E P I L O G U E

7.6K 230 56
                                    

Sophia's POV

Pagkagising ko tumulo agad ang luha ko. Hindi ko gusto ang napaganipan ko ngayon. Masyado akong nasaktan doon dahil pinagpalit daw ako ni Axel.

Alam ko namang hindi 'yon gagawin ni Axel sakin eh dahil alam kong mahal na mahal niya 'ko. Pero bakit ganun? Isang buwan siyang hindi nagparamdam? Isang buwan siyang hindi nagpakita? Isang buwan siyang nawala! Pero eto ako hindi parin sumusuko dahil naniniwala akong babalik siya naniniwala akong hindi niya 'ko iiwan! Dahil naniniwala akong papakasalan niya pa ako.

Tinignan ko ang phone ko at nakitang may text si Ash binasa ko kaagad 'yon at parang nanghina ang tuhod ko. Mabilis lumabo ang mga mata ko. Hindi 'to totoo! Binasa ko ulit ang text niya pero hindi ko napigilan ang luha ko.

Sophia? Nakita ko si Axel Sophia may iba na siya! Nilapitan ko siya pero tinulak niya lang ako. Sinigaw niya sakin na hindi ka na niya mahal. Pasensya na ngayon ko lang nasabi ha? Natatakot kasi akong mabigla ka. Sophia? B-bitawan mo na siya.

Nabitawan ko ang cellphone ko sa text ni Ash napahagulgol ako. Noooo! Hindi niya na ako sasaktan eh! Hindi niya ako iiwan! Hindi 'to totoo. Magpapakasal pa kami eh. Umilaw ulit ang phone ko at nakita kong nagtext doon si Keith.

Bestfriend? Mahal na mahal ka ni Axel hehehehe! Kapit ka sa akiiinnnn! Hindi kita bibitawaaaaannnn!

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko sa text ni Keith hindi ko alam kung seryoso ba siya o ewan. Hindi ko alam kung sino ang papaniwalaan ko sa kanilang dalawa ni Ash. Dahil sa kanilang dalawa alam kong mas seryoso si Ash.

Napaiyak nanaman ako dahil naalala ko nanaman 'yung text ni Ash. Nalilito ako lalo na naalala ko rin yung text ni Keith! Pero ang iniisip ko lang ngayon nasan si Axel kung nakita siya ni Ash? Sinubukan kong tawagan si Ash pero hindi niya sinasagot ganun din naman si Keith. Pakshet! Gulong gulo na 'ko!

Tinawagan ko ulit si Ash at matagal 'yon bago niya sagutin huminga muna ako ng malalim baka kasi habang kausap ko siya mapaiyak ako ng wala sa oras neto.

"Hello Sophia?"

"H-hello Ash?"

"S-sophia o-okay ka lang?"

"A-ash sabihin mo namang hindi 'yon totoo oh! P-please?"

"Sophia m-may iba na siya. Hindi ka na niya mahal"

"No! Hindi Ash! Mahal na mahal ako ni Axel! Hindi niya gagawin 'yon Ash! Hinding hindi niya 'ko iiwan!" Dahil sa luha at inis ko binabaan ko ng phone si Ash!

Napayakap ako sa tuhod ko at napaiyak. Wag mo na sana ulit akong saktan Axel! Please lang. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Hailey.

"S-sis? Si Axel may iba--"

THE POOR GIRL'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon