Epilogue

9.6K 145 4
                                    


"Sumisikat ka na ah!" pang-aasar ng mga kaibigan ko sa akin. We're celebrating the success of my first project as an actor, and that's all thanks to Selene, who helped me do better since it is my first time. I don't want to drag her down. She's very famous, and she has a big fandom.

"Hindi ka ba natatakot? Kakaumpisa mo lang pero parang ang bilis ng pagsikat mo. Na-recognize ka kaagad ng mga tao. Hindi pa nailalabas 'yang series niyong 'yan ah." tanong ni Hugh. Tumango-tango naman iyong iba.

Iyong agency na kumuha sa akin ay talagang sinadya iyon. Agad akong pinares sa isang sikat na actress at sayang naman daw kasi ang itsura ko kung hindi ako mare-recognize agad at hindi ko naman inaasahan na magiging maingay na agad ang pangalan ko sa unang project ko pa lang. And if you are asking me if I am scared? Hell yeah. I have a girlfriend outside the showbiz world. I know they're going to expect me to be in a relationship with famous actresses and I am scared that they might say bad things about my girlfriend- Shiloh.

I did talk shows, and late-night shows with Selene for the next few days before the airing of our series. I tried my best not to yell at Selene whenever she touched me because I knew she was only doing this for publicity. We need to form a good relationship for the sake of our careers. And I owe her big time dahil siya ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon.

I'll do anything for the sake of my dream...

"Nicholov, pare!"

I sighed as I heard Hugh called my name. Sa totoo lang siya ang pinaka-ayaw kong makita ngayon. I am busy in my new project and here's Hugh, disturbing me. "What do you need? Wala kang klase? O baka bumagsak ka na sa law school mo, Reece." sabi ko sa kanya nang hindi pa rin tinatanggal ang tingin ko sa mga script na hawak ko.

"Ay ang sakit mo magsalita ah. Nandito lang ako para bisitahin ka at ang puso mong wasak na limang taon na ang lumipas." sabi niya na halatang nang-aasar lang.

"If you have nothing better to do in your life, sila Vince na lang ang istorbohin mo at 'wag ako. Busy ako." sabi ko sa kanya kahit na hinayaan ko lang naman siya na umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"Pinapunta nga ako ni boss Vince rito." sabi niya atsaka tinignan rin ang mga papel na naka-kalat sa lamesa ko.

"Bakit daw?" tanong ko naman atsaka hinilot ang sentido ko dahil nagsisimula na naman sumakit ang ulo ko. Ilang araw na kasi akong walang tulog dahil ang dami kong inaasikaso. Idagdag mo pa ang napakakulit na si Addison na daig pa ang babaeng buntis sa sobrang daming gusto.

"Secret" sabi niya na mas ikinasakit ng ulo ko.

"Just get of here, Hugh. Wala pa akong tulog." sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya. "Just kidding. May party daw silang inaayos at uuwi ng Pilipinas ang pinakamamahal mong ex-girlfriend na si Shiloh Esperanza." sabi niya.

Uuwi na Shiloh?

"Hey, Nicholov. Oh, hi Hugh. You're here pala." Addison greeted me when she came into my condo.

"Uy Addison. Ganda natin ah. Saan ka pupunta?" sabi naman ni Hugh sa kanya.

"May pupuntahan akong get together and I told Nicholov na ihatid ako dahil pinapaayos ko iyong sasakyan ko pero mukhang nakalimutan niya kaya pumunta na ako rito." sabi ni Addison.

Agad ko naman inayos ang mga papel atsaka tumayo at nag inat-inat. Pakiramdam ko ay sobrang pagod na pagod ako. "Where to?" tanong ko kay Addison atsaka kinuha ang susi ng sasakyan ko.

I turned to Hugh who's smirking at me. Siraulo talaga 'to. "Tell them I'm going." sabi ko sa kanya bago kami lumabas ni Addison ng condo ko.

"Going where?" tanong ni Addison nang makasakay kami sa elevator. "They're throwing a party for our engagement pero para sa aming boys lang." I lied atsaka nilagay ang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko habang hinihintay namin na makarating sa first floor ang elevator.

Untamed Series #1: Nicholov GallenWhere stories live. Discover now