Chapter 1 "Game Rules"

81.5K 2.1K 418
                                    

CHAPTER 1 “GAME RULES”
MAYA CASTRO

‘Ewan ko sa inyo! Kayo nga ‘tong ang papangit umarte!’


Isang chat na naman ang na-receive ko galing sa GC namin sa theater club. Sobrang nagkakagulo sila dahil sa disastrous na pagtatanghal namin last event. Siguro nga kailangan ko munang mag-break sa stress sa buhay, sasali muna ako sa kung ano mang game show iyon.

Bandang alas tres y media ay nandito lang ako sa bahay, sa pagkakaalam ko ay ngayon ipapadala ang game mechanics ng laro. Nanunuod lang ako ng TV at isang katok ang narinig ko galing sa labas ng bahay, paglabas ko naman ay walang ibang tao pero may nakalapag na isang maliit na kahon.

Pinulot ko ang kahon at pumunta ako sa kwarto upang tignan ang laman, pagkatingin ko ay listahan pala ito ng players sa laro.

Female players (8)
Sugar Mae evangelista
Honey Bam
Chlloe Ann Santos
Maya Castro
Princess Yui Mercado
Bambie Chua
Minami Honda
Mei Zamora

Male players (8)
Fierce Ramos
Adrian louisse Aquino
Macky Reyes
Lei Park
Andrew Mendoza
Jin Kuga
Phillip Navarro
Len Calder Dickson

Sila pala ang mga kasali sa game! Nakaka-excite, ang dami namin. Anong game kaya ito?

Kinuha ko ang sulat na nakalagay sa kahon.

Good day players! We will play hide and seek! A simple game right? But we will have a twist! But first, look at my gift for you.

Dali-dali kong binuksan yung maliit na kahon ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko, namilog ang aking mata sa takot. Isang plastik ng dugo at may kasamang tatlong putol na daliri.

Naitapon ko ito sa isang gilid dahil sa takot,
Sa sobrang shock ko para akong nabato sa pagkakatayo ko. Inside that beautiful and attractive box is Creepy. Tapos bigla ko ulit naalala yung sulat then I read it again.

***

We will play hide and seek. When I found you… I will kill you. Remember, once you open this gift… you’re not allowed to quit the game anymore.

Prize: 20 million pesos.

Mechanics of the game:

1. The game will be held on a Theme park and all of you will stay there for 15 days.

2. The time of the game is 8:00 pm up to 12 Midnight.

3. When I found you, I’ll kill you.

Make sure that you will hide very well… Because I’m a good seeker.

***

Sa tatlong nakalagay dito ay sa pinakadulo ako pinaka kinabahan. Sobrang nanlalamig ang aking katawan at ramdam na ramdam ko ang panginginig. I wish na prank lang ito.

“Prank lang ‘to!” Pagkumbinsi ko sa aking sarili. Nabigla ako nung biglang tumakbo sa kwarto ko ang aking kapatid.

“Maya!” Balisang-balisa ang mukha niya.

“B-bakit kuya?” Itinago ko sa likod ko ang kahon upang hindi mag-alala sila kuya. Ano bang laro ang nasalihan ko?

“Hindi mo ba nabalitaan ang nangyari sa kagrupo mo?” He asked.

“H-hindi, anong nangyari sa kanila?” Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang kaba dahil sa game show na iyon.

“Tatlo sa mga ka-theater mo ang nasa ospital ngayon,” Nagulat ako sa sinabi ni kuya, alam kong nagkakagulo sa grupo namin pero hindi ko alam na may aksidente palang nangyari.

“Bakit sila nasa ospital? Anong nangyari?” Sunod-sunod kong tanong.

"Stable na raw sila ngayon and they just need some rest pero..." Pambitin ni kuya.

"Pero?"

"Naputulan sila ng tig-iisang daliri. Hindi alam kung coincidence lang o planado pero hanggang ngayon hindi pa nakikita yung tatlong daliri nila" Namilog ang mata ko sa aking narinig. Hindi kaya yung tatlong putol na daliri ay galing sa…

This is not real.

Death Game: Battle For LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon