Chapter 18: Invaded

Start from the beginning
                                    

"I'm not a bitch, I'm a monster." She said saka niya hinila si Collette palayo sa'min.

"No, no, no!" Sigaw ko saka sapilitang tumayo but I end up lying on the ground because of my tied hands and feet.
Hindi niya inilabas si Collette ngunit dinala niya ito sa gitna. Hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko ngayon. Bawat araw ay may isang wizard silang inilalabas mula sa kwartong ito at hindi ko alam ang ginagawa nila sa labas ngunit hindi na nakakabalik ang mga iyon.

"Wanna watch her die infront of you?" She teased us. I don't know her but I'll surely kill her once I got a way to untie myself here! Fucking vampire!

"Magkakamatayan tayong lahat dito bago mo siya magalaw!" Galit na galit na sigaw ni Jerr at nanlaki ang mga mata ko nang biglang sampalin ng bampira si Collette. Sa sobrang lakas no'n at dumugo ang gilid ng kanyang labi. Isang luha ang pumatak sa mata ni Collette ngunit hindi kami nakarinig ng kahit na anong hinaing.

"Nagalaw ko na siya, but you did nothing." At saka siya tumawa ng malakas.

"Fuck fuck fuck!" Dali-daling pinwersa ni Jerr ang sarili upang makalapit sa bampira ngunit may hinagis na dalawang malaking patalim ang babae patungo sa mga hita ni Jerr dahilan upang matumba ito.

"Ugh!"

"Jerr!!" Sigaw ko. Kitang-kita ko kung paano bumaon ang mga patalim sa dalawang hita ni Jerr. Umagos ang dugo sa kanyang paligid nang walang hinto.

"N-no." Iyak ni Collette. Sobrang sumisikip ang dibdib ko ngayon. I wanna call them pero hindi ko alam kung paano. We are like just ordinary human being right now.

"I can use you." Sabi ng bampira kay Collette at walang anu-ano niya itong sinunggaban sa leeg gamit ang kanyang mga pangil. Para akong nanigas sa kinauupuan ko ngayon. Hindi ako nakagalaw sapagkat hindi ko iyong inaasahan.

"You're converting a wizard into a vampire? Interesting huh." May isang lalaking bampira ang pumasok sa kwarto habang pinanunuod ang ginagawa ng babaeng kasama niya.

Pumikit ako upang huminahon. Kailangan kong mag-isip ng paraan because I'll just end up dying here hopeless if I will not think of a way. We need to escape and I need my wand back. We all need our wands back. And, we need the Royal Wizard and the Princess or else, our Kingdom will be destroyed.

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang mapupulang mga mata ni Collette na ngayo'y nakatulala. May mga pangil na rin siya gaya ng mga tipikal na bampira kaya wala akong nagawa kundi umiwas ng tingin. I can't stand seeing her like that.

"What the fuck did you do to her?! Bring her back!! I'll surely kill you all! I'll kill you!" Galit na galit na nagwawala si Jerr. Naalerto ako nang nilapitan siya ng babaeng bampira, hinugot nito ang isa sa nakabaong patalim sa hita ni Jerr kaya napahiyaw ito ng matindi.

"Leave him alone! Tama na!" Sigaw ko ngunit para lamang akong hangin.
Pinagmasdan ko ang paligid at puro iyak ng mga kasama ko ang nakikita't naririnig ko. We are not like this. We used to be the most powerful kingdom. What just happened?

Muling napahiyaw si Jerr nang saksakin siya muli ng bampira sa tyan niya. Fuck! They'll kill him!

"Tama na 'yan Queen. Let's go." Ani nang kasama niyang lalaki saka binitbit si Collette palayo.

"Collette! No! Ibalik niyo si Collette!" Sigaw ko ngunit tuluyan nang nakaalis ang lalaking bampira. Binalingan ko nang tingin ang babaeng bampira na sa tingin ko ay reyna nila. Tumayo na ito at naglakad na palayo. Isinarado niya ang pinto kaya dumilim na uli ang paligid. Wala ni isang bintana sa silid na ito kaya sobrang dilim. Ni hindi ko maaninag ang mga kasama ko.

SOM  2: Planet Of MagicWhere stories live. Discover now