Chapter 17 "Day 8"

30.1K 1.1K 94
                                    

CHAPTER 17 "DAY 8"
FIERCE RAMOS

Pumupungay ang mata ko nung nagising ako, masyadong maraming nangyari kagabi. Hindi ko nga alam kung makakain ko ba 'tong nakahaing almusal sa harap ko. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari kay Sugar, nawawalan ako ng gana.

"Adrian, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"I'm trying to be okay. Huwag kang mag-alala." Ngumiti siya sa akin at sumubo ulit nung kinakain niya.

"Pwede ka bang sumama sa akin mamaya? Nandoon ka rin kasi sa lugar na iyon." Pakikiusap ko sa kanya. Gusto kong itanong kung may alam siya sa litrato ni Maya. At isa pa, ilang beses ng iniligtas ni Adrian ang buhay ko. He deserves to be trusted.

"Sige, pagkatapos kumain." Paliwanag niya at ngumiti... pekeng ngiti.

Matapos naming kumain ay lumabas na ako. Nakita ko naman na hinihintay ako ni Adrian sa labas.

"Tara." Aya ko sa kanya at sabay kaming naglakad.

Pumasok kaming dalawa sa abandonadong warehouse na pinagtaguan namin kagabi.

"Bakit tayo nandito?" Tanong niya sa akin.

"Wala ka bang nakita rito na kakaiba? May nakita akong litrato ni Maya dito!" Sigaw ko sa kanya at kumunot ang kanyang noo. Pinakita ko ang litrato kong napulot.

"You mean... Pinaghihinalaan mo ang kaibigan mo?" He asked. Ayoko man pero... bakit!? It should be explain!

Nagkatikot pa kami ni Adrian pero wala ng ibang laman ang mga kahon dito kun'di masasangsang na buto ng tao. "Ayoko man maniwala pero tangina naman feeling ko siya ang killer! pero bakit!?"

"Naniniwala ako sa'yo, okay?" Umupo siya sa isang kinakalawang na bump car. "Kung totoo man 'yang sinasabi mo, huwag mo muna itong pagsabi sa iba. Maaapektuhan ang lahat kung sakali. Iso-solve natin ang misteryo na 'to."

Sinubukan pa naming mag-ikot pero maghanap pa ng mas matibay na ebidensya laban sa kanya... pero wala na.

Gumulo ang takbo ng isipan ko. Mas naging mahirap ang lahat.

BAMBIE CHUA

Nakaupo lang ako sa isang bench habang pinagmamasdan ang ibang players na nakasakay sa mga rides. Nakakainggit man, wala akong magagawa dahil hindi pa rin nawawala ang kirot sa balikat ko.

"Oh!" Biglang may kamay na tumapat sa mukha ko na may hawak na coke. Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha-si Jin.
"Salamat."

Naging komportable na akong kasama si Jin. Hindi niya rin ako iniiwan. Umupo si Jin sa tabi ko at binuksan niya ang hawak niyang coke in a can, ganoon din ang ginawa niya sa akin.

"Sino sa tingin mo ang Game master?" Pagtatanong sa akin ni Jin. Bigla siyang naging seryoso.

"Bakit ka naman biglang nagpapasok ng ganyang klaseng tanong?" Kunot noo kong tanong. Ayokong magbintang dito kahit kanino. Lahat sila ay napalapit na sa akin.

"Bilis na, Bambie. Hula mo lang." Pagpupumilit niya.

Kanino nga ba? "Si Chlloe?" Alangan kong sagot. I hate this, para naman akong namba-backstab sa ginagawa ko.
"Why?"

"I feel like... hindi niya pinapakita ang totoong siya."

"Paano kung lahat tayo ay hindi pinapakita ang totoong tayo?" Tanong niya sabay higop ng coke. Naguguluhan ako.

"Then no one deserves my trust." Sagot ko.

"Ganyan nga!" Nakangiting sabi ni Jin at ginulo ang aking buhok. "Trust can kill you. Hindi lang ang killer ang nakasuot ng maskara dito... lahat tayo, we're all wearing mask. Kahit ikaw... Kahit ako."

"What do you mean?"

"Huwag kang magtitiwala kahit kanino... kahit sa akin." He smiled on me.

In this game, you should not trust anyone.

Death Game: Battle For LivesWhere stories live. Discover now