Chapter 34

6.9K 227 2
                                    

Kyla's POV

Nakasuot ako ngayon ng simpleng black dress eto yung iniwan ni Axel kahapon habang nasa park ako. Tapos nakasuot din ako ng flat shoes na kulay white.

Hinihintay ko nalang si Axel na dumating dito. Hindi ko nga alam kung san nya ako dadalhin basta ang nakasulat lang doon sa note ay 'wear this And I'll pick you up tomorrow at 7:00 pm' yun lang naman ang nakasulat.

6:55 na at 5 minutes na lang ang hinihintay ko para sunduin ako ni Axel dito sa bahay. Nag ayos din ako ng kaunti yung simple lang.

*Beep!Beep!*

Nakita kong lumabas si Axel sa kotse nya at pumunta sa akin ng nakangiti. Eeeehh! Ang gwapo nya. Ano bang meron ngayon?

"You're beautiful tonight"

"Thank you... San nga pala tayo pupunta?" Tanong ko.

"It's a date" bulong nya sakin ramdam ko ang pag ngisi nya. Ano bang meron kay Axel. At anong date?

"Huh? D-date?"

"Yes. I want to be your first date Kyla" Sabay ngiti sakin. Pagtapos ay pinagbuksan nya na ako ng pintuan ng kotse nya.

Nagdri-drive sya habang nakangiti ang gwapo nya tuloy. Hays! Eto ang first date ko sana maging masaya.

Huminto kami sa isang pamilyar na lugar. Dito kami pumunta ni Axel nung pumunta kami ng mall kumanta pa nga sya eh.

Paglabas namin ng kotse ay sobrang tahimik. Naglakad kami ng kaunti at napangiti ako sa nakita ko. May lamesa sa gitna tapos may mga pagkain at syempre may dalawang upuan. At sa gilid naman may mga ilaw.

Ganto pala ang pakiramdam pag nasa date ka.

"Let's eat first" Sabi ni Axel at hinila ang upuan para doon ako umupo.

"Thank you"

"Always welcome" Nakangiting sambit nya.

Nagsimula kaming kumain. Naiilang nga ako eh kasi naman hindi ko alam kung ano yung mga hinandang pagkain dito. Ang alam ko lang naman adobong manok,tinola,sinigang. Yun lang naman ang alam ko.

"Don't you like it?" Tanong nya.

"H-huh? Ah hindi gusto ko hehe."

"Are you sure? Hindi mo pa nga nagagalaw yung pagkain mo eh"kunot noong tanong nya.

Kinuha ko agad ang kutsara at sinubo agad kung ano ang nasa plato ko.

"Hooh! Ang Anghang pala nito!" Sabi ko.

Biglaan nya akong inabutan ng tubig.

"Are you okay?"

"H-huh? Oo hehe" grabe naman tong si Axel tatanungin ako kung okay ako? Eh kung makatikim kaya sya ng sobrang anghang na pagkain.

Kumain kami ng kumain. Naiilang pa nga ako dahil maya maya nakatingin sakin si Axel eh.
Pagtapos naming kumain ay tumayo si Axel at inilahad ang kamay nya.

"Let's dance"

Sabi nya. Hindi ba pwedeng magpahinga muna Axel? Eh dahil sa kinikilig ako inabot ko narin ang kamay ko. Hehe.

Habang nagsasayaw kami ay may magagandang kanta ang tumutugtog sa gilid.

Natatawa nalang si Axel kapag natatapakan ko yung paa nya eh. Hindi naman kasi ako marunong sumayaw.

THE POOR GIRL'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon