Chapter 7

327 33 7
                                    

Chapter 7: She's Alive

"Buhay parin ako at di ko hahayaang masayang ang buhay ko ng hindi nalalaman ang totoo."

Halwina's Point of View

Ramdam ko ang sakit at kirot. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Sa aking pagmulat ay tumambad sa aking harapan ang sinag ng araw.

"Anong nangyari saakin?" Bulong ko sa aking sarili na may halong pagtataka.

Dahan dahan akong bumangon sa aking pagkakahiga. Nandirito ako ngayon sa isang isla at nakaupo sa buhangin.

Naramdaman ko ang kirot sa aking ulo. Hinawakan ko ang aking ulo ng bahagya at tinignan ko ang aking kamay. Tila'y may likidong kulay pula, dumurugo ang aking ulo kaya't muli akong napatumba sa takot.

"Prinsesa? Ok lang po kayo?~"

Nagulat ako ng makarinig ako ng isang boses ng lalaki sa aking likuran. Dahan dahan ko siyang liningon.

Kitang kita sa aking mga mata ang pagkagulat. Sino nanaman tong lalaking ito?

"Sino ka?" Sambit ko ng patanong habang nakakunot ang aking noo.

"Ako po yung munting isda." Tugon nito saakin.

Laking gulat ko ng marinig ko ang kaniyang sinabi. Siya ang munting isda? Imposible!

"Kung ikaw nga ang munting isda, Anong nangyari sa akin kung bakit dumurugo ang aking ulo?" Sambit ko sa kaniya ng patanong dahil ako'y nagdududa sa kaniyang mga pinagsasasabi.

"Natatandaan niyo po ba nung naglayas ka sa isla at ng nasa kalagitnaan tayo ng karagatan at wala ng makitang kahit katiting na kalupaan ng isla Halwi. Biglang bumagyo at tumaob ang inyong bangka at tumama ang kilid ng bangka sa inyong ulo kaya ngayon ay labis ang pagdurugo nito." Tugon nito saakin.

Kaya naman pala ganito nalang kung dumugo ang aking ulo. Siya nga talaga ang munting isda. Ngunit bakit anyong tao siya? Diba siya yung isda?

"Naniniwala na ako sayo. Ngunit paano ka naging tao? Di mo pa sinabing lalake ka." Sambit ko sa kaniya sabay tayo.

"Prinsesa ganito kasi ang nangyari." Sambit niya sa akin at dahan dahan itong lumapit sa akin kung saan ako ay nakaupo.

*Flashback*

Nung nawalan ka ng malay ay dali dali akong sumunod sa iyong katawan.

Hindi ko ito maaaring iwan sapagkat ako'y nabuhay upang ika'y pangalagaan.

Hanggang napadpad ka sa islang ito at nakita kong dumurugo ang iyong ulo kaya't ginawa ko ang lahat para makalapit sa inyo ng biglang umilaw ang aking katawan.

Tanging puting ilaw ang aking nakikita. Bumalot ito sa aking katawan at dahan dahan kong naramdaman ang pagbabago ng aking kaanyuan.

Biglang naglaho ang ilaw sa aking katawan at nakita ko ang malaking pagbabago. Ang noong munting isda ay isa na ngayong anyong tao.

*Flashback Ends*


Kaya pala, pero sino kaya ang may kakagawan ng kaniyang pagbabago ng kaanyuan?

"Ang iyong ina Halwina, tanging si Reyna Haliya ang kayang makagawa ng ganitong klaseng kapangyarihan." Tugon nito saakin.

Tama siya baka nga kagagawan ito ng reyna nila, ang aking ina.

Hindi ko nalang siya kinausap kasi ayaw ko ng magbigay ng komento sa kanyang sinabi tungkol kay ina. Tinulungan niya nalang akong makatayo sa aking pagkakaupo.

Ramdam ko parin ang kirot. Lumapit kami sa tubig ng dagat at dahan dahan akong lumuhod sa harap ng tubig.

Naghilamos ako ng tubig dagat sa aking mukha upang matanggal ang dugo sa aking ulo ng biglang umilaw ang sugat ko sa ulo.

Laking gulat ko ng muli kong hinawakan ang sugat na kanina ay walang tigil sa pagdurugo. Wala na ang sugat. Tila'y gumaling ito dahil sa tubig ng dagat.

"Prinsesa! Gumaling na ang inyong sugat. Tila'y unti unti ng lumalabas ang iyong tinatagong kapangyarihan." Sambit nito sa akin habang inilalayan akong tumayo sa aking pagkakaluhod.

Nawala ang kirot at hapdi at naramdaman kong unti unti ng bumabalik ang aking lakas kaya't dali dali akong tumayo at inilalayan ng lalakeng ito.

Tama nga siya. Lumalabas na nga ang aking kapangyarihan. Di ko na maikukubli ang katotohanang isa nga akong serena.

Sandali nga lang ano kayang pangalan ng lalakeng ito?

"Ano nga ba ang iyong pangalan?" Tanong ko sa lalake.

"Ako po si Ravena, prinsesa." Tugon nito sabay baba ng bahagya ang kaniyang ulo.

"Ravena? Napakaganda ng iyong pangalan." Sambit ko sa kaniya.

Oo nga no? Bakit ngayon ko lang naitanong ang pangalan niya?

Bahagya akong napangiti sa aking iniisip at nag umpisa ng magtungo sa gubat ng islang ito.

"Ano ang inyong gagawin prinsesa?" Tanong niya saakin ng nakakunot ang noo.

"Kukuha ako ng mga kahoy upang makagawa na tayo ng bangka." Sambit ko habang naglalakad papunta sa mga puno.

"Tutulong po ako prinsesa." Tugon nito saakin at kumaripas ng takbo papunta sa kakahuyan at nag umpisa ng magputol nito.

Iba rin tong lalaking ito mabait parin kahit siya'y tao na ngayon. Nag umpisa na kaming magputol ng kahoy at di kalaunan ay napag isipan ko ng itigil ang pagputol dahil di ko na kayang bitbitin pa ang mga kahoy ng narinig ko ang boses ni Ravena.

"Prinsesa! Prinsesa! Marami na tayong kahoy dito! Maaari na tayong makagawa ng bangka!" Sigaw nito dahil naroroon na pala siya sa baybayin.

Ang bilis niya. Kanina pa ako dito pero kaunti pa lamang ang aking nakuha ngunit siya? Kakaiba talaga itong si Ravena.

Kumaripas ako ng takbo papunta sa kinaroroonan niya upang ilagay ang mga kahoy at maka pag umpisa ng gumawa ng bangka.

"Ang bilis mo naman!" Sambit ko sa kaniya sabay bagsak ng mga kahoy sa kaniyang harapan.

Di siya sumagot sa aking sinabi. Sige na nga lang mag uumpisa nalang akong gawin to.

Dahan dahan akong lumuhod sa harap ng kahoy ng makita kong tumakbo papunta sa mga punuan si Ravena. Ano nanaman kaya ang gagawin niya doon?

Di nagtagal ay agad ko siyang nakitang tumakbo patungo sa aking kinaroroonan hawak hawak ang mga lubid.

"Saan mo nakita iyan?" Tanong ko sa kaniya na agad naman niyang sinagot.

"Nakita ko lang ito malapit sa mga sira sirang bahay doon." Tugon nito saakin at agad namang lumuhod upang makapagumpisa sa paggawa.

"Sira sirang bahay? Ano kayang nangyari dito noon? Ahhh basta! Sige na mag umpisa na tayo para makapagpatuloy na tayo sa paglalakabay!" Sambit ko sa kaniya.

Kailangan ko ng magmadali sapagkat kailangan kong puntahan ang lugar kung saan naroroon ang aking ina, ang tunay kong ina.

Alam ko malapit na malapit ko ng makita siya, Halwina unting tiis nalang.

~

Please hit vote and feel free to leave a comment para malaman ko kung may nagbabasa pa ng story ko pang motivate lang po salamat.

Media: Banka

Halwina: Prinsesa ng KaragatanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora