Chapter Eight

2.3K 70 0
                                    


"Goodmorning,"

Nagulat ako nang makita si Nicholov sa labas ng dormitory namin. May dala-dala siyang paperbags. He's smiling as he walks towards me. "I bought you breakfast. I'm sure hindi ka pa kumakain."

Kahit gusto ko pang magalit kay Nicholov, hindi maiwasan manlambot ng puso ko. Bakit ba ang hina ko pagdating kay kay Nicholov? Bakit.. bakit ang bilis kong bumigay sa kanya?

Tinanggap ko naman 'yong pagkain na dala niya at nagpasalamat. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. I felt something in my stomach. Ito na ba 'yong sinasabi nilang butterflies?

"I'm sorry. I know I've said sorry too many times already but this time, babawi na talaga ako sayo, Shiloh."

Palihim akong ngumiti. Nang kumalas siya ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinignan ako ng diretso sa mata. "Date tayo mamaya? First official date?" he smiled kaya tumango na ako at ngumiti.

Sabay na kaming dalawa ni Nicholov na pumasok sa school. Pinagtitinginan pa nga kami dahil tignan mo naman itong katabi ko, Adonis sa sobrang ka-gwapuhan. Kulang na lang ay lumuhod silang lahat sa harapan ni Nicholov at sambahin siya.

"Shiloh!"

I smiled at Vina who approached me. Ang daming estudyante rito at wala akong kilala bukod kay Nicholov, Vina and well, Addison pero nasa kabilang building sila dahil magkaiba naman kami ng course na kinuha.

"Oh Vina, hindi ka umuwi sa dorm kagabi?"

"Sorry. May inasikaso lang ako sa bahay. Pero nakatulog ka naman ng mahimbing kahit wala ako diba?" Natawa ako sa sinabi niya. Si Vina lang ang kasama ko the whole day. Noong breaktime namin ay kasabay namin si Nicholov. Maraming kinwento si Vina sa kanya at mukha namang okay si Nicholov doon.

Sabi pa nga niya ay kung kaibigan ko ang mga kaibigan niya, dapat matuto rin siyang kaibiganin ang mga kaibigan ko. Nakakatuwa dahil parang sinusubukan talaga niyang bumawi sa akin.

"Vina, pahiram naman ako flashdrive mo. Nakalimutan ko flashdrive ko eh." sabi ko kay Vina na ngayon ay tutok na tutok sa wallpaper ng cellphone niya. Tapos na kasi ang klase namin ngayon pero nandito ako sa library para tapusin 'yong presentation ko for tomorrow at hinintay naman ako ni Vina hanggang sa matapos ko ito.

"Crush na crush mo talaga si Vince ano?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang mga gamit ko. Tumingin naman siya sa akin atsaka sumimangot. "But I can't have him. Even if I wanted to." sabi naman niya atsaka tumayo na.

Nalaman kong si Vince ang tinutukoy niyang nakita niyang gwapo na naging crush niya. Gusto ko sanang sabihin na mayroon nang gustong iba si Vince but I don't want to see her get sad. Nakikita ko pa man din na sobrang gusto talaga niya si Vince.

Pumunta na kami sa elevator para makaalis na. Nang magbukas ang elevator ay sakto naman na nandoon si Vince kaya naman gulat na gulat itong si Vina.

"Uy Shiloh? Uwi ka na? Hintayin mo ako. Sabay ka na sa akin." sabi ni Vince nang makita niya ako.

"Ha? Ah, hindi na. Malapit lang naman 'yong dorm dito. Kaya na namin lakarin." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. "Okay. Oh wait, I forgot something. Balikan ko lang." sabi niya bago umalis.

Tumingin naman ako kay Vina na nakatunganga pa rin. "What is he doing here? He's not studying here right?" nagtataka niyang tanong.

"I don't know. Baka pinuntahan niya si Nicholov." kibit-balikat ko. Kinuha ko naman ang cellphone ko nang bigla itong tumunog.

"Nicholov!"

[Tapos na classes mo?] tanong niya.

"Oo. Ikaw ba?"

Untamed Series #1: Nicholov GallenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora