niya.

Muli kaming nagyakapan.
Tumigil narin ang ulan ng nakarinig kami ng mga sigawan.

"May bangkay! May bangkay!"

"Nawawala si Halwina di kaya siya itong bangkay na ito?"

Bumilis ang tibok ng aking puso at ramdam kong ganoon rin ang nararamdam ni Taliwa.

Kumaripas kami ng takbo patungo sa mga taong nagsisigawan. Mula sa kalayuan ay makikita mo ang isang babaeng naka higa sa buhangin at mga sirang kahoy sa paligid nito.

Mas bumilis ang tibok ng aking puso. Kaya ay mas binilisan ko ang paglapit sa bangkay na naka hilatay.

Ng makarating kami ay napaluhod ako at tinignan ang bangkay.

Duguan ang kaniyang mukha na puro gasgas ng mga kahoy di kaya siya si halwina? Bangkay niya nga ba ito? Ikaw nga ba ito?

Napayuko ang aking ulo at humagulhol.

"Hindi to totoo! Hindi pa patay si Halwina!" Sigaw ko ng paiyak habang nagwawala sa harap ng bangkay na sa tingin namin ay si Halwina.

"Halwina? A-anak ko ikaw ba yan?" Sambit ni Taliwa ng umiiyak habang naka tingin sa bangkay at napayakap dito.

Halwina? Anak ko, pasensya na sapagkat inilihim ko sayo ang lahat. Kung ikaw nga itong bangkay na ito, patawad Halwina.

~

Please hit vote and leave a comment for me to know kung meron pang interesadong magbasa ng story ko pang motivate lang po, thanks!

Media: Pinunong Hulyo

Halwina: Prinsesa ng KaragatanWhere stories live. Discover now