Chapter 18 "Night 8"

30.7K 1.1K 139
                                    

CHAPTER 18 “NIGHT 8”
ANDREW MENDOZA

 Gabi na naman, ito ang oras na pinakaayawan namin dahil baka may mawala na naman sa amin. Nakatago ako sa likod ng vending machine… ito yung vending machine na pinagtaguan ko dati. I find it safe dahil medyo sulok naman siya ng park.

Napatigil ako sa paghinga nung mapansin ko ang killer, naglalakad siya tungo rito. Naglalakad siya tungo rito sa vending machine! Nandito siya sa tapat ng vending machine, Should I run?

Pigil na pigil ang aking paghinga. Akala ko ay alam niyang nandito ako… kumuha lang pala ng tubig sa vending machine.

Pagkakuha niya ay tumalikod na siya at iniangat ang mask niya upang mainom ito. Hindi ko ito nakita dahil nakatalikod siya. But thanks God! I’m safe for tonight.

Itinapon niya ang bote sa kung saan. Akmang aalis na siya, ang init sa puwesto ko kaya bahagya akong gumalaw.

Isang ingay ang pumangibabaw sa buong paligid. Napatingin ako sa aking paa, shit! Naapakan ko ang plastic bottle na kanyang itinapon!

Shit! Bakit hindi ko napansin na dito niya banda itinapon ito? Fuck!

“Kung sino man ang nasa likod ng vending machine ngayon… You made a wrong move.” Narinig ko na ang yabag ng paa nung killer patungo sa akin.

Bigla niyang hinatak ang kamay ko kaya napalabas ako sa aking pinagtataguan. Mabilis niyang inilagay sa aking bibig ang isang panyo. Nakaramdam ako ng pagkahilo, ilang beses kong sinubukan kumawala ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin at unti-unti na akong nawalan ng malay.

“Guess who’s playing tonight?” Iyan ang huli kong narinig.

***

Nagising na lamang ako na parang may makina na nakakabit sa buo kong katawan. May kung anong bakal ang nakalagay sa aking  leeg, magkabilang kamay at maging sa bewang. Napalingon ako sa paligid, kasama kong maglalaro sina Jin at Len.

Sinubukan kong kumawala ngunit hindi epektibo, masyadong mahigpit ang pagkakapit sa amin nung bakal.

“Good day players! Simple lang ang larong ito! You’ll just answer my questions at kapag tama ang inyong sagot ay matatanggal ang isang bakal sa isang parte ng inyong katawan. You need to answer 4 correct answers and the last one who can’t answer the questions… will die.”

Shit! Is this kind of quiz bee?! Bakit ba ang hilig niyang paglaruan ang aming mga buhay?!

“Game start!”

“Question 1: The period of 2sinxcosx is…”

Shit anong alam ko sa mga ganyan-ganyan!?

“Pi!” Malakas na sigaw ni Jin kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. Natanggal ang posas sa kanyang kaliwang kamay, ibig sabihin nito ay tama ang kanyang sagot.

Anong utak ang mayroon ang mga kasama ko ngayon!?

“Question 2: Which metal pollutes the air of a big city?”

Saglit akong nag-isip. “Lead?” Patanong kong sagot, fuck! I’m not even sure! Natanggal ang gapos sa kaliwa kong kamay. Whoah! Tumama pa ako.

Question 3: A school committee consists of 2 teachers and 4 students. The number of different committees that can be formed from 5 teachers and 10 students is…”

How can I fucking solve that!? Nagkaroon ng maiksing katahimikan at parang nag-solve sila sa kanilang utak

“2100!”  Jin shouted. Nawala na ang posas sa kanyang kanang kamay. Dalawang tamang sagot na lang ay makakaalis na siya.

“Question 4: The property of a substance to absorb moisture from the air on exposure is called…”

“Efflorescence?” Hindi ko siguradong sagot at wala naman nangyari, I guess, mali ang hula ko.

“Deliquescence!” Malakas na sigaw ni Len at natanggal ang posas sa kaliwa niyang kamay. “huuu! Keri ko ‘to!”

“Question 5: The graphs of the two linear equations ax+by= c and bx-ay=c; where a,b, and c are all not equal to zero…”

“Perpendicular!” Sagot ni Jin, natanggal ang bakal sa kanyang leeg, isang tamang sagot na lang siya at makakaligtas na siya ngayong gabi.

“Question 6: The group of metals Fe, Co, Ni may best called as…”

“Transition metals!” Sigaw ni Len at natanggal ang posas sa kanan niyang kamay. Fuck! Why is this so hard!?

Isang tama na lang si Jin at makakatapos na siya samantalang si Len ay dalawa pa… ako? Tatlo pa. This is a shit game.

“Question 7: 20% of 2 is equal to…”

“0.04%” Sagot ni Jin at tuluyan na siyang nakalaya. He is a math monster.

“Congratulations Jin Kuga! You are safe tonight!”

I don’t have any strength to congratulate him, why? Fuck! Nasa panganib pa ang buhay ko!

“Question 8: Heavy water is…”

“Deutorium oxide!” Sagot ko at natanggal na rin ang bakal sa kanan kamay ko, bahagya ko itong pinaikot-ikot dahil sa panmamanhid.

“Question 9: The element common to all acids…”

“Sulphur!” I shouted pero walang nangyari, wrong.

“Hydrogen!” Sigaw naman ni Len at natanggal na ang bakal sa kanyang leeg, Damn! Kailangan kong manalo ngayong gabi. I don’t want my life to end here.

“Question 10: Non-stick cooking utensils are coated with…”

“TEFLON!” Nagulat ako sa ginawang pagsigaw ni Len. Sana mali, sana mali!

Natanggal ang bakal sa kanyang bewang… for the first time, hindi ako masaya na nakaligtas sila.

“Congratulations Len Calder Dickson! You are safe tonight!”

Bigla ko na lang naramdaman na muling kumapit ang bakal sa magkabila kong kamay, pahigpit itong pahigpit. “Ahhh!” Malakas kong sigaw.

Biglang may gumapang na kuryente sa buong katawan ko na nagpanginig sa buong kalamnan ko.

Mas lalong humigpit ang mga bakal, nasasakal na ako! Naramdaman ko na lang na napapasuka na ako ng dugo. “T-tulong!”

Nagulat ako nung biglang tumalim ang pagkakahawak nung bakal sa magkabila kong kamay, nakita ko na lang ang putol kong kamay.

Tumalim ang pagkakapit ng bakal sa bewang ko.

“H-help m—“

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari, nakaramdam na lang ako ng matinding kirot sa aking tiyan.

It all went black.

It’s a game over for me, it’s a game over for Andrew Mendoza.

Death Game: Battle For LivesWhere stories live. Discover now