Chapter 5 "Day 2"

46.9K 1.4K 180
                                    

CHAPTER 5 "Day 2"
Fierce Ramos

Nakakapanibago dahil pakiramdam ko ay mayroong tensyon sa bawat isa. Matapos ang laro ay mabilis akong natulog... at ngayon, panibagong araw na naman.

Nagulat ako nung biglang tumayo si Minami at kinalampag ang lamesa, nabaling ang atensyon namin sa kanya. "Kasalanan mo 'tong lahat Adrian eh! Sarili mo lang ang iniisip mo! You're too selfish, ikaw ang taong unti-unting papatay sa amin." Sigaw ni Minami kay Adrian. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin sila tapos doon?

"Sorry." Sabi ni Adrian na nakatuon lamang ang mga mata sa sahig.

"Sorry? Sorry din kung gagawin ko 'to," Napaayos ako ng upo nung biglang sampalin ni Chlloe si Adrian. "Para 'yan sa pagkamatay ni Mei. Actually kulang pa 'yan eh, itong tandaan mo sa kada-araw na mababawasan ang mga players dito. Ikaw lang ang sisisihin ko because you are such a jerk" Sigaw ulit ni Chlloe kahit puno ng galit ang kanyang mga mata ay hindi pa rin naiwasan na dumaloy ang luha galing dito. Umalis na si Chlloe kasunod sina Minami at Yui.

"Pasensya ka na sa inasal ng mga kaibigan ko papa Adrian." Huminto muna saglit si Len bago tumakbo palabas upang makasunod sa mga kaibigan.

"Bakit siya nagso-sorry?" Usal ni Bambie pero narinig naman ng lahat.

"Bambie!" Saway sa kanya ni Jin.

Umalis na ang ilan dahil nawalan na sila ng gana kumain. Ang natira na lang dito ay sina Maya, Jin, Phillip, Andrew, Macky, Lei, Sugar, at ako.

Naging tahimik kami sa pagkain pero maya maya pa ay tumayo si Lei. "Alam mo, matalino ka rin Adrian. Using one person to survive... not bad." Naglakad na si Lei paalis.

Hindi ba nila alam ang salitang move on? Namatay na! Wala na silang magagawa! Nagsisisihan sila ngayon? Mas ginagawa lang nilang kaawa-awa ang sitwasyon namin.

Lumabas na ako ng restaurant, masyadong mainit sa loob dahil sa naganap na tensyon. Hindi ako sanay sa ganoong klaseng atmosphere.

Nakita ko si Len na nakaupo sa may isang bench at umiiyak. This boy-Este! This girl looks brave outside but he's deeply in pain.

Lumapit ako sa kanya at inabutan siya ng panyo. Tumingala siya sa akin at ngumiti. "Salamat sa panyo."

"Gusto mo bang magsabi ng saloobin sa akin?" Tanong ko sa kanya at umupo sa kanyang tabi.

Hinayaan ko siyang magkwento. Kahit bakla si Len, malaki ang puso niya... sa tingin ko ay isa siya sa pinaka-deserve na manatili sa larong ito.

MACKY REYES


Bandang tanghali na at baglalaro lang ako ng isa sa mga shooting game dito, grabe ang tensyon na nangyari kagabi at kaninang umaga. Ibinubuhos ko ang galit ko dito, Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko pero kailangan kong kontrolin ito. Nandito ako para sa pamilya ko, hindi para maawa sa iba.

"Ayos ka lang?" Napatigil ako nung biglang dumating si Maya kasunod si Fierce.

"Okay lang." Pagsisinungaling ko. Nakailang putok ako ng baril bago iyon ibinaba, bumaling ako ng tingin sa kanila. "Guys, siguraduhin ninyong makakalabas tayo dito ng sama-sama ah." Para sa akin, silang dalawa ang pinakaimportante para sa akin dito sa larong ito.

"Drama na naman? Kanina si Len, tapos ikaw naman ngayon, Macky." Mahinang tumawa si Fierce. Hindi ako nagdadrama, natatakot ako para sa kanila.

"Huwag kayong mawawala na dalawa." Pagpapatuloy ko.

"Oo naman." Nakangiting sabi ni Maya.

Gusto kong mabuhay sa laro, pero gusto kong kasama sila sa makakaalis sa demonyong lugar na ito.

Bumalik kami sa Restaurant dahil hapon na, mamaya lamang ay simula na naman ng game. "Guys, sorry." For the pete sake! Nagso-sorry na naman siya?

"Hindi maibabalik ng sorry mo ang buhay ng kaibigan namin." Sabi ni Chlloe na hindi siya binabalingan ng tingin. Napakatigas naman ng puso niya, kagabi pa nagso-sorry si Adrian.

"Buhay ang kinuha mo, baka kapag namatay ka... mas effective." Dugtong pa ni Yui. What the heck!

Napatayo si Andrew sa kanyang inuupuan. "Hindi niya naman ginusto yung mga nangyari! Walang sino man sa atin ang gusto ang nangyari. Bakit ba patuloy kayo sa pagsisi sa kanya? Kung kayo ba ang nasa sitwasyon nung mga oras na iyon? Mas iintindihin niyo pa ba ang buhay ng iba ke'sa sa sarili niyong buhay? Nasasabi niyo iyan kasi wala talaga kayong alam at hindi niyo alam ang mga totoong nangyari!" He's standing on what he wants to fight for.

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid. "Ano na!? Natahimik kayo?" Umupo si Andrew at hinilot ang sentido ng kanyang ulo.

Nabigla ako nung biglang tumayo si Bambie. "Pasensya na Adrian! Nadala lang siguro ako ng mga nakakatakot na pangyayari. Naging padalos-dalos ako at hindi pinag-isipan yung mga nabitawan kong salita pasensya na." Dahil nga unang nag-initiate si Bambie ay panigurado kong may mga susunod na.

"Pasensya na sa nangyari kanina" Sabi din ni Honey sabay yuko rin. Hindi ko maiwasan na mapangiti sa mga nangyayari. In just one Excellent speech of Andrew ay nakakatuwa na ang mga sumunod na ganap.

"Sa isang salita lang ni Andrew ay magbabago na ang takbo ng mga utak ninyo?" Mataray na sabi ni Chlloe.

"No! Alam kong mahirap ibalik ang nasirang trust. Hindi na ito maibabalik sa perfect figure nito dahil nalamatan na ito pero we're team in this game. Hindi tayo ang magkakalaban, ang killer lang ang kalaban natin," Sabi ni Jin. Hindi ko talagang maiwasan na mapangiti sa mga nangyayari.

"Hindi naman ibig sabihin no'n na nawala na ng tuluyan si Mei dahil sa puso namin at puso niyo mayroon siyang lugar," Dugtong pa ni Bambie. Nagkatinginan silang dalawa ni Jin at parehas nagbitaw ng isang ngiti sa isa't-isa.

"At tsaka Girls! Keri natin 'to! Hindi naman siguro natutuwa si Mei sa mga pinaggagawa niyo mga teh. Nakakalurkey na kagagahan." Sabi ni Len at kunwari pang hinawi ang kanyang buhok.

Nagtinginan sila Chlloe at mukhang naintindihan naman nila yung gusto naming sabihin sa kanila.

"Pasensya na Adrian sana hindi ka magalit samin at pipilitin namin na ibalik yung tiwala namin sayo for para kay Mei. Pasensya na sa pagkakasampal ko,dala lang naman iyon ng bugso ng damdamin." Sabi ni Chlloe sabay yuko.

Ganun din naman yung ginawa nila Yui at Minami.

Kailangan ko ng tandaan ang pagmumukha ng mga kasamahan ko na 'to. Para naman kapag may nawala mamaya ang maalala ko ay ang masayang alaala at hindi ang takot.

Death Game: Battle For LivesWhere stories live. Discover now