Chapter Six

2.4K 77 0
                                    


I woke up earlier the next day. Balak ko kasi maligo sa dagat. Susulitin ko na ang natitirang araw ng bakasyon bago mag-start ang classes ko sa college. 

"Goodmorning," Nicholov wrapped his arms around my waist and kissed my forehead.

 "I'm making my coffee here, Mr. Gallen." sabi ko sa kanya pero hindi pa rin niya inalis ang kamay niya kaya hinayaan ko na lang siya. 

"Gawan mo rin ako ng kape ko." sabi niya kaya tumango ako at ginawan din siya ng coffee niya. 

We stayed at the living room watching a movie. Nagulat nga ako dahil nagpakabit sila ng wifi rito kahit wala naman daw madalas tumuloy dito dahil busy ang pamilya niya. Silang lang daw magkakaibigan ang madalas pumunta rito noon kapag gusto nilang mag-chill lang. 

"Hey, Hugh called last night. Pupunta sila rito to celebrate his birthday. Ang siraulong 'yon, dito pa gustong mag-celebrate." sabi ni Nicholov.

"Really?" My eyes widened. "That's great! At least makakasama pa rin tayo sa birthday celebration niya!

Kumunot naman ang noo niya. "Do you like Hugh?" pang-aakusa niya.

"What? No! He's your best friend. I like him as a friend." I reiterated. 

"That's good." tumango-tango siya. "Because I don't know what I can do to him if I find out that you like him." 

Natawa na lang ako at napa-iling. Kung ano-ano talaga ang tumatakbo sa utak ng lalaking ito. "So when is his birthday?" tanong ko at binalik ang tingin sa pinapanood namin.

"Tomorrow. Baka mamaya ay nandito na 'yon to fix the arrangements for his birthday." sagot niya. 

I was about to finish my cup of coffee when Nicholov suddenly leaned to kiss me. Sa gulat ko ay hindi agad ako nakagalaw. Nang kumalas siya ay tinignan niya ako sa mata atsaka ngumisi. "Your lips tastes better than this coffee." he smirked before standing up to go to his room. 

He knows how to flirt. What a flirt guy. 

I smiled at dali-daling inubos ang kape ko bago nagpunta sa kwarto para magbihis at maliligo ako sa dagat. I wore a white and yellow stripes bikini at sakto naman na nakita ko si Nicholov na kalalabas lang din ng kwarto niya. He's wearing a beach shorts at wala siyang pang-itaas. His body is freaking hot! Bakit ang ganda ng hubog ng katawan niya. Mayroon pa siyang abs! Aba, nagpupunta ba si gym ito? I wonder kung ilang taon niya pinaghirapan ang katawan na 'yan. 

"Stop staring at me." sabi niya kaya naman nag-iwas ako ng tingin at lumunok. Am I drooling over him now? I know I don't know a lot of things about relationships and romantic things but I know how hot Nicholov is. Hindi na ako magugulat kung maraming babae ang tititigan ang maganda niyang katawan mamaya! Parang gusto ko na tuloy siyang ipagdamot sa mundo. 

Nang makarating na kami sa dagat ay sakto naman na nandoon na si ate at si Apollo being a lovey dovey couple. 

"Nicholov!"

"Addison." Nicholov nodded at her.

"Nag breakfast ka na ba? My mom and I will have our breakfast sa hotel. Would you like to join us? She would love to see you." nakangiti nitong sabi. 

Nicholov smiled at her. "Sure. Ang tagal ko na rin hindi nakita si tita." pagpayag niya. Tumingin naman siya sa akin nang nakangiti. "Join us, Shiloh." 

"Ha? Uh, hindi na. Hindi naman ako nagugutom." pilit akong ngumiti. He hesitated if he should still go pero sa huli ay pumunta na siya dahil hinila na rin siya ni Addison. "I'll be back." sabi niya bago nagpatianod kay Addison. 

Untamed Series #1: Nicholov GallenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin