Chapter 8

268 30 17
                                    

Chapter 8: I can breathe

"Nakakahinga ako? Sa ilalim ng dagat?"


Halwina's Point of View

Sa wakas! Natapos na namin tong ginagawa namin. Natapos na naming gawin ang bangka.

"Sa wakaaas! Natapos na rin tayo dito Ravena!" Sigaw ko sa kalawakan ng isla habang tumatayo sa aking kinauupuan.

"Medyo natagalan rin tayo doon haa?" Tugon nito sabay tayo sa kaniyang pagkakaupo.

"Ibig ba nitong sabihin ay kailangan na nating magpatuloy sa paglakbay?" Tanong ko sa kaniya habang nakangiti sa kanya.

"Tara?" Sambit nito at dali daling naglakad papunta ng bangka.
Sambit niya saakin at kasabay nito ang paglahad ng kaniyang kamay saakin simbolo ng respeto at paggalang saakin.

Hindi ko kinuha ang kaniyang kamay upang magpatulong sumakay sa bangka. Kaya ko kayang sumakay mag isa.

Sandali lang? Bakit ganito ako? Dati rati ay di naman ganito ako kung umakto at kumilos sa kaniya haa. Siguro dahil naninibago lang ako sa kanyang ka anyuan.

Bahagyang ngumiti sa akin si Ravena at di ko alam ang dahilan ng kaniyang pag ngiti.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan?" Sambit ko sa kaniya at hinayaan ang kaniyang kamay na lutaw.

Dumeretso ako sa bangka na hindi nagpapatulong sa kaniya. Alam ko prinsesa ako pero di ibig sabihin nito na sa lahat ng oras ay ganito ang lagi niyang ikinikilos.

Umupo ako sa unahang bahagi ng bangka at sya naman ay nasa kaliwang kilid ng bangka habang kinukuha ang kahoy na gagamitin niyang pag sagwan.

Nag umpisa na si Ravena sa pagsagwan. Kakaiba ang kaniyang lakas sa bilis ng kaniyang pagsagwan. Tila ay kitang kita mo sa kaniyang pagkilos kung gaano siya kalakas.

Uhh! Ano ba tong naiisip ko! Bakit si Ravena ang iniisip ko! Uhhh! Ibinaling ko nalang ang aking paningin sa mala asul na tubig ng dagat. Bigla kong na alala kung kamusta na ang kalagayan ni Ama at Ina.

"Ama? Ina? Patawad ngunit pangako babalik ako sa tamang panahon." Bulong ko sa aking sarili habang pinaglalaruan ang tubig.

"Prinsesa? Handa ka na bang makita ang iyong kaharian?" Sambit nito saakin ng patanong.

Dahan dahan akong lumingon sa kaniya upang sagutin ang kaniyang tanong.

"Hindi pa, pero kailangan ko talagang makilala si ina at masilayan ng aking mga mata ang kalagayan ng kaharian." Tugon ko sa kaniya.

Gusto ko ng makilala si ina at lalo na ang kalagayan ng kaharian.

"May pinagmahan ka nga sa iyong ina, si Reyna Haliya. Pareho kayong may pagmamahal sa kaharian ng Mermania." Sambit niya saakin habang nagpapatuloy sa pag sagwan.

Nandito ako upang kilalanin si Ina at masilayan ang kaharian. Una sa lahat wala pa kasi akong narinig at nakitang ganito. Kaharian? Para naman kasing di kapanipaniwala diba?

Ibinalik ko ulit ang aking tingin sa tubig at pinaglaruan muli ito gamit ang aking mga kamay.

"Malapit na ba tayo Ravena?" Sambit ko habang pinaglalaruan ang tubig.

"Nandito napo tayo Prinsesa." Tugon nito na akin namang ikinagulat.

Bigla akong tumayo at tinignan ang kalawakan ng karagatan. Nandito na kami? Talaga? Seryoso? Masisilayan ko na ba si Ina?

"Asan?" Tanong ko habang sumisilip sa ilalim ng dagat.

"Nandiyaan, Handa ka na ba?" Tugon niya saakin habang linalagay ang pangsagwan sa kilid niya.

Mabilis ko siyang sinagot.

Laking gulat ko ng bigla niyang hubarin yung ano niya yung shirt niya.

"A-anong g-gawin mo?" Sambit ko sa kaniya ng patanong habang nakakunot ang aking noong ng tumutitig sa kaniya.

Baka kung anong gawin niya saakin. Eh bakit kasi siya naghuhubad? Ano sisigaw na pa ako ng rape?

"Anong ginagawa ko? Maghuhubad pa---" Tugon niya saakin ng bigla ko itong pinutol.

"Maghuhubad? Para saan!" Sambit ko sa kaniya habang nakakunot parin ang aking noo.

"Para sumisid sa karagatan ng makita na natin ang kaharian at iyong minamahal na ina." Tugon niya habang nakangiti ng parang baliw.

Muli kong ibinalik ang aking tingin sa ilalim ng dagat. Ano ka ba naman Halwina! Ano bang iniisip mo! Malamang sisisid sa dagat para makapunta sa kaharian. Pero paano? Eh ang lalim kaya ng dagat paano kung maubusan ako ng hininga?

"R-ravena?" Sambit ko sabay lingon sa kaniya ngunit bigla siyang nawala.

"Ravena! Bakit ka sumisid ng di sumasabay sa akin! Huwag kang mang iwan!" Sigaw ko sa katubigan na galit na galit.

Paano na ba to? Sisisid na nga ba ako? Ah bahala na! Kailangan ko na tong gawin para kay ina.

"Ravena? Hintayin moko!" Sigaw ko at sabay talon sa dagat.

Tumalon ako ng malakas sabay hawak sa aking tuhod at pumikit. Kaya mo to Halwina!

Pagkatalon ko ay naramdaman ko ang tubig ng dagat na bumasa sa aking katawan. Dali dali kong minulat ang aking mga mata.

Nakita ko si Ravenang naghihintay sa ilalim ng dagat kaya't dali dali akong lumangoy patungo sa kaniyang kinaroroonan.

Ng makarating ako sa kinaroroonan niya ay sumalubong saakin ang kaniyang ngiti at nakatingin sa akin na parang bilib na bilib.

"Ano?--" Sambit ko ng bigla kong tinigil sa aking pagkagulat.

"Nalakapagsalita ako sa ilalim ng tubig?" Bulong ko sa aking sarili habang nakakunot ang aking noo at kasabay nito ang paghinga ko ng malalim.

Kitang kita sa aking mukha ang pagtataka kung bakit nakakapagsalita ako sa ilalim ng tubig.

"Prinsesa, Ikaw ay nakakahinga rin." Sambit niya saakin sabay ngiti ng parang baliw.

Nakakahinga?! Hindi ko napansin yun. Dahil sa di kapanipaniwala ay sinubukan kong huminga ulit.

Nakakahinga nga ako sa ilalim ng dagat. Napangiti ako ng bahagya simbolo ng pagkatuwa sa aking nalaman.

"Prinsesa sumunod ka!" Sambit niya sabay langoy pababa.

Tila'y madilim dito halos wala ka ng makita kaya't dali dali akong humawak sa kamay ni Ravena upang siya na lang ang magdala saakin sa aming patutunguhan ang Kaharian ng Mermania.

Malapit nako ina, malapit na kitang makilala ng tuluyan. Mermania? Nandirito na ako.

~

Please hit vote and feel free to leave a comment pang motivate lang po. Sana maintindihan niyo.

Halwina: Prinsesa ng KaragatanWhere stories live. Discover now