Chapter 1

889 64 63
                                    

Chapter 1: Halwina

"Saan nga ba nanggaling ang aking pangalan?"

Halwina's Point of View

Ako si Halwina ang nag iisang anak ng pinuno sa isla Halwi.

Itim ang buhok at asul naman ang aking mata.

Alam kong kataka taka ang aking pangalan ngunit napakaswerte ko sapagkat kapangalan ko ang aming isla, ang isla Halwi.

Walong gulang pa lamang ako ng naitanong ko ang dahilan kung bakit  kapangalan ko ang aming isla.

Nagkaroon ako ng tiyansang makatanong sa aking ama habang kami ay nakaupo noon sa buhangin malapit sa baybayin. Nakatitig ang aming mga mata sa mala asul na tubig ng karagatan.

Ang sarap pakinggan ng hampas ng dagat. Ang tahimik at ramdam mo ang hampas ng hangin kasabay ng hampas ng tubig sa baybayin.

Habang si ama'y nakangiting nakatanaw sa malayong parte ng karagatan ay napatingin ako sa kaniya dahil mayroon akong gustong itanong sa kaniya na kanina pa gumagambala sa aking isipan.

"Ama? Nakakapagtaka lang po ngunit bakit kapangalan ko ang ating isla?" Sambit ko kay ama ng patanong.

Dahan dahan niyang inalis ang pagkakatitig sa magandang tanawin at kinuha niya ang aking mga kamay.

"Anak? Pinangalanan kitang Halwi sapagkat gaya ng aking pagmamahal sa ating isla ay ganoon rin ang aking pagmamahal sayo." Sambit niya habang hawak hawak ang aking kamay.

"Salamat sa pagsagot ng aking katanungan ama, nagtataka lamang talaga ako." Sagot ko sa kaniya. "Salamat rin po dahil gaya ng inyong pagmamahal sa isla ay ganoon niyo rin po ako kamahal. Ama, mahal na mahal rin kita." Dugtong kopa sa kaniya.

Hindi ko napigilang umiyak. Naramdaman ko na lang na dahan dahang tumutulo ang aking luha.

Tunay akong nagpapasalamat sa iyo ama dahil naging isa kang mabuting pinuno ng ating isla at isang mabuting ama sa kaniyang anak.

"Huwag kanang umiyak Halwi, ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng anak na tulad mo." Sambit niya saakin sabay yakap saakin ng mahigpit na akin namang ginantihan ng mas mahigpit pa na yakap.

Hindi po, ako po yung masuwerte sa inyo, masuwerte ako dahil may ama akong katulad niyo. Amang mapagmahal at mapag aruga.

"Anak, tara na? Punta na tayo sa ating bahay pagabi na kasi." Suyo saakin ni ama.

Mabilis kaming nagbitaw sa aming pagkayakap at sabay kaming tumayo. Gabi narin kasi kaya't mas mabuti ng umuwi na kami.

Maglalakad na sana kami ng biglang tumunog ang aking tiyan.

"Hala!? Gutom ka na yata Halwi." Sambit ni ama na may halong pagbibiro.

Tumango na lamang ako sapagkat tama si ama gutom na nga ako. Di ko lang napansin  kanina dahil sa aming pag eemote.

Habang kami ay naglalakad nakarinig ako ng isang tunog.

"Psit! Psit!~"

Napatigil ako sa paglakad at tumingin sa aking likuran. Sigurado ako sa aking narinig isa nga iyong sitsit.

"Sino ka?" Sambit ko sa kalawakan ng baybayin.

Wala namang tao dito ang naririto lamang ay isang bato at ang dagat.

"Bato? Imposibleng magsalita ka lalo na tong si dagat." Sambit ko sa aking sarili.

Natatawa tuloy ako sa aking naisip imposible kasing bato at dagat ang magsalita, hahayaan ko nalang siguro yong sumitsit nakakapagod kaya ang maghintay sa wala.

"Halwi! Ano pang hinihintay mo? Pumasok kana dito! Kanina kapa tinatawag ng iyong ina!" Sigaw saakin ni ama sa di kalayuan.

Kumaripas ako ng takbo at nagtungo sa aming bahay. Kubo lamang ito, gawa sa nipa at kahoy.

Lahat naman ng bahay dito ay pare pareho lamang, gawa rin sa nipa at kahoy. Kahit isang pinuno ang aking ama ay pantay pantay parin ang estado ng buhay dito sa isla Halwi.

Nandito na ako sa harap ng pintuan ng aming kubo. Nakakahingal rin palang tumakbo kahit malapit lang ang tinakbo ko.

"Halwi? Bakit kapa nakatayo ng mag isa doon at nakaharap pa sa dagat?" Tanong sa akin ni ina. Halata ang pagtataka sa mukha ni Ina.

Sasabihin ko ba ang aking narinig? Pero bakit may parte saakin na ayaw nalang sabihin ang nangyari? Bahala na nga lang!

"Wala po! Ang ganda kasi ng karagatan. Naantig lang po ako sa ganda nito!" Sagot ko ng nakangiti.

Ngumiti ako para di halatang nagsisinungaling. Kilala kasi ako ni ina pero di niya napapansin ang aking pagsisinungaling pag naka ngiti ako.

"Diba lagi mo namang nakikita ang dagat? Di kaba nagsasawa anak?" Takang tanong saakin ni ina.

Patay na! Buking na! Pano to? Anong gagawin ko?

"Hi-hindi po kasi talagang hindi po ako nagasasawang tumingin sa dagat, kahit ilang beses ko na itong nakita." Utal utal kong sagot sa kaniya.

"Ahhhh sige anak kumain kana naghanda na ako ng pagkain doon sa lamesa." Sambit niya saakin.

"Opo ina!" Sagot ko sa kaniya at nagmadaling tumungo sa lamesa upang kumain.

"Halwi? Pagkatapos mong kumain ay matulog kana!" Sambit saakin ni ina.

"Opo ina! Pagkatapos ko po dito!" Sagot ko sa kaniya.

Tandang tanda ko pa ang araw na iyon. Kung kailan nalaman ko ang dahilan kung bakit ganito ang aking pangalan. Nasagutan ko nga ang katanungan sa aking isipan ngunit kapalit nito ay bagong tanong na patuloy sa paggambala sa aking isipan.

Sino kaya yun? Sino kaya yung sumitsit saakin?

~

Please hit vote and leave a comment for me to know kung meron pang interesadong magbasa ng story ko pang motivate lang po, thanks!

Media: Prinsesa Halwina

Halwina: Prinsesa ng KaragatanWhere stories live. Discover now