Chapter Nine

2.4K 76 0
                                    


"Shiloh, saan tayo kakain ngayon?" tanong ni Vina habang naglalakad kami palabas ng classroom.

"Hindi ko alam. Ikaw ba saan tayo kakain? May kailangan pa akong ipasang file kay Mrs. Aregada. Mauna ka na kaya?" sabi ko sa kanya.

"Sige. Sa canteen na lang tayo. Hindi ko pa tapos 'yong powerpoint na ipe-present ko para bukas eh." sabi naman niya kaya pumayag na lang ako. Nauna na siyang umalis para pumunta sa canteen habang ako naman ay pumunta pa sa faculty para ipasa ang file na kailangan kong i-pass sa isang prof ko.

I knocked on the door and she lets me in kaya pumasok na ako. Nagulat pa ako nang makita si Nicholov sa loob na mukhang kausap ni Mr. Rowello. Mukha ngang galit pa ito kay Nicholov. Nang tumingin si Nicholov sa akin ay agad naman akong nag-iwas ng tingin. Baka isipin pa niya na napaka-chismosa kong tao. Pero may pagka-chismosa naman ako kaya nag-eavesdrop na lang ako. Hindi naman siguro niya malalaman diba?

It's been 2 months since we last talked kaya naman normal na lang sa amin ang magkita ngunit hindi nagkaka-usap. Mas nag-focus na lang ako sa studies ko. Isa pa, nilinaw ko naman sa kanya na binibigyan ko siya ng oras para isipin kung ano ba talaga ang gusto niya.

Hindi naman pwedeng ako lang ang lumalaban sa relasyon naming dalawa. Nag-uumpisa pa nga lang kami, gumuguho na.

Binabalak ko nga na mag-trabaho sa New York pagkatapos ko grumaduate. Mayroon nang tumawag sa akin na isang agency doon nang minsan akong magtanong. Willing silang kunin ako after kong grumaduate ng college. Tatapusin lang dalawa nila ang contract nila sa isa nilang model na balak nang umalis sa agency nila dahil gusto na raw nitong mag-settle.

"You turned down five agencies who were willing to sign a contract with you. Ano ba ang nangyayari sayo, Mr. Gallen? You used to be interested. You were aiming to be at the top, but what happened?" rinig kong sabi ni Mr. Rowello kay Nicholov.

He turned down five agencies? I tried my best not to look at him dahil malalaman niya na nakikinig ako sa usapan nila. But I am curious of what's happening to him. Why did he turn down five agencies? Pangarap naman niya 'yon ah!

"I'm sorry. I'm- A lot of things are going on with me right now." Sabi naman ni Nicholov.

"There will be no next time if you don't start doing your best right now. I can't guarantee you na mayroon pang agency na kukuha sayo if you keep on turning them down. If you have a problem, you can talk to me. I am more than willing to help you." sabi ni Mr. Rowello.

After passing the file ay lumabas na ako ng faculty without looking at Nicholov. Nilapagpasan niya lang din naman ako. I expect nothing from him. Really. He disappointed me enough already. I thought he'll work on making our relationship work but I guess Addison's really his priority. Hindi na ako makikipag-away pa kay Addison. It's clear that Nicholov chose her over me dahil kung ako talaga ang gusto niya, hindi aabot ng dalawang buwan na hindi kami nag-uusap. Hindi niya ako lalagpasan lang tuwing nagkikita kami.

I guess that's the end of it. Hindi pa man ulit nagsisimula, natapos na agad.

Pinunasan ko ang mga namuong luha sa mata ko habang naglalakad papunta sa canteen.

"Hala! Sorry!" I immediately apologized when I bumped into someone. Nakayuko kasi ako at pinupunasan ko ang mga luha ko kaya hindi ko na nakita ang dinadaanan ko. A tall guy apologized too.

"Are you okay?" tanong niya, halatang nag-aalala. Ang tigas naman kasi talaga ng katawan niya pero syempre hindi ko na sasabihin sa kanya 'yon. Kasalanan ko naman kung bakit ako nabangga sa kanya.

"Are you- are you crying?"

"Gino?" kumunot ang noo ko.

Medyo nagulat pa siya nang tawagin ko siyang Gino pero natawa na rin kalaunan. Ang weird, sa pagkakaalam ko, masungit siya. Hindi ko pa nga siya nakikitang ngumiti tapos ngayon ay tumatawa na siya.

Untamed Series #1: Nicholov GallenWhere stories live. Discover now