Chapter Four

2.7K 83 4
                                    


"Kumusta ka naman?" tanong ko kay Gene. Nandito na kami sa canteen ngayon. She looks okay but I still want to ask her. 

"Ayos lang. Bakit naman ako hindi magiging okay?" sagot niya at inayos ang mga gamit niya bago kami magsimulang kumain. 

"Nothing. Baka lang may pinag-usapan kayo ni Khalid the other day." sagot niya. Kumunot ang noo niya. 

"Ano naman ang pag-uusapan namin ni Khalid?"tanong niya at kumagat ng fries niya. Nagkibit balikat siya. 

"I don't know. He was mad at what happened. Okay ba kayo?" kibit-balikat ko. 

"We're done. We're neither friends nor lovers. Don't ask what happened. It wasn't that important anyway. It wasn't painful too.. I was surprised." pinilit niyang ngumiti pero kitang-kita sa mga mata niya na nasaktan siya sa nangyari but I didn't dare to ask more. Ayaw ko na manghimasok sa buhay nila.

"Bakit ang ingay nila?" tanong ko kay Gene, tinutukoy ang mga estudyante dito sa canteen na nag-iingay. Hindi naman sila ganito ka-ingay kanina ah. 

"I don't know. Maybe something happened. Alam mo naman ang mga magkakaibigan." she shrugged her shoulders and continued eating. Maya-maya pa ay bumaliktad ang lamesa namin, causing our foods to spill. Ang malala nga lang ay kay Gene halos natapon ang lahat ng drinks kaya nag mantsa iyon sa damit niya. 

"Umalis ka dyan,poor girl. Hindi ka bagay sa lamesang 'yan kasama si Gene!" biglang sigaw ng isang estudyante na lalaki.

Sa hiya ko ay napayuko na lang ako. Nagulat na lang ako nang sabay na tumayo si Kole at Nicholov. Kahit si Gene ay napatayo rin. Huli na nang makita namin siyang nilapitan ang estudyanteng sumigaw kanina. 

"Anong sabi mo?" mahina ngunit may galit na tanong ni Gene sa babae. Humalukipkip lang si Kole at Nicholov at mukhang walang balak pigilan si Gene.

Tinignan ko naman ang ilang lalaki na nakapalibot kay Gene. I saw Khalid's jaw clench. He looks like he could kill someone right now.

"Luminya kayo 'wag siksikan. Lahat kayo makakatikim ng sampal." nabalik ang atensyon ko kay Gene nang marinig ang sinabi niya.

May mga babae naman na sumali na rin sa away. Mukhang mga kaibigan din no'ng mga lalaki. Tinawanan lang si Gene ng mga lalake na ikinangisi lang niya. Siguro mga nasa walong lalake at apat na babae ang makaka-away ni Gene ngayon.

Napatingin ako kay Khalid nang bigla itong tumayo. Lumapit siya roon sa lalaking hanggang ngayon ay hindi pa rin binibitawan ni Gene. He stared at the guy for a minute before he walked out. Teka, ganun lang 'yon? Hindi niya tutulungan si Gene? Kahit papaano ay may pinagsamahan naman sila 'no!

Sinamaan ko ng tingin ang mga magkakaibigan. They looked at me and shrugged their shoulders. Si Hugh ang lumapit at hinawakan sa balikat iyong lalaki na kinikwelyuhan ni Gene.

"Hoy, tigilan niyo na 'yan. Halika na Gene. Huwag mo na lang pansinin ang mga 'yan." sabi ni Hugh at sinenyasan akong hilain ko na si Gene palayo doon ngunit walang gumalaw o lumayo ni isa kay Gene. Nanatili pa rin silang nakatayo roon at matalim pa rin na nakatingin kay Gene.

"Sabi ko lumayo na kayo." mariin na sabi ni Hugh sa mga lalaki ngunit parang wala pa ring narinig ang mga ito. Ngumisi si Gene atsaka sinuntok yung lalakeng nasa harapan niya kaya nagkagulo na ang lahat. Napa-iling naman si Hugh at mukhang naiinis na. Ako naman ay hindi malaman ang gagawin. Paano ko sila aawatin? Baka suntukin din nila ako. Kumuha kaya ako ng upuan tapos ihampas ko sa kanila?

Impit pa akong napatili nang susuntukin na sana ng isang lalaki si Gene. "Dumapo man kahit dulo ng daliri mo sa kanya, tatama 'tong kahoy na 'to sa mukha mo."

Untamed Series #1: Nicholov GallenМесто, где живут истории. Откройте их для себя