Chapter 20: Matter of Life and Death

Start from the beginning
                                    

"Now that you're all under my spell, I order you to kill each other... until no one surives." Nakakapangilabot na boses ni Cernunnos ang narinig ko. Napahawak ako sa metal na hawla dahil pakiramdam ko matutumba ako anumang oras dahil sa narinig.

"No, knights! Huwag kayong makinig sakanya! He's manipulating all of you! Don't do this..." nanghihina na'ko. Hindi ako makapag-isip ng matino. Sobrang higpit ng pagkakatali sa'kin sa loob ng hawlang ito and I can't obviously do anything. I'm helpless.

Napasigaw ako nang magsimula na silang atakihin ang isa't isa. Inatake ni Inferno at Aero ang isa't isa dahil sila ang nasa magkaparehong side at sa kabila naman sina Lake at Cold. Napapikit ako nang iba't ibang apat na elemento ang nagbabanggaan ngayon sa ibaba.

"Ahhh!" Dumoble ang kaba ko nang maramdaman kong bumaba ako papunta sa nagliliyab na lava sa ibaba. Masyado silang malilikot kaya ang mga taling naka-konekta sakanila ay lumuluwag dahilan upang lumapit ako sa nagbabagang lava.

Nagpalabas ng nagliliyab na fire ball si Inferno kay Aero na siya namang nasangga ni Aero gamit ang kanyang wind shield. Pagkatapos ng atakeng iyon ni Inferno ay agad na kumilos ng mabilis si Aero upang maglabas ng sunod-sunod na air blade. Looking at how powerful they are, they can really kill each other right now.

Sa kabila naman ay naglalaban ang tubig at and sub-element nito na yelo. Di hamak na mas malakas ang main element na water kesa sa ice ni Cold. He can easily be killed!

"Stop!" Ngunit tila bulong lang ang sigaw ko sakanila. Ofcourse, hindi nila ako papakinggan. Wala silang papakinggan. All they want right now is to kill each other. Walang humpas ang paguunahan ng mga luha ko. Hindi ko alam ang gagawin. Never in my life I imagined to face a ridiculous scenario like this. But what do I expect? Everything in this world slaps the most unexpected situation.

Nasusunod na ang iilang puno sa side kung saan nandoon sina Inferno at Aero. Halos bahain naman ang side kung nasaan sina Lake. Sobrang magagalaw sila kaya tumataas-baba ako mula sa posisyon ko. Napahinga ako ng malalim knowing na hanggang ngayon ay buhay pa 'rin ako at hindi nalulusaw sa impyernong nasa ibaba.

"Ugh!" Napatingin ako kay Aero nang makitang nasusunog ang kaliwang balikat niya. Napaawang ang bibig ko, hindi talaga papaawat si Inferno!

"Aero! Inferno, tama na please! Mapapatay mo na siya!" sigaw ko mula rito sa itaas pero hindi niya ako pinakinggan at tuloy-tuloy muling pinaulanan ng fire ball si Aero. Mabilis na gumalaw si Aero upang ilagan ito. Pumunta siya malapit sa butas na may nagbabang lava kaya lumuwag ang baging na nakakonekta sa'kin. Bumaba ako ng ilang dangkal, shit! Nararamdaman ko na ang init.

Nakarinig ako nang malakas na ingay sa side nina Lake at Cold. Umakyat sila ngayon sa puno at nagbabatuhan ng ice spike at water ball. I didn't know that one day they'll gonna use their powers to hurt each other. Hindi sila ganyan, matalik silang magkakaibigan. They're innocent crying babies and I made them like this.

"Kung gusto mong tulungan ang mga kaibigan mo, may susi sa hindi kalayuang puno. Kunin mo ito kung kaya mo." Sabi ni Cernunnos kaya inilibot ko ang paningin ko pero mahina lamang akong napamura dahil napakaraming puno rito. Alin dyan? The heck! Hindi ko rin iyon makukuha dahil nakakulong nga ako dito di'ba? Kung hindi ka'ba naman isa't kalahating siraulo!

Naalarma ako nang nalaglag si Cold sa lupa. Nagsisimula na siyang palibutan ng napakalaking amount ng tubig. Malulunod siya!

"Lake, tama na 'yan!" Malakas na sigaw ko na halos maputol na ang litid ko pero parang hindi man lang ako nageexist sa paningin nila. Lahat na ng pagmamakaawa ginawa ko ngunit walang epekto.

"Xheila, my princess." Napapikit ako nang may narinig akong isang napakalambing na tinig sa tenga ko. T-teka, pamilyar ang boses na iyon.

"My cherubim?" All my hopes came back as I heard my cherumbim's voice! I knew it, dumarating siya palagi tuwing nasa panganib ako. I can still remember what Sync told me about the Royal Blood's cherubim. Lahat ng may dugong bughaw ay may tig-iisang guardian angel, which they call cherubim. And today is my lucky day!

SOM  2: Planet Of MagicWhere stories live. Discover now