Chapter Seven

2.4K 77 0
                                    


"Thank you for coming." pormal na sabi ni Hugh sa mga bisitang dumating. Nagulat pa nga raw siya dahil dumating ang parents niya together with their close family friends.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Nicholov. Addison called at sinabi kung pwede siyang sunduin si Nicholov doon sa hospital. She doesn't want to miss Hugh's party too dahil kaibigan din naman daw niya si Hugh. Wala pang isang oras na kasama ko si Nicholov, kinukuha na ulit niya.

"Mamaya pa makakarating 'yong hinahanap mo." sabi ni Hugh na may hawak-hawak na baso ng wine. "Wala naman akong hinahanap eh." pagsisinungaling ko.

"Sa akin may batas, bawal mag-deny oh bawal mag-deny." pagkanta niya atsaka tumawa pa bago naglakad palayo. I want to chase him at hampasin ng mahina but that I don't want to humiliate myself. Maraming tao rito so I shouldn't act childish right now because of Hugh.

Maya-maya pa ay dumating na si Addison at Nicholov. Addison's wearing an off-shoulder yellow dress. Si Nicholov naman ay nakasunod lang sa likuran niya.

"Masakit?" biglang tanong ni Gene na nasa tabi ko na pala. She's holding a glass of wine while watching Nicholov and Addison talk with Hugh's parents. "I don't know. A little." sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin na pinapanood si Nicholov at si Addison.

Tahimik lang ako habang sila Vince ay nag-uusap tungkol sa bagay na hindi ko naman maintindihan.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ako makatingin kay Nicholov. May kung ano pa rin kasing tumutusok sa puso ko. Bakit ba ganito nararamdaman ko?

"Masakit pa rin?" tanong ni Gene ngunit mahina lang. "May masakit sayo?" biglang tanong ni Kole. Narinig pa rin niya 'yon? Ngumisi naman si Vince nang itanong ni Kole iyon. Umiling naman agad ako bilang sagot. "Wala. Walang masakit sa akin." sagot at pinilit na ngumiti.

Nang pumunta si Addison sa table namin ay natigil sa pag-uusap si Flynn at Kenji. Addison smiled at Nicholov's friends. Si Nicholov naman ay naupo sa tabi ko. He held my hand and kissed it.

"I'm sorry," he whispered.

"Ayos lang. Naiintindihan ko." pilit akong ngumiti sa kanya. He looked at me and kissed the back of my hands again and again. Alam kong nakatingin sa amin si Addison ngayon but I don't care. I want her to know that Nicholov's with her the whole day pero sa akin pa rin siya uuwi.

"Babawi ako sayo. I promise." sabi ni Nicholov kaya naman ngumiti ako at tumango. "Aasahan ko 'yan."

"Gallen! Halika muna rito!" pagtawag ni Hugh sa kanya kaya nagpaalam muna siya sa akin bago lumapit kay Hugh.

"Gusto mo ba si Nicholov?" nakangiting tanong ni mama. Alam ko ang ngiti na 'yon. Umirap naman ako sa kanya. "Mama, hindi po. Magkaibigan pa lang naman kami ni Nicholov." sabi ko sa kanya kaya naman natawa siya.

"I know that look, Shiloh. Your father and I thought you were not interested in boys, so we thought lesbian ka. Pero nang makita namin kung gaano ka ka-close kay Nicholov, your laughs, your smiles when you're with him... Shiloh, ganyan din ako sa papa mo noon." she smiled at huminga ng malalim.

"It's okay to like someone. But don't forget too na kasama sa pagmamahal ang sakit. Hindi mawawala 'yon. Darating at darating ang araw na magkakasakitan kayong dalawa but always choose to understand and forgive, okay?" I nodded at her bago siya bumalik para makihalubilo.

"Ayos ka lang?" tanong ni Nicholov. Tumango naman ako. "You look gorgeous. Hindi mo naman sinabi na kailangan ay matchy matchy ulit tayo ng damit." halakhak niya. I looked at him and he's wearing pastel blue polo shirt and white shorts.

"Those are their close family friends. Ma-impluwensiya ang mga pamilyang 'yan." sabi ni Nicholov nang mapansin na nakatingin ako sa mga bisita. Iba talaga kapag anak ka ng mayaman at kilalang tao, sa bawat birthday mo as a teenager ay naroon na ang mga business partners ng parents mo at kung sino-sino pang mga ka-sosyo nila. Compared sa mga katulad ko na average lang ay kakaunti lang ang bisita kapag birthday ko.

Untamed Series #1: Nicholov GallenWhere stories live. Discover now