Chapter 27

7.1K 317 11
                                    

Kyla's POV

Nag aayos na ako dahil susunduin daw ako ni Axel para sabay na kaming pumunta kila Ash dahil doon nga kami gagawa ng Banner para sa mga Jennings kahit na ngayon ko lang narinig ang Last name nila pakiramdam ko ang tagal ko ng alam.

Biglang may bumusina sa labas kaya sigurado akong si Axel na iyon kaya lumabas na ako at nilock ang pinto.

"Hey! Goodmorning Let's go?" Sabi ni Axel.

Eto nanaman parang ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko Totoo ba yung sinabi ko kahapon sa sarili ko na gusto ko na sya? Kasi sa tingin ko O-oo hays! Hindi naman masamang magkagusto sa isang tao diba?

"Hey are you okay?" Napatingin ako bigla kay Axel na nasa harap ko oo nga pala kinakausap nya nga pala ako kung ano ano kasi iniisip ko eh.

"Ah oo tara na" bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse nya pero si Axel ang nagbukas non kaya tinignan ko sya pero ngumiti lang ito kaya pumasok na ako.

"Now I know na takot ka pala sa kidlat" napatingin ako kay Axel pero sa daan lang ito nakatingin at nakangiti ng nakakaloko.

"Ah Oo takot talaga ako eh ewan ko ba!" Sabi ko nalang.

"Haha! Ang cute mo pag natatakot" sabi nya habang tumatawa pa napanguso nalang tuloy ako.

Nakarating kami sa Baha-- este  Mansyon nila Ash ay pinapasok na agad kami ng maids nila dahil iyon ang utos ni Ash.

Pagpasok namin nakita agad namin si Ash na nakaupo at si Keith nakakamiss rin ang kakulitan nito. Pumunta kami sa kanila at umupo narin ang laki naman ng Mansyon nila Ash nagkikita kita pa kaya sila dito? Sobrang laki ang ganda pa.

"Oy Namiss ko kayo walang araw na hindi ko kayo inisip alam nyo ba iyon?" Sabi ni Keith kaya binato sya ni Axel ng unan dito sa sofa.

"Oa mo liit kala mo naman isang taon kang nawala!" Sagot sa kanya ni Axel.

Tumawa lang ito at nagsimula na kaming mag design sa banner madali lang naman gumawa ng banner kaya natapos namin kaagad hindi muna kami pina-uwi ni Ash dahil magluluto daw sya ng spaghetti at gusto nyang ipatikim samin ^___^

"Alam nyo ngayon ko lang nalaman na malaki pala ang share ng Jennings sa MSA" sabi ko sa kanila.

"Ah halata nga haha! Tsaka sa US kasi sila tumira matapos malugi yung negosyo nila eh" paliwanag ni Keith sakin kaya pala eh.

"Kyla mamaya samahan moko mag grocery huh" sabi sakin ni Axel kaya tumango nalang ako masyado pa naman maaga eh tsaka magisa lang naman ako sa bahay masyadong boring.

"Aba! First time yan ugok ah! Sinipag? Haha" pangaasar sa kanya ni Keith binatukan lang ito ni Axel.

Natapos si Ash na magluto ay hinaya nya na kami na kumain.

"Bro parang may kulang sa spaghetti mo" sabi ni Keith matapos itong tumikim sa spaghetti na gawa ni Ash.

"Oh ano nanaman? Ito kamo si Keith laging may kulang ang sinasabi! Kaya pati Height nya nadamay eh" natawa naman ako sa sinabi ni Ash. Haha!

THE POOR GIRL'S REVENGEWhere stories live. Discover now