Chapter 25

7.3K 234 26
                                    

Kyla's POV

"Okay class see you tomorrow Goodbye!"

Pagtapos sabihin ng prof. Yan hinila na agad ako ni Axel hindi naman sya Excited nyan? Maaga uwian namin ngayon eh sa hinaya ako kahapon ni Axel na pumunta ng mall kaya eto papunta na kami.

"Hindi ka naman Excited nyan?" Sabi ko at tumatawa.

"Tss. Stop laughing matagal na kasi akong hindi pumupunta ng mall" sagot nya at nakatingin parin sa daan habang nag mamaneho.

Tumawa naman ako ng mahina para kasi syang bata.

"Oh anong nakakatawa?"

"Para ka kasing bata eh" pagkasabi ko non sumimangot naman yung mukha nya.

Nakarating kami sa mall at tinignan ko si Axel mukha talaga syang bata haha!

"What if bumili tayo ng damit?" Tanong nya sakin habang tumitingin sa paligid nitong mall.

"Huh? Bakit naman?" Tanong ko okay naman kung naka uniform lang kami eh.

"Mukha kasing hindi enjoy kung naka uniform tayo tsaka baka isipin ng iba na nagcutting tayo eh so let's go? Mas okay kung bibili tayo Don't worry sagot ko" napaisip naman ako doon hmm siguro nga tama sya kaya bandang huli pumayag narin ako.

Pumunta kami sa may bilihan ng damit kung titignan mo mukhang mamahalin dito kahit ang simple lang.

"Kyla eto oh sukat muna wag mo ng tignan huh kasya naman yan sayo tsaka bagay naman ayoko ng pinaghihintay ako" sabi nya sakin at inabot yung simpleng t-shirt sakin na kulay white tinignan ko si Axel at pupunta narin sya sa cr para suotin yung t-shirt pero nakangiti sya sakin ng nakakaloko. -_-

Hindi ko na pinansin yung t-shirt at sinuot ko na agad yun baka mainip na kasi si Axel eh magiging masungit nanaman yon! Kasya naman sakin pero nakapalda ako -_-

Paglabas ko nakaupo si Axel don at hinihintay ako naka white t-shirt din sya mukhang parehas kami pagtapos nya bayaran yung t-shirt hinila nanaman nya ako sa bilihan ng pantalon binigay nya sakin yung pantalon na black at sinuot ko na 'yon ganun din naman sya, pumunta naman kami sa bilihan ng mga sapatos inabot nya sakin yung isang flat shoes simple lang naman pero bagay sa suot ko binayaran na 'yon ni Axel at pati yung sa kanya pagtapos ay pumunta kami sa kotse nya para don ilagay yung bag namin tsaka yung suot namin kanina tsaka bumalik ulit kami sa loob hays! Nakakapagod iyon!

"Tara bili tayo ng ice cream mukhang napagod ka eh" tumango ako sa sinabi nya at naglakad na kami papunta sa bilihan ng ice cream.

Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa mall kaya nagtataka ako yung iba nakangiti samin yung iba naman kinikilig kay Axel.

"Bagay sayo yung suot mo" napalingon ako kay Axel na nasa kaliwa ko at nakangiti.

"Ah sayo din" sabi ko.

"Ang sweet nila oh"

"Kaya nga eh"

"Naka couple t-shirt pa sila ilang months na kaya sila? Ang gwapo pa ng lalaki yiiieeee"

Napalingon ako sa tatlong babae na naguusap at nakatingin samin at ano daw? Couple t-shirt?! Napalingon ako kay Axel at sakto namang medyo nauna sya nakita ko yung naka sulat sa likod ng damit nya.

"I love her"  sabay may arrow na nakaturo sa kanan.

Sakto namang may salamin kaya tumingin ako doon at medyo tumalikod kaya nakita ko yung nakasulat kaya nanlaki yung mata ko.

"I love him" sabay may arrow din na nakaturo sa kaliwa aba loko to si Axel ah! -_-

"Oy Axel yung t-shirt natin eh pang couple to eh" sabi ko sa kanya humarap naman sya sakin na may pang asar na ngiti.

"It's okay bagay naman satin eh mag enjoy nalang tayo" sabi nya at nakangiti. Loko talaga pero parang naginit yung pisngi ko doon ah.

Nakapunta na kami sa bilihan ng ice cream at umorder sya ng dalawang malaking cookies and cream at sabay naming kinain iyon.

Habang kumakain kami napatingin sakin si Axel at unti-unti nyang nilalapit yung mukha nya sakin pakiramdam ko namumula na ako naramdaman ko nalang yung kamay nya sa gilid ng labi ko.

"Ang dungis mo talaga kumain" asar nya sakin at tumawa.

Tumawa nalang din ako pagtapos naming kumain ay nag ikot ikot kami sa mall may nakita akong isang kwintas sobrang ganda nya tapos may diamond sa gitna alam kong mahal sya pero pinapangako ko na bibilhin ko sya pag may pera na ako.

"Tara na?"napalingon ako sa gilid ko andito na pala si Axel.

"San tayo?"tanong ko.

"Tagu-taguan tayo sa dito sa mall" muntik na akong maubo sa pagkasabi nya nun seryoso ba sya?

"Seryoso ka?! Nasa mall kaya tayo haha" sabi ko sinamaan naman nya ako ng tingin kaya pinigilan kong hindi matawa.

"Dali na maganda yon magtago kana ako na yung hahanap sayo" nakangiti nyang sabi kaya wala na akong magawa kundi magtago.

Nagtago ako sa likod ng mga damit nakatayo lang ako doon. Maya maya nakita ko syang hinahanap ako wahahaha! Tignan ko lang kung mahanap mo ako. Maya maya hindi ko na sya makita teka? Asan na yun unti- unti akong lumabas at nagulat nalang ako ng may yumakap sa likod ko.

"Wahaha! Huli ka" sabi nya at tumatawa.

"Kyahh ang cute nila oh"

"Kaya nga eh. Pero walang forever mag be-break din sila sa 23"

Sabi ng dalawang babae ang bitter ng isa huh. Bigla naman akong natauhan sa posisyon namin ni Axel kaya humarap agad ako sa kanya.

Nagtaguan kami ng nagtaguan sa mall para kaming mga tanga at mga bata napagalitan na nga kami ng mga guards dito eh pero hindi namin iyon napansin.

Ng mapagod kami sabay kaming humiga dito sa may damuhan sa park at tawa ng tawa.

"Kyla tara may pupuntahan tayo" biglang sabi ni Axel at hinila nanaman ako.

Hindi ko alam kung san kami pupunta pero sumama lang ako sa kanya.

Maya maya pumunta kami sa isang lugar na sobrang tahimik ang lamig , ang ganda dito kitang kita mo yung view sa baba yung mga ilaw parang ang sarap manood ng sunset dito kami lang dalawa ni Axel ang andito ngayon.

Sumandal kami sa may isang puno at tinignan namin yung mga star.

'Cause it's you and me and all of the people with nothing to do , nothing to lose.

Nakatingin ako kay Axel habang kumakanta sakto namang tumingin din sya sakin.

And it's you and me and all of the people  And i don't know why I can't keep my eyes off of you. 🎶

Nakatitig lang sya sakin habang kumakanta. Pakiramdam ko namumula ako na ewan.

Parehas naming tinignan yung mga star sa langit.

THE POOR GIRL'S REVENGEWhere stories live. Discover now