Chapter 14

7.7K 265 50
                                    

Kyla's POV

Totoo ba 'to? Ako may kaibigan? At higit sa lahat ang kaibigan ko ay ang Pinaka kilalang lalaki sa School?

"Anak bumaba ka na Kakain na" sabi sakin ni Nanay tumango lang ako.

Sabado ngayon at buti nalang kagabi ay tulog na sila ng umuwe ako kaya naman ay hindi nila napansin ang itsura ko kagabi sinabi ko lang na gasgas lang ang nasa noo ko para hindi na sila masyadong mag alala.

Matapos kong magsuklay ay bumaba na ako para kumain.

"Okay naman yung party kagabi Anak?"tanong ni tatay agad naman akong nagsalita na 'oo' kahit hindi!

Natapos na kaming kumain at pumunta ako ng kwarto masyadong boring ang araw na 'to kaya nagbihis ako at nagpaalam kila nanay na pupunta nalang muna ako sa park.

Nang makapunta ako sa park ay bumili ako ng ice cream at umupo sa may bench.

May naramdaman akong umupo sa tabi ko at nagulat ako ng si Axel iyon.

"H-hii Andito ka pala" naiilang kong sabi sa kanya.

"Yes"maikli namang sagot nito bat parang ang sungit nya parin?

Tinignan ko siya nakita kong parang ang lalim ng iniisip nya at yung mata nya ay parang may halong lungkot.

"Axel okay ka lang?"

"Yeah!" Sagot naman nito.

"Ikaw bat andito ka?"tanong niya.

"Hmm! Naboring lang ako sa bahay eh"

"YOW!KYLA! HELLO HELLO (WHAT) HELLO HELLO (WHAT) TELL ME WHAT YOU WANT RIGHT NOW! YEAH!"nagulat naman kami ni Axel sa maingay na si Keith habang papalapit dito at kumakanta pa.

"HOY! Yung bunganga mo nanaman Keith letse!"sigaw naman ni Ashton.

"Hi kyla"bati sakin ni Ashton nag 'hello lang ako sa kanila at umupo din sila sa may bench.

"Ehem! Ahm Close na kayo?"tanong ni Keith ng may mapang asar na Ngiti.

Hindi naman ako Nagsalita agad dahil nga parang ang sungit ni Axel at Parang hindi nya alam ang sinabi nya kagabi.

"Magkasama na nga diba? Kulit mo Keith"sabi naman ni Ashton.

"Ah nagkita lang kami dito"sabi ko naman pero si Axel ayun nakatingin lang sa malayo na para bang wala kami dito.

"Bro magsalita ka naman dyan,mapanis laway mo HAHAHA!"asar naman ni Keith.

"Shut up! Ang ingay mo Keith"sabi ni Axel.

"Ah Kyla okay ka na ba?"tanong ni Ashton.

"Ah oo tsaka salamat nga pala hah kagabi."

"Sus!wala yun"sabi ni Keith."gawain talaga ng mga gwapo yun! Hahaha!"dugtong ni Keith at tumawa napansin naman nya na sya lang ang tumatawa "oy! Support naman dyan"sigaw nya kay Ashton binatukan lang sya nito at umayos ng upo.

THE POOR GIRL'S REVENGEDär berättelser lever. Upptäck nu