Chapter 68

6.9K 205 19
                                    

Zander's POV

"Masaya ako para sa inyong dalawa" pilit na ngiting tugon ko sa kanila.

Nakita kong nagkatinginan sila at ngumiti.

"Thanks dude!" Sabi ni Mark habang hawak ang kamay ni Kate.

"Ah-- so bumibili na kayo ng mga gamit ng baby niyo?" Tanong ko dahil nakita ko yung bitbit nila.

"Ah oo eh. Kahit hindi pa naman talaga malaki ang tyan na at hindi pa talaga namin alam kung anong gender pero gusto naming paghandaan" ngiting-ngiti na sabi ni Mark kahit ang totoo niyang ay gusto ko na siyang suntukin!

Akala ko may pag-asa pa. Akala ko ba mahal niya 'ko? Eh putspa! Paano namin mababalik yung dating kami kung magkakapamilya na siya?!

"Cutiepie gusto mo bang maasim na prutas?"

Muntik ko ng mabuga yung juice ko dahil sa tawag sa kaniya ni Mark ang baduy naman nito!

Nung kami pa ni Kate tawagan namin babeby eh! Tapos siya cutiepie? Hindi naman kagwapuhan 'tong si Mark pakiramdam ko lasing si Kate ng sinagot niya 'to.

"Ah sige na huh? Mauna na 'ko" hindi ko na pinakinggan ang sagot nila at padabog akong umalis.

Shit lang Ang sakit! Punong-puno ako ng pagasa eh! Tapos sila na? Magkakaanak na sila! Paano na kami? Paano na 'ko?!

"Z-zander!" Dahan dahan akong lumingon sa likod ko.

Nagtataka akong tumingin sa kaniya bakit niya pa 'ko sinundan dito sa parking lot para ano?! Para ipamukha sakin na magkakaanak na siya? Sa mukhang paang lalaking 'yon?

Nilakasan ko ang loob ko at deretsong tumingin sa kaniya.

"Congrats! Sana maging healthy ang baby niyo ni Mark."

Pero isang malakas na sampal yung natanggap ko galing sa kaniya Damn! Ano bang ginawa 'ko nagulat ako ng makita ko siyang umiiyak.

"Alam mo kung bakit ako nakipagbreak sa'yo? Kasi hindi ka marunong magtanong! Masyadong sarado 'yang tenga mo para pakinggan yung mga paliwanag ko! Basta nakita mo mag papanggap ka nalang na masaya ka. Zander naman! Matuto ka namang manigurado sa mga bagay na nakikita mo!"

"Yung sa pinsan mo ba yung tinutukoy mo? Edi Sorry napangunahan agad ako ng galit ko, ng selos! Hindi ako marunong magtanong baka kasi mas lalo akong masaktan kahit alam ko na yung sagot! Pero oo na! Mali ako dapat tinanong muna kita kung kaano- ano mo yung lalaking 'yon. Edi sana nalaman ko kaagad na pinsan mo 'yon edi sana hanggang ngayon tayo parin edi sana hindi ka nabuntis! Pero hayaan mo Kate tapos na 'yon pakasaya ka!"

THE POOR GIRL'S REVENGEWhere stories live. Discover now