Chapter Three

3K 90 1
                                    


"My head aches so bad. I'm never drinking again. Bwisit talaga na Sandoval 'yon, dinadaya kasi ako!" reklamo ni Gene pagkapasok ko sa classroom. Kole, Khalid and Nicholov's nowhere to be found. Malamang ay magkakasama na naman silang magkakaibigan.

"Inom ka kaya gamot for headache." sabi ko naman sa kanya bago naupo sa upuan ko. Naroon ang bag ni Kole at bahagya pang nakabukas ang bag nito na para bang nagmadali lang siyang isara ito kanina.

"Uminom na ako. Anders gave me meds awhile ago." sabi niya bago yumuko at naupo sa upuan ni Kole. I brushed her hair with my fingers. Medyo nagulat pa nga ako sa ginawa ko but she seemed to like it naman.

"Si Khalid lang ang gumagawa n'yan sa buhok ko noon. It's good that I have a female friend na gumagawa ng mga ginagawa ni Khalid para sa akin." sabi ni Gene habang nakayuko pa rin. Napangiti naman ako.

"Wala ka bang ibang babaeng kaibigan? Si Khalid lang ang kaibigan mo?" curious kong tanong ko sa kanya.

"Hmm. I'm more comfortable with him. You know, boys have less drama kaya mas gusto kong lalaki lang ang mga kaibigan ko but when I met you, it's the first time I wanted to have a female friend. Wala ka kasing arte at ka-dramahan sa buhay." she chuckled.

"Paano kapag may umaaligid kay Khalid na mga babae?" tanong ko naman sa kanya kaya umayos siya ng upo.

"Maraming umaaligid sa kanya noon pero lahat 'yon iniiwasan niya." sabi niya at tumingin sa upuan ni Khalid na bakante. "He doesn't want to make me feel like I'm being replaced by someone. He may not look like one but he-" tumigil siya sa pagsasalita nang bumalik na 'yong tatlo.

Khalid, being the emotionless and 'I don't give a damn to anyone' vibe sat at his chair. Ang nakangiting si Kole naman ay dumiretso rito sa amin. Ang nakakunot na noo na si Nicholov naman ay tinapunan muna ako ng tingin bago naupo sa upuan niya.

"Masakit ulo mo?" tanong ni Kole kay Gene, may bahid ng pag-aalala ang boses niya. Gene nodded.

"Sige dito ka muna umupo. Lilipat na muna ako sa upuan mo." sabi ni Kole bago kinuha ang bag niya at umupo sa upuan ni Gene. Gene smiled at bahagyang nag-celebrate dahil magkatabi kami ngayon.

"See? I told you he's the softest among them all." ngisi Niya.

"Kahit naman si Kenji ah?" sabi ko naman. Naalala ko kasi na parang happy go lucky lang si Kenji.

"Boo. He's the most stubborn. Mas malala 'yon kay Nicholov. Parang bipolar ang isang 'yon." she shook her head bago yumuko ulit sa lamesa.

"Anong klaseng magkakaibigan sila?" tanong ko. Parang sobrang lapit kasi nila sa isa't isa. Parang hindi mo sila mapaghihiwalay kahit anong gawin mong paninira sa kanila. Parang wala silang paniniwalaan hangga't hindi nangangaling sa isa sa kanila.

"Simple lang. Start a fight with one of them, then you fight with all of them. Ganoon lang 'yon. Sa kanila, walang naiiwan, walang nauuna. They all take a step forward together. They're not just friends. They are brothers. Ganoon ang turingan nila." sabi niya.

"And they don't break bro code?" mahinang tanong ko. Tinignan naman agad ako ng masama ni Gene.

"Seriously, Shiloh, let go of the thought that someone might break the bro code for you, okay? Trust me; they won't break it. Either they break the bro code or break their bones. They choose. No one will dare to break the bro code lalo na kung kay Nicholov ang gusto nila. Nicholov's like the king, okay?" she sighed.

Tumango-tango naman ako. Ayoko rin naman na masira ang pagkakaibigan nila. Isa pa, I'm not interest with one of them. Pakiramdam ko kasi ay pare-pareho lang silang sakit sa ulo. Nakatulog si Gene bago pa dumating ang teacher namin. Hindi ko na siya kinulit pa dahil alam kong masakit ang ulo niya.

Untamed Series #1: Nicholov GallenWhere stories live. Discover now