Chapter Sixteen

2.3K 74 2
                                    


Ano nga ba ang totoong definition ng love? Paano mo malalaman kung love na iyon? Paano mo malalaman kung mahal mo na talaga ang isang tao? Hanggang kailan mo mahal ang isang tao? 

Kasi para sa akin, sa tingin ko kapag nagmahal talaga ako ng isang tao, walang hangganan na iyong pagmamahal na maibibigay at maipaparamdam ko sa kanya. Wala ring limit 'yong kaya kong ibigay na pagmamahal sa kanya. Kasi kapag ako nagmahal, ibibigay ko na lahat kahit na maubos ako.

After my break up with Nicholov, I did nothing but focus on my career here in New York. Wala akong ibang tao na binigyan ng pansin o kahit payagan man lang na manligaw. Kasi kahit naman hindi ko sabihin, alam ko sa sarili ko na 'yong puso ko nasa iisang tao pa rin na naiwan sa Pilipinas. Na kahit na nasaktan niya ako ng sobra ay hindi pa rin nawawala 'yong pagmamahal ko para sa kanya. 

I was just a high school transferee student when I met a man named Nicholov Gin Gallen. He was a playboy, a duchebag, an asshole- lahat na ay pwedeng itawag sa kanya. He stole my first kiss when he told me na mag-aaral lang kami sa kwarto niya. Scammer. 

He said he didn't kiss the same lips twice, but I can't remember how many times he kissed me already. He kissed me inside a comfort room sa school namin and mind you, it's a kiss with a tongue. A french kiss. 

I was irritated, ayoko sa kanya. But then I realized that I am starting to like him when he distanced himself with me. Nasaktan ako noong pinagsalitaan niya ako ng masasakit na salita when I confessed my feelings to him the night of his birthday party.

Ilang beses na ba akong nasaktan nang dahil kay Nicholov? Isa? Dalawa? Tatlo? O ilang beses pa ba? Alam kong kahit sa future, kung maging kami man ulit, alam kong magkakasakitan pa rin kami. Hindi man namin intesyon pero hindi naman iyon maiiwasan sa isang relasyon, hindi ba? 

The day he broke up with me, I thought of nothing but to still give him a second chance if ever na magbago man ang isip niya. Kahit noong bago ako umalis ng Pilipinas patungo rito sa New York ay siya pa rin ang nasa isip ko, siya pa rin ang iniisip ko.

I worked hard for him. To prove him that I am better than Addison, the woman he chose over me before- noong mga panahon na hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako? Bakit hindi ako 'yong pinili? 

Magulo ang industriyang pinasukan niya and that time- mahirap maging non-showbiz girlfriend. He had to hide our relationship pero para na rin kaming walang relasyon no'n dahil puro si Addison naman na no'ng panahon na 'yon. I can't even remember a time where he was actually my boyfriend. Meron ba? Parang wala.

Pero naiintindihan ko ang desisyon ng management niya nang i-suggest nila na makipag-relasyon siya kay Addison for publicity. Pero ex-girlfriend niya iyon eh, hindi ko naman masasabi kung for publicity lang talaga lahat ng 'yon or talagang may feelings involved because she was the woman he loved before. Minsan na rin silang nagmahalan, naging masaya. 

"Parang ang lalim ng iniisip mo." Nicholov brushed my hair with his fingers. Nakahiga ako sa lap niya habang nakapikit. Nandito kami ngayon sa condo ko. Ilang araw na naman siyang nanatili rito sa New York at ang siraulo ay dito pa talaga sa condo ko natutulog. Ang dahilan niya palagi ay kaysa naman sa araw-araw siya laging nakikita ng mga tao na nagpupunta rito edi araw-araw din daw na kami ang headline ng news. Ang dami talagang rason ng lalaking 'to. 

"I'm thinking of our future," idinilat ko ang mga mata ko. Our eyes met at medyo nagulat pa siya sa sinabi ko.

"Our future?" he asked like a little kid. 

Tumango naman ako. "Because I know that I'm still willing to give my heart to you once again. Alam kong kahit alam kong may posibilidad na masaktan ako, alam kong ibibigay ko pa rin 'yong puso ko sayo, alam kong bibigyan pa rin kita ng chance. Lolokohin ko pa ba 'yong sarili ko?" 

Untamed Series #1: Nicholov Gallenजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें