Chapter Eleven

2.3K 75 0
                                    


Ang init. Sobrang init. But then, I missed this weather. I missed the Philippines. It's been what? Five years? 

Kinuha ko sa hand bag ko ang cellphone ko nang tumunog ito. Si Vince ang tumatawag. "Hi! Na-traffic ka ba? Kanina pa kasi ako naghihintay dito. Ang init." tanong ko sa kanya. 

[Yeah. I'm stuck in traffic pero malapit na rin naman ako. Kaunting tiis na lang.] he answered. 

"Okay. And oh, daan tayo mamaya sa jollibee. I'm hungry." 

[Jollibee? You're rich. Ayaw mo ba sa mga restaurants na mamahalin?] tawa niya.

"Nah. Nakakasawa. Gusto ko na lang sa jollibee." I snorted.

Nang makarating na si Vince matapos ang ilang minuto ay agad siyang bumaba ng sasakyan niya at tinulungan akong ilagay sa sasakyan ang mga gamit ko. Hindi naman marami iyon dahil hindi naman ako tutuloy dito for good. I still have to go back. 

"Thanks," I smiled at him nang iabot na niya sa akin ang mga tinake out niya sa jollibee. Kaya pala natagalan ang mokong at talagang nagpunta na siya sa jollibee. "Do you really care about me that much, brother in law?" pang-aasar ko sa kanya.

Sinimangutan naman niya ako. "I'm just saving time, Shiloh. Kailangan ko pang pumunta sa trabaho ko mamaya. Hindi nga ako nakapasok kahapon at pinagbantay ako ni Apollo at ni Dianne ng anak nila dahil walang magbabantay." 

"Wow. Babysitter na lang pala sana ang kinuha mo." tawa ko. "Ewan ko ba kasi sa mag-asawang 'yon. Sabi ko kuha na lang sila magbabantay sa anak nila tuwing wala sila pero sabi nila gusto raw nila sila magbantay at mag-alaga sa anak nila tapos ako pagbabantayin?" natatawa lang ako sa kanya the whole ride. Para kasi siyang batang nagra-rant sa akin. 

Nanganak na kasi si ate three years ago. Ang cute nga ng anak nila kasi kamukha ni Apollo. Lalaki ang anak nila at turning two years old na siya next month. 

"How's baby Silvester?" tanong ko sa kanya. Silverster's the name of Apollo and Ate Dianne's son. Hindi ko lang alam kung bakit Silvester ang pinangalan nila sa anak nila but it's a good name for their cute baby boy. 

Dumiretso muna ako sa condong pinaayos ko last month when I was preparing sa pag-uwi ko rito. It was also Vince who did all the preparations sa condo and he did a good job. Alam kong busy siya dahil med ang kinukuha niya but he still volunteered to do it for me. 

"How are things between you and Chelsea?" nakangiti kong tanong habang nilalapag niya ang mga gamit ko sa loob ng condo unit ko. 

"Secret. Chismosa mo, Shiloh." ngisi niya kaya napairap ako. Hindi ko naman matanong si Chelsea dahil alam kong busy din iyong isang 'yon. Ikaw ba naman ang kumuha ng med at mag cardiothoracic surgeon ka, hindi ka ba mahihirapan? 

I thanked Vince at nagmadali na siyang umalis dahil pinapatawag na siya sa hospital nila. Mukhang kanina pa siya late sa trabaho niya. Sabi ko naman kasi sa kanya ay magco-commute na lang ako pero nagpumilit pa na susunduin niya raw ako. 

I sighed at nagsimula nang ayusin ang mga gamit ko kahit pagod. Mamaya na lang ako matutulog at katatapos ko lang kumain. Binilinan pa ako ng manager ko na huwag kakain nang kung anu-ano at kailangan kong panatilihin ang weight ko at ang hubog ng katawan ko. Malalagot kasi ako kapag nag gain ako ng weight. 

That means I have to go to the gym later after kong mag-ayos ng gamit. Hindi ko pwedeng kaligtaan ang paggy-gym. 

Nang matapos mag-ayos ay nagbihis na ako para sa pagpunta ko sa gym. Mayroon namang gym sa baba ng condong ito. I specifically chose this dahil bukod sa maganda rito ay may gym na rin sa baba. Hindi na hassle kapag pupunta ako. 

Untamed Series #1: Nicholov GallenWhere stories live. Discover now