Chapter 26 "Day 12"

28.7K 1.1K 67
                                    

CHAPTER 26 “DAY 12”
MACKY REYES

“Macky, kumain ka na.” Sabi sa akin ni Maya at kanina pa siya nandito sa kwarto ko. Wala pa rin ako sa mood na kumain.

“Wala akong gana.” Tipid kong sagot.

“Macky, Hindi naman porke’t wala na si Fierce ay titigil na ang ikot ng buhay mo.”

“Umalis ka na, pwede?” Itinalukbong ko ang kumot sa akin. “Wala kang alam.”

Narinig ko ang kanyang buntong hininga. “Fine iiwan ko na lang ‘to di—“

“Huwag ka ngang mag-magaling,” Inis kong sabi.

“Siraulo ka pala eh, sumunod ka kay Fierce kung aarte ka ng ganyan. Sa mga nalaman kong kagaguhan ninyo kahapon, ako nga ang dapat na galit pero ano? Nandito ako kasi kailangan mo ng kaibigan, hindi galit ang pinairal ko! Accept the fact that yout bestfriend just die!” Tumakbo siya palabas at hindi ko na napigilan pa. Shit.

Bigla akong natamaan sa mga sinabi ni Maya, hindi maibabalik si Fierce kapag ganito ang inakto ko.

Hinawakan ko ang singsing ni Fierce na kinuha ko sa wala niyang buhay kagabi. Kasama kong iaalis sa demonyong lugar na ito ang alaala ni Fierce.

Tumakbo ako palabas at si Chlloe na lang ang nakita ko na nakasandal sa dingding. “Sundan mo siya, banda doon siya tumakbo.” Itinuro niya ang fire exit.

“Galit siya sa akin.”

“Malamang galit siya. Pero malaki ka na, siguro naman marunong kang humingi ng tawad kung nakasakit ka ng damdamin,” Pagpapaliwanag ni Chlloe. “Macky, iilan na lang tayo dito. Huwag mong hayaan na pati si Maya ay mawala sa laro, mas lalong pagsisisihan mo.”

Tama siya. Dali-dali akong tumakbo para sundan si Maya.

Binuksan ko ang fire exit at bumaba ako ng ilang baitang at nakita ko siya na nakaupo sa gilid at umiiyak. Naging sobrang harsh nga ako sa pagkakataong ito.

Nung makita ko siya ay huminga ako ng malalim at dahan-dahan naglakad at umupo sa tabi niya. “I’m sorry.” Iyon na lang ang nasabi ko.

“Bakit nandito ka!?  Magmukmok ka sa kwarto mo! Paglamayan mo ang nawala mong kaibigan!” Sigaw niya at pinunasan ang luha sa kanyang mata.
 
“Nabulag lang ako ng galit na nararamdaman ko. It just,” Napabitaw ako ng buntong hininga at napakagat sa ibabang labi ko upang pigilan ang aking luha. “Malapit na kaibigan ko si Fierce mula pagkabata.”

“Hindi ako manunumbat Macky pero kayo ang dahilan kung bakit tayo nandito! Iniintindi kita, huwag mo naman akong ipagtabuyan na parang wala lang, huwag mo naman akong ipagtabuyan na parang isa lang akong pusa.” Tuloy-tuloy ang luha galing sa kanyang mata.

“Sorry.” Niyakap ko si Maya at ramdam na ramdam ko ang pagkabasa ng suot kong damit dahil sa kanyang mga luha.

“Hindi lang ikaw ang nawalan Macky. Nawalan din ng kaibigan sina Jin, sina Len.” She looked at me eye to eye. “Lalabas tayo rito, okay?”

“Lalabas tayong dalawa dito, para kay Fierce.”

THIRD PERSON

“What’s up, Rena?” Tanong ng isang lalaki na kakarating lang sa pinagtataguan ng game master.

“Just shut up kung ayaw mong matulad ka sa kakambal mo.” Sagot nito at humithit ng sigarilyo bago inilagay sa ash tray ang baga nito.

“Matapos mo akong pakailang beses na ginamit, ganyan lang ang magiging salubong mo sa akin?” Ibinagsak ng lalaki ang kanyang pwetan sa isang couch, napatingin siya sa napakaraming monitor as gilid kung saan nababantayan ang ikinikilos ng bawat players.

“Tatawag ako sa’yo kung kailangan ko ng tulong.”

“Sabi mo eh, pwede ba akong maglibot dito?” Hindi na siya naghintay ng sagot ni Rena at nagsimula na siyang maglakad paalis.

‘Maghintay ka Rena, ipaghihiganti ko ang kakambal ko.’

Death Game: Battle For LivesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang