Chapter 2

540 52 41
                                    

Chapter 2: Isle Halwi

"Anong klaseng buhay ang maari kong maibigay sa kanila?"


Halwina's Point Of View

Nandirito ako ngayon sa labas ng aming munting kubo at naglalakad upang tignan ang aking paligid.

Habang ako'y naglalakad tanaw ko ang abot langit na mga ngiti ng mga tao dito.

Tanaw ko ang mga batang naglalalaro sa kada sulok ng aming isla, mga mangigisdang tuwang tuwa na tiyak ay maraming huling isda at ang mga taong nakangiti kahit alam kong sila'y nahihirapan na.

Hindi ko maipagkakait na minsan na kaming dumanas ng kahirapan.

Walang isda, walang pagkain, walang tubig. Pero ang lahat ng iyon ay aming nalampasan

Napatigil ako sa aking paglalakad ng biglang may humawak ng aking kanang balikat.

"Halwi? Tignan mo ang iyong paligid. Balang araw ikaw na ang mamumuno sa ating isla." Sambit sa akin ni ama ng mahinahon habang ako'y nakatalikod sa kaniya.

Dahan dahan akong lumingon kay ama.

"P-pero pa-pano kung magdusa lamang sila sa aking mga kamay ama?" Bulong ko sa kaniya na may halong pangamba. "A-ayoko pong mangyari iyon ama." Dugtong ko pa sa kaniya.

Natatakot ako na baka isang araw ang aking mga kamay ang magpapahirap sa nga taga rito sa isla. Ayokong mangyari iyon.

"Anak! Huwag kang mag alala dahil nakakatiyak akong kaya mong maging isang mabuting pinuno ng ating isla." Sagot nito saakin sabay hawak sa aking mga kamay.

"Ngunit ama?---" Sambit ko ng biglang putol ni ama.

"Ngunit? Ikaw nalang ang maaaring sumunod sa aking mga yapak." Sambit nito saakin.

"Meron pa po---" Sagot ko ng biglang pinutol niya ang aking sasabihin.

"Si Deyua? Siya ba ang gusto mong humawak ng ating isla? Sambit nito saakin.

Dahan dahan kong iniyuko ang aking ulo. Tama nga si ama, imposibleng si Deyua ang sumunod sa kaniyang mga yapak.

Masyado siyang maka sarili at nakakasigurado akong kung magdurusa man ang mga tao sa aking kamay ay mas malala pa ang aabutin ng mga tao sa kamay niya.

"Anak? Ikaw nalang ang pag asa ng ating Isla." Bulong saakin ni ama.

"Opo ama. Ipinapangako ko po sa inyo, magiging isang mabuting pinuno ako balang araw." Sambit ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

"Kung gayon. Bukas na bukas ay tuturuan na kita kung paano maging isang pinuno." Sambit nito saakin ng naka ngiti.

Tumango na lamang ako at tinignan ang mga tao sa aking kapaligiran.

Sana nga balang araw mabigyan ko ng maayos na buhay ang aking masasakupan. Ayokong magdusa sila sa aking kamay.

Napatingin ako sa karagatan at pumikit.

Pinakinggan ko ang tunog ng paghampas ng dagat sa lupa.

Sana nga balang araw, sana...

"Anak? Magtutungo lamang ako sa silid ng mga nakakataas. Umuwi kana at magpahinga." Sambit saakin ni ama at hinalikan ang aking noo.

Minulat ko ang aking mga mata at tinignan si ama habang naglalakad patungo ng silid ng mga nakakataas.

Bumalik ang aking mga mata sa karagatan at muling ipinikit ang aking mga mata.

"Psit! Psit!~"

Magpapahinga lamang ako ng biglang nakarinig ako ng isang tunog.

Pshhhh! Not again this time. Bakit simula noong gabing nakarinig ako ng may sumisit sit saakin ay patuloy ko ng naririnig ang mga ito.

Iminulat kong muli ang aking mga mata.

"Sino ka?" Sigaw ko sa kalawakan ng baybayin.

Tinignan ko ang aking paligid wala na palang tao dito. Napasarap ang aking pagpapahinga dito sa harap ng dagat.

Muli kong ibinaling ang aking mga mata sa karagatan at nakita ko ang isang isda na mala asul ang kulay nito.

"Ikaw? Ikaw ang nagsali---" Sambit ko ng biglang pinutol ang aking sasabihin.

"Oo! Ako nga prinsesa Halwina!" Tugon ng munting isda saakin.

Sa aking pagkagulat ay napasigaw ako.

"Waaaaaaah! Tulooooong!" Sigaw ko habang patalon talon sa aking kinatatayuan.

"Prinsesa! Prinsesa! Huwag kayong matakot saakin!" Sambit nito saakin.

"Waaaaaahhh! May nagsasalitang isda! Tuloooong!" Sigaw ko at nagpatuloy sa pagtatalon.

Isda ba naman magsasalita? Nakakatakot! Ngayon lang ako nakakita ng ganito! Imposible!
Baka panaginip lang ito?

Dahan dahan akong pumikit at lumuhod sa harap ng isda. At minulat ko ang aking mga mata at tinignan ko kung naroon pa ang isda.

Nagulat ako ng nakita kong muli ang isda. Aktong sisigaw na ako ng bigla itong nagsalitang muli.

"Prinsesa Halwina, di po kayo nanaginip sapagkat totoo ako." Sambit nito saakin.

"P-prinsesa? S-sino ako?" Tugon ko sa kaniya na may halong takot at gulat.

"Oo! Ikaw nga! Isa kang prinsesa Halwina!" Tugon ng munting isda saakin.

"Di kita maintindihan? Paano?" Tanong ko sa kaniya.

Di nga ako nanaginip totoo nga talaga siya. Totoo ngang nagsasalita ang asul na isdang ito. Pero di ko siya maintindihan.

Ako? Isang prinsesa? Paano?

~

Please hit vote and leave a comment para malaman ko kung may nagbabasa pa ng story ko pang motivate lang po!

Media: Isle Halwi

Halwina: Prinsesa ng KaragatanWhere stories live. Discover now