Chapter 9 "Day 4"

33.1K 1.2K 108
                                    

CHAPTER 9 “DAY 4”
MACKY REYES

“Chlloe! Lei” Malakas kong sigaw. Umagang-umaga ay hinahanap namin sila, parehas silang nawala pagkatapos nung gaming hour.

“Gutom na ako, kanina pa tayo naghahanap.” Sabi ni Maya. Minsan hindi ko rin maintindihan ang takbo ng utak nito. Ang gulo ng mga babae.

“Tara na nga, kumain muna tayo.” Sabi ko sa kanya at inakbayan siya.

“Ang PDA ninyo guys, mandiri kayo.” Biglang nagsalita si Fierce kaya napatawa ako. Naglakad na lang kami patungo sa restaurant.

“Nandiyan na pala kayo,” Bati sa amin ni Andrew pagkapasok namin. Mukhang hinihintay niya talaga kami. Nandito rin ang iba namin kasamahan. “Sino ang nakakita ng mga kaganapan kagabi?” Tanong niya sa amin.

Mabilis akong umiling dahil wala naman akong nasaksihan.

“Nakita ko.” Seryosong sabi ni Maya kaya napalingon ako sa kanya.

“Ako man.” Nakayukong sabi ni Sugar.

“Nakita ko rin.” Nagsalita din si Fierce. Kanina ko pa sila kasama pero hindi man lang nila nasabi sa akin ang tungkol sa bagay na iyon.

“Can you explain it to us, Fierce? Yung mga nakita mo.” Request ni Andrew.

"Sinundan ko siya then nakita ko si Chlloe na naglalakad. Hindi ko alam pero parang may malalim na iniisip si Chlloe habang naglalakad. No'ng una ay okay pa siya pero unti-unting bumagal ang kanyang paglalakad. Tapos nakita ko ang killer na naglalakad kaya nagtago ako sa likod ng isang Vending machine, ang sunod kong nakita ay hinampas ng killer ng baseball bat ang ulo ni Chlloe. Puro dugo ang ulo ni Chlloe nung mga oras na iyon, nagsimula akong mag-panic pero hindi ko pinahalata dahil baka mapansin ako ng killer. Hinatak niya si Chlloe, ini-expect ko nga na game over na kay Chlloe ang i-a-announce kaso walang announcement na naganap. Pero bago matapos ang gabi ay biglang nag-announce na wala raw namatay nung gabing iyon... which is weird. Inisip ko na lang nab aka nakatakas si Chlloe, pero ngayon ngang umaga ay nawawala pa rin siya kasama si Lei. Hindi ko alam kung magkasama sila or parehas silang hawak nung killer" Dire-diretsong paliwanag ni Fierce. Buti na lamang ay hindi iyon pinutol ni Andrew.

“Hindi mo alam kung saan dinala si Chlloe?” Tanong ni Andrew.

“Hindi ko alam, hindi na ako sumunod sa killer dahil sa takot.” Sabi niya.

“Eh ikaw, Maya?” Bumaling ang tingin niya kay Maya. Nakatahimik lang ako at pinapakinggan ang paliwanag ng bawat isa.

“Saan ko ba sisimulan?”

“Kung ano yung importanteng nakita mo kagabi.” Sabi ni Andrew.

“Halos parehas ng nakita ni Fierce, pero ang nakita ko… si Lei. Hinampas siya ng baseball bat sa ulo ng killer. Dahil parehas silang wala… naisip ko na baka hawak sila nung killer.” She innocently tell her side.
“Iniisip niyo na kinuha ng killer ang dalawa?”

“Oo.” Sabay na sabi ni Fierce at Maya.
Hindi na nila tinanong si Sugar dahil iyon lang naman ang kinakailangan nilang impormasyon. Pero ang tanong ngayon… bakit pinalabas ng killer na walang nangyari kagabi? Bakit hawak niya sina Chlloe at Lei?

“Macky!” Tinapik-tapik ako ni Fierce dahilan para mapatigil ako sa aking malalim na pag-iisip.

“Tara na, kumain na tayo.” Sabi naman ni Maya.

“Sorry na ma’am, sir. Halika na, kain na tayo.” Natawa naman silang dalawa sa aking sinabi.

Kumain lang kami lahat ng sama-sama, napuno pa rin ito ng tawanan at kahit papaano, nakalimutan namin ang problema na kakaharapin ngayon.
Mali pala ang iniisip ko na killer si Lei? Hawak siya ng killer ngayon eh. Pero sino ang pumapatay? I will solve this mystery no matter what happen.

Death Game: Battle For LivesWhere stories live. Discover now