Secret 22: Supermarket

ابدأ من البداية
                                    

Ngumiti lang siya nang tipid. At pigil na mapangiwi, ang totoo niyan ay hindi niya alam kung pano haharapin ang mga 'to.

“Yeah. We’d meet before.” She said.

“You did? Anak, ba’t hindi mo naman sinabi sa amin nagkita na pala kayo?” bumaling ang ginang sa anak nito. Hindi naman umimik si Rui bagkus na nagkibit balikat lang.

Psh. Wala talaga modo ito.

“Hindi rin po siguro niya alam.”

“Pano naman kayo nagkita?”

Ang kulit nang ina nito! patience!

“Schoolmate ko po siya doon sa Crucifix University. At sila nang mga kaibigan niya ay mukhang naghari-harian doon.” She said, pero kagaya nang dati ay wala parin reaction si Rui at iyong magulang nito naman ay opposite sa inaasahan niyang reaction.

“Zia!” Tawag sa kanya nang daddy niya.

“Oh okay lang iyon, Erman. In fact, masaya nga kami dahil may nalaman din kami dito sa anak namin kung anong pinaggagawa niya sa school. Ito naman kasi si Rui ay napakatahimik, at kung tatanongin namin nang mommy niya ay kibit balikat lang ang sagot.”

What? Natuwa pa ang mga 'to kahit na sarkastiko ang sinabi niya kanina? Oh baka naman napaka-dense sila?

“Aba, nasabi mo na iyan noong bumisita kayo, hindi naman ata ganyan iyan ang an anak ninyo ah. May kinalaman ba iyan sa anak namin?”

Huh? Anong pinagsasabi ni dad?

Napatingin siya kay Rui na naumid sa iniinom nitong orange juice na inihanda nang maid nila.

“It has nothing to do with her kung ganito man ako.” Wika nito at nilapag ang glass sa center table.

Who? Ako ba 'yong tinutukoy ni Dad o si Presea? Um, Clueless ata siya rito kaya para hindi siya ma-OP dito ay nagpaalam siya sa magulang na pupunta  siya sa supermarket. She was craving to eat sweets and because all of their sweets inside the ref was already gone, thanks to her good sister who ate it all by herself.

“Dad. Pwede po ba akong pumunta sa supermarket ngayon?” Tumigil sa pag-uusap ang apat na matanda at bumaling sa kanya.

“Ano naman ang gagawin mo doon? Aba, hindi ka pa magaling at lalong hindi din pwede dahil delikado lalo na ganyan ang kondisyon mo.”

“Walking distance lang naman 'yong supermarket eh. Tsaka mag-trycicle na lang ako. Geh na please? Inubos ni Presea 'yong lahat ng chocolate at cake doon eh!”

Tinopak na siya sa pagiging isip bata dahil gustong-gusto niya ngayon kumain nang sweets. She pouted her lips and look at her mom, begging to let her go outside. At dahil gano’n ang hitsura niya ay hindi siya natiis nang ina.

Freezia's Biggest Secret! (Revising)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن